this is the first time na sasabihin ko lahat ng nararamdaman ko ng walang takot.i dont want to mention names for i still care for those people who are involve.kilala naman nila siguro kung sino sila.isa itong malaking script para sa pinakamalaking movie of the year.na pagtatampukan ng mga sikat na artista sa industriya ng chatworld.sumubaybay ka...
nakilala ko sya nun.sa panahon na nananahimik ako bilang chatter.tapos na ang oras ko bilang isang hamak na taga basag ng trip ng mmb39.papalakpakan ko na sana ang sarili ko dahil nakaligtas ang puso ko sa mga babaerong nagkalat at naghahanap ng past time.mulat ako sa mga ganung eksena. mulat ako sa ilang pagpapanggap na nagaganap sa iba.hindi lang kasi ako taga basag-trip kundi isang magaling na tagapagmasid.anyways, eto na...nagpapansin sya.nagpa awa effect.nag emote.pinagkatiwalaan ko.naawa ako.at sabay kaming nag emote sa mapighating mundo.alam ko, nararamdaman ko...maraming nakatago na lihim ng kanyang pagkatao.pero hinayaan ko pa ring guluhin at bigyan kulay nya ang mundo ko.habang nagkakalapit ang loob naming dalawa..maraming bagay ang unti-unting sumulpot na parang lumot na bumabalot sa kanyang pagkatao.maraming mga concern citizens ang nagbigay ng babala.parang mmda lang na nagkalat sa EDSA.pero nanahimik ako at naging ulirang driver na sumunod sa agos ng traffic.naghintay akong isampal nya sa oily face ko ang katotohanang matagal ko ng alam.pero hindi umabot sa ganun.
may nagover take.isang babaeng pinagkatiwalaan ko kahit karibal ko sa puso nya.kaibigan ko sya hindi dahil kailangan kong may malaman sa kanya, kundi dahil gusto ko para maging flat ang triangle naming mundo. ayaw kong makipag kompetensya.hindi ako magaling makipagsabayan.mas gusto kong naiiwan ako at hayaan silang makipag unahan.hindi ako selfish na tao.hindi ako competetive.kaya kahit it keeps me on bleeding,nagparaya ako.pero they decided to fall apart.pinili nya ko.naglet go si gurlalu.akala ko flat na ang mundo.pero tama si magellan..at mawawalan ng saysay ang history of the mankind na ginawa nya kung magiging tama lang ako.trinaydor ako ni magellan.pinamukha nya saking kahit kelan hindi magiging ayon lang sa kagustuhan ko hugis ng mundo.
bigla syang ngpop out.para lang isang bula.ganun ka bilis.ganun kadali pagkatapos ng isang masayang sandali.ewan ko.hindi na ko naghanap.hindi na ko nagtanong.dahil alam ko na...na it all come to an end.wala akong regret.at hindi kelan man magkakaron ng bitterness.ginawa ko ang lahat.at walang dapat panghinayangan dun.saming dalawa...sino ang mas may karapatan para maghinagpis? alam kong hindi ako un.natatawa nga ako.isang malaking theather play ang nagyari.isang malaking pagpapanggap at hindi ko inaasahang ako ang magiging bida dito.sawing bida.oo masakit.masakit na nabuhay ka kasama sya sa isang malaking script na ginawa nya.parang isang season lang ng Pinoy BigBrother.
ngaun kung tatanungin mo bang umiyak ang bida?..oo tao pa rin ako.umiiyak kapag nasasaktan.pero ang bawat pag-iyak ay pag-asang darating ang oras na magiging okay ako.and i never thought that is so soon. nahihiya ako sa sarili ko sa nangyari at sa mga taong nakilala ko dahil sa kanya.iniisip ko kung ano ang nasa isip nila patungkol sa'kin.nahihiya ako sa mga ginawa ko.sa mga ibinigay ko.pero hanggang dun lang...hindi na dapat pagsisihan pa.masyadong maikli ang buhay para sa pagsisisi sa bagay na nakapagpasaya sau kahit sandali.
masakit..pero kaya ko.at hindi tamang isipin na nalugmok ako.dahil kaya kong makipag titigan sau sa mata...nang walang halong pagsisisi...hindi ako ang mali...hindi ako ang nanloko. hindi ako galit sau.at never na nagalit.just back off.minsan darating din ang time..maiisip mo...na tama ako..na ikaw..ang pinaka malungkot na taong nakilala ko.