Friday, March 20, 2009

Patingin tingin....sarap sapakin

minsan nakaka inis din palang tingnan ang dalawang ka opismeyt mong nagkakatitigan ng palihim. Ung tipong mg MU (ok fyn, sympre hindi lang mag MU) na ayaw ibrodkast dahil walang perang pampa kain sa amin. Nakaka irita din pala na nakikipag kompetensya sila sa pakikipag bulungan sa mga bubuyog. nakaka pag init din ng ulo ang bawat kindat at ngiti nila tuwing magakaka salubong.

ewan ko ba... kung bakit naman kasi ayaw pang ipahalata ng todo kahit halata naman. at ewan ko nga rin ba, kung bakit parang ako lang ang sensitive na taong laging nakaka pansin ng mga malalagkit nilang tingin. minsan nga natatawa na lang ako tuwing magtatagpo ang tingin nila sabay kindat ng isa. matamis na ngiti naman ang isasagot ng isa na parang high school na kinikilig at parang bulateng nilagyan ng asin.

nakakairita...nakakaasar...nakakapag init ng ulo...

o baka naman

nakakainggit.

ayaw ko ngang ipaalam sa kanila na kumukulo ang dugo ko sa kanila. baka lumabas ang totoong inggit lang ako. palibahasa wala ng lovydoves ko para kindatan at bulungan ako. hays

ngaun naiintindihan ko na kung bakit napaka init ng dugo nga mga ka opismeyt ko dati nung nagkaron ako ng boypren sa opis.

hehe..mga inggetera rin pala sila

No comments:

Post a Comment