Saturday, August 6, 2011

Irereklamo kita

i just got home from the seminar. seminar para sa mga bibinyagan para bukas. ye right, madadagdagan na naman ang inaanak ko. kasama ko si ate (step-sister ko at ina ng bibinyagan) at isang ninong na magiging kumpare ko.

ang seminar ay turn out to be storytelling. parang isang mahabang kwento lang mula kay Eba at Adan hanggang kay Moises. Not so much of the info naman, alam ko na kasi un kahit nung Grade I pa ko. Hindi ko nga ma-gets kung bakit may mga ganung seminar pa. i mean, no offense meant with the process. sana lang mas substantial ung topic. ung tipong makukunsyensya ka and make you realize something. ung tipong bibigyan ka talaga ng magandang rason kung bakit swerte mo at naging ninang o ninong ka.

natapos ang storytelling…este seminar pala. oras na ng pagbabayad. isa-isa pinapila sa harap ng cashier. by numbering ang tawag. pang pito kami. mataray ung babaeng nasa loob ng cashier window. ung tipong iniintimidate ang mga kawawang nanay na magbabayad ng 400. mataas ang boses kung mag-utos na pirmahan ung mga dapat pirmahan. nung tinawag kami….

“sino umattend ng seminar?”

“ako ho” sagot ng ate ko.

“pumirma ka dyan”

to the rescue na ko bago pa helpless na tumingala si ate. okay fine. hindi sya marunong magsulat. hindi rin marunong magbasa. so malamang, hindi sya marunong pumirma. inabot nya sakin ang ballpen at sinimulan kong sulatan ang form…

“sino ba ang nanay?”

“sya po”

“eh bakit ikaw ang pumipirma?”

“hindi ho sya marunong pumirma eh”
pabulong na sagot ko dahil halos lahat na ng tao dun, nakatingin na samin.

“eh bakit hindi marunong pumirma?” anak naman ng pating, kailangan ko pa bang isigaw na no read no write ang ate ko? kaya nga ako andito diba, para ako ang pumirma. dapat ba talaga sya?

sa pagkakataong un, naawa ako sa ate ko. gusto ko magpa super hero na duru-duruin ang babae sa likod ng bakal na bintana na kailanman wala syang karapatan para mamahiya ng taong walang alam. hindi nya kailangang pagsigawan at ipahiya sa isang tao ang kakulangan nya ng kaalamanan. hindi bawal magpabinyag ang isang nanay na hindi marunong pumirma para sa isang resibong magwewelcome sa anak nya bilang isang tunay na anak ng Diyos. at higit sa lahat ang tulad nyang nagttrabaho sa simbahan ay kailangang umasta ng naaayon sa ugali ng isang mapagkumbabang Kristyano.

pagkatapos iabot ang isang piraso ng papel sa halagang 400 at isang paalala na kailangan dumating ng 10:30 am, tinanong ko ang kanyang pangalan. gulat syang sumagot. kasabay ng sagot kong salamat, isang banta ang tumanim sa isip ko. bukas, irereklamo kita.