Uso ang mga pelikulang binuo na sumasalamin sa normal na takbo ng buhay ngayon. Uso kumbaga. The Mistress, No Other Woman, One More Try and A Secret Affair. Sa isang pamayanan na pinalaki sa konserbatibong pamumuhay, hindi ko ma-gets kung bakit nauuso ang mga ganitong tema ng istorya. Na para bang buong puso na nating niyayakap ang kaugaliang ito.
Mapa-radyo (via PapaJackonTLC) or balita o maging sa blogosperyo, iisa ang rason ng karamihan kung bakit may nagb-break, naghihiwalay, o may umiiyak. Third party. Kung ikaw ung nasaktan at ikaw ung iniwanan, bitch sigurong maituturing ung mga taong nanira ng relasyon. Ung mga taong sumingit, nanggulo at lumandi sa taong mahal mo. Sa sobrang sakit, gugustuhin mo sigurong itali sila sa puno ng mangga, ibitin ng patiwarik, tadtarin, o gawing longganisa. You cant even describe the pain you've been through dahil sa mga taong dahilan ng heartache mo.
Pero lets take a deeper analysis kung bakit nga ba nagkakaron ng Third Party.
- Una, sadyang malandi lang talaga at trip lang ng mga taong ito ang manggulo. Ung hindi naman seryoso at for fun lang. Insensitive sa mararamdaman ng ibang tao. Selfish at gusto lang eh pasayahin ang sarili nila. Sila ung taong walang pakialam kung may taong masasaktan. O may gustong patunayan sa sarili. Ung tipong kagandahan at kapogian lang ang puhunan. Pag ganito ang taong umentra sa relasyon nyo, hayaan mo nalang. Maawa ka na lang. Hindi sila ung tipo ng taong dapat mong katakutan dahil hindi naman sila ang tipo ng taong sineseryoso.Pero pag ganito ang karelasyon mo, wag ng magpa tumpik tumpik pa, karakaraka...hiwalayan na!
- Pangalawa, ung taong naghahanap ng special attention sa iba. Ung may makitang konting mali lang sa kapartner nila at hindi nila nagustuhan, may sapat na silang rason para maghanap ng iba. Sila ung tipo ng taong mahal nila ung current gf/bf nila pero naghahanap ng konting pagbabago. Parang naghahanap ng konting anghang sa Adobo. Madaling ma-distract at madaling akitin. Pero hindi nila magawang makipaghiwalay at aastang nakakaawa kapag nahuli. Karamihan paawa effect ang mga taong ito. Nagttake advantage sa mga taong pedeng maniwala sa kanila. Pero un nga lang, duwag. duwag para mag-let go. I should say, dapat tinuturuan ng leksyon ang taong ito. Ung tipong takutin mong magmmigrate ka na sa Africa o need mo munang maging Astronaut. Pero communication is the best approach. Try nyong magbonding sa Picnic Grove habang pinag-uusapan nyo ung mga ayaw at gusto nyo sa isa't-isa. Try to settle the differences in a romantic way and you will be able to win her/him back.
- Pangatlo. Eto ung mga taong inlove. Unconditional love. ung mga taong pumapayag maging ikatlo dahil nagmamahal lang sila. Sila ung mga walang balak manira ng relasyon at kuntento nalang sa konting oras na ibinibigay sa kanila. Hindi demanding at alam kung saan lulugar. Usually sila ung mga nagpapaka martir. Most of the Mistress are like this. They tend to settle with what they have even if it means a small amount of attention para lang sa taong mahal nila. They also tend to stay no matter what even if they are taken for granted. Martir pa sa legal wife. In the end, karamihan sa kanila naiiwang umiiyak at loser. Sila ung pinaka mahirap kalaban dahil walang gamot sa katangahan. And no matter what are you going to say to them, they are going to defend their feelings. Their best weapon is love. Pero kapag napagod sila, no matter how they are being chased at serious na sila para magmove on, they are never going back.
- Pangapat. Pera. Money. Kaching kaching. ung mga taong kapit sa patalim, mahigpit ang pangangailangan o sadyang social climber lang. Period. un lang. di ko na kailangang iexplain pa.
No matter what the reasons are, mali na pumasok sa isang tatsulok na relasyon. Mali na manira ng relasyon ng iba. Mali na maging dahilan para makasakit ng iba habang nagpapakasaya ka. Pero mahirap i-take ang daang matuwid lalo na kung feelings ang pinag-uusapan. Mahirap idefend ang kagustuhan lalo na kapag puso ang involved. Mahirap i-justify.
masalimuot ang bawat kwento ng tatsulok na relasyon. bawat sulok, may kanya-kayang reason. may tama at may mali. Pero iisa lang ang dapat tandaan: No one is perfect, and no one has the right to judge another person.