Friday, March 20, 2009
Patingin tingin....sarap sapakin
ewan ko ba... kung bakit naman kasi ayaw pang ipahalata ng todo kahit halata naman. at ewan ko nga rin ba, kung bakit parang ako lang ang sensitive na taong laging nakaka pansin ng mga malalagkit nilang tingin. minsan nga natatawa na lang ako tuwing magtatagpo ang tingin nila sabay kindat ng isa. matamis na ngiti naman ang isasagot ng isa na parang high school na kinikilig at parang bulateng nilagyan ng asin.
nakakairita...nakakaasar...nakakapag init ng ulo...
o baka naman
nakakainggit.
ayaw ko ngang ipaalam sa kanila na kumukulo ang dugo ko sa kanila. baka lumabas ang totoong inggit lang ako. palibahasa wala ng lovydoves ko para kindatan at bulungan ako. hays
ngaun naiintindihan ko na kung bakit napaka init ng dugo nga mga ka opismeyt ko dati nung nagkaron ako ng boypren sa opis.
hehe..mga inggetera rin pala sila
Monday, March 2, 2009
Mga Tanong Na Walang Sagot
para akong nakasakay sa time machine. umikot ang mundo pabalik sa nakaraan, three years ago. narinig ko na yan eh sa ibang sitwasyon, sa ibang tao, magkaibang lalake pero pareho kong mahal. oo, naniwala ako, ganun naman ata kasi kapag mahal mo. mali....sobrang mahal pala. ung tipong kalahati na ng sarili mo at buhay mo. hindi ko alam na sa paniniwalang yon, magbabago ng buhay ko ngaun. pagbabagong pati sarili ko, hindi ko na makilala.
aalis sya non...magttrabaho sa ibang lugar. hindi naman dagat ang pagitan naming dalawa, pero malaki ang takot kong magbabago ang lahat. bukas ang isip kong maraming posibleng mangyari kapag magkalayo kami. maraming temptations, maraming sacrifices. pero sa mga salitang binitiwan nya, naging palagay ang loob ko. ngtiwala ako at naniwala. ok naman, ganun pa rin...we almost everyday update ourselves on whats happening to us. but, nothing is permanent. things has changed. He changed. ung kinakatakutan ko, nangyari na.
sa simula, pinaglaban ko.pero sumuko rin ako. pano ko pa ipaglalaban ang mahal ko kung may mahal na syang iba? pano ko pa ipagpipilitan ang sarili ko, kung iba na ang nasa isip nya? pano ko pa masasabing mahal ko sya kung iba na ang mahal nya? at pano ko pa sasabihing hindi ko kayang mawala sya, kung handa na syang mawala ako? siguro un na ang pinakamasakit sa lahat. letting go of your one truly love. letting go a part of your self.
Letting go...para lang maging happy sya.
Kahit na halos mamatay ka na sa sakit.
pagod na ang puso ko maghintay at magtiwala. nawalan na ko ng lakas ng loob upang umasa pa sa happy ending. history repeats its self. pero sabi nga nila, dont lose hope. everything has another story. what if kung ngaun totoo na? what if kung ngaun matupad na ang nawalang pangako?. what if kung this time ibinigay na ni God ang matagal ko ng hiling?...
what ifs...how can i strongly believe in those what ifs?
"hon..nakikinig ka ba sakin?. naiintindihan mo ba ko?..."
everything turns back to present, ngaun aalis ulit ang bago kong mahal. sa pagkakataong ito, dagat na ang pagitan.
i turned my attention to him and said " lets see when that time comes..." hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti....................with bitterness.