n., a feeling of agitation and anxiety caused by the presence or imminence of danger.
what is your fear?
what is mine?
hmmmnnnn aside from bein' an ombrophobia...(oiii bahala ka na magresearch okay?) sinadya ko talaga yan so i can look like an english vocabulary genius. hahaha. So what makes me feel afraid?...being alone. ISOLOPHOBIA.
isolophobia
fear of bein alone and solitude.
yes i am.
Kaya siguro after our (30 hour to be exact) cool-off, every minute i feel shiver down in my spine. Feeling ko, anytime kaya na nya akong iwan at hindi na muli pang babalik. at ako?...maiiwan at babalik sa dati.
paranoid as it seems, pero kahit anong gawin ko at kahit sobrang magpaka optimistic ako, pilit pa rin sumisingit sa peripheral view (naks, what a term!) ko ang sitwasyong ayaw ko na maranasan ulit. Mahirap umiyak magdamag kapag kailangan mong magtrabaho kinabukasan. Walang gamot para sa swollen red eyes due to excessive flowing of tears. Mahirap gumising isang umaga mula sa panaginip na kasama mo pa rin sya. Mahirap icompose ang sarili at magpanggap na ok lang kapag alam mong halos mamatay ka na sa heart attack. At mahirap ding ifocus ang sarili mo to move on lalo na kapag umaasa ka pa.
oo takot ako. sobrang takot na maiwang mag isa at magsimula ulit sa wala. Back to step 1, para kang grade 1 na magsisimula palang matuto ng ABAKADA. Mahirap magpaka flirt para makahanap ng bagong dyowa. At mahirap ibalik ang dating independent mong buhay. Takot akong makita ang sarili kong nakabaluktot sa kama at binabasa ng luha at sipon ang dalawa kong unan. Takot ako sa interrogation ng nanay ko kapag nakita nya ang mga sabog kong mata. Pano ko ipapaliwanag sa paraang maiintindihan nya at sa paraang kaya kong ipaintindi?
I've been there before and i dont wanna go back anymore.
I guess fear itself terrifies me. there's nothing i can do but to feel fine and.....
to trust him.
Kahit na minsan hindi ko na alam kung paano.
Ultimately, we know that the other side of fear is freedom.
-Marilyn Ferguson
Tuesday, May 12, 2009
Monday, May 11, 2009
The Ring

Kanina, siguro dala ng natural na katangahan, sumabog ang coin purse ko habang pababa ako ng tricycle. Buti na lang at andito na ko sa tapat ng bahay namin. Kasabay ng mga baryang nagkalat sa kalsada, one thing that really caught my attention.
The Ring.
My Ring.
Our Ring. Dati.
Then, suddenly...all turns back.
It was my one of memorable and romantic moment that day. Peoples Park, Tagaytay. Umuulan (see why i hate rains?) binuksan ang isang small size Pringles. Natigilan. Nakita ang isang supot. At that moment, i knew what it was.
Our Ring.
Dun ko literal na naranasan ung umiiyak ako sa tuwa at naramdamang ngtwinkle ang eyes ko. I’ve never been so happy in my life until that day. He held my hand and gently put the ring and i did the same to him. Usapan namin sabay kaming bibili nun on our 6th monthsary. But then, knowing him...full of suprises. Pakiramdam ko, ang ganda ganda ng daliri ko nung time na un. Kahit simpleng ring lang at walang 24karat diamond, feeling ko, nagliliwanag ang daliri ko tuwing titingnan ko.
When he left, ang singsing na yan lang ang nagbigay ng lakas na loob sakin to move on. I made it as an inspiration. In 3 years, walang oras na hindi sya naalis sa kin. Everytime i look at my neck, it reminds me that i must move on to my life. I must do the best that i can. Para next time na makita nya ko, he will meet a different person. Far from the girl he left 3 years ago.
Call it sentimental, call it bad. I don’t really care. But the ring signifies a very strong personality of mine that still holds on the past. The happiness, the pains, the guilt, the anger....mixed feelings that the ring may possess. I possessed. Kung may buhay lang ang singsing na ‘toh, iiyak din sya everytime i felt loneliness. Magagalit din sya, everytime i felt betrayed. At sana marunong din syang mag hope. Isang bagay na minsan nakakalimutan ko.
And then...
One cold night at Burnham Park.
My boyfriend talked about it. He doesn’t want to see me anymore wearing that thing. Nagulat ako. Isang simpleng bagay, pero nakasakit ng husto sa feelings nya. I never had the faintest idea na it will hurt him so much. “am i not enough to forget him?” I suddenly feel ashamed of myself. He really knows what i felt for still wearing that. After the serious talk, i gently remove the ring from my pendant and slide to my coin purse and decided to let go any feelings that haunts me till that moment.
He’s right.
I must let go.
Wala na sya sa necklace ko. Kasama na lang ng mga barya at rosaryong galing din sa past. It had to be. It must be. Dun siguro sya nababagay. Dun siguro sya dapat. Kasama ng maruruming barya, ang dating kumikinang na situation, naging isang maruming ala-ala na lang.
I bet, now...he’s wearing his new wedding ring. And where did he put our ring? i guess he buried it..........
with our memories.
Friday, May 1, 2009
Natutunan Ko Ng Umalis Ka?
Nang iniwan mo ko sa pagkakataong mas kailangan kita, ano nga ba ang mga natutunan ko? Ano nga ba ang mga nagbago sa buhay ko? At ano nga ba ang naging epekto nito sakin?
Natuto akong makipag textmate. Jologs na gawain. Ni minsan wala sa hinagap ko na asamin kong magkaron ng textmate. Pero mula ng iniwan mo ko, winelcome ko ang mga jologs na walang magawa sa buhay nila kundi ang magubos ng load. Naging ka clan nila ako. Naging adik din at walang ginawa kundi makipag chickahan at makipag ubusan ng load sa mga taong hindi ko naman kilala. Pero, kahit punong puno ng kaplastikan, sa pakikipagtextmate pansamantala kong natutunan na limutin ang sakit na dinulot ng pag iwan mo sa akin. Aaminin ko, sa ka jologsan kong ito, naka pag move on ako. Hindi man lubos, pero natutunan kong unti unting tanggapin na dapat patayin ang natitira pang pagasa na balikan mo pa ako.
Nakilala ko sina Hinder, 3 Doors Down, Nickelback, Dishwalla, The Fray, Red Jampsuit Apparatus at Chemical Romance. Masarap din palang mag head bangers instead na umiyak. At masarap din pala sa tenga ang maghapong pakikinig mula sa mp3. Na kahit halos lowbat na, pipilitin pa ring i charge wag lamang mabakante ang utak ko. kailangan ko kasi ang musika, maghapon magdamag, dahil bigla ka nalang lilitaw sa isip ko kapag isang segundo lang na katahimikan ang dumaan. Ewan ko nga ba kung bakit. Anim na daan at pitumpu’t isang araw ko ng iniisip ang sagot dyan.
Nakalimutan ko na nga rin ang kantang How did You Know, The Gift at Let the Love Begin. Mga kantang walang mabuting idinulot kundi pamamaga ng mata ko. Itinapon ko na rin ang mga pirated CD kong Side A, Freestyle at Gary V. Masama silang ehemplo para sa mga taong nagdurugo pa ang puso.
Marami na nga rin pala akong lugar na narating at gimik na naattendan. Always updated sa latest gig. Nakikisayaw, nakikikanta, nakikikain, at nakikipag puyatan sa kalsada. Kung dati, hindi ko alam ang alas onse, ngaun sa kalsada ko nakikilala sina alas tres at alas kwatro. Minsan masarap ding maranasan kahit masakit sa ulo ang makita mong sumisikat ang araw gayong hindi ka pa naman natutulog.
Naging sporty at adventurer na rin ako. Bowling, swimming, gym at extreme rides ang bago kong favorite ngaun. Masarap din sa pakiramdam ang isigaw na lang ang sakit habang nasa Space Shuttle ka. Masarap magpaka lunod habang naalala kita. At masarap itapon ang mga ala ala mo habang ngddumbells ka.
Naging ambisyonera na rin ako. Gusto ko maranasan ang lahat. Gusto ko marating ang buong Pilipinas. Gusto kong magawa ang mga bagay na hindi ko nagagawa nuon. Gusto ko mabili ang mga latest gadgets ngaun....Gusto kong higitang gawin ung mga nagagawa mo. Gusto ko.....kapag nakita mo na ko ulit, magulat ka, dahil hindi na ako ang dating ako.
Natutunan ko rin na isang napakalaking kasinungalingan nga talaga ang happy ending. Nag doubt tuloy ako kung may happy ending nga talaga sa mga fairytales. Baka naman kasi hindi pa tapos ang story nila at pinublish na ng mga hacker katulad ng Twilight. Isa nga lang talagang napakalaking imahinasyon ang pagiisip na may happy ending ang lahat. Isang desperate thinking lang ng mga taong umaasa.
Naging public enemy ko na rin ang ulan. Kasabay kasi ng malakas na pagiyak ng langit, eh ang pagtulo naman ng luha ko. Sa love radio ko nalaman na ang tawag pala dun eh Seasonal Affective syndrome. Kaya kapag umuulan, asahan mo na, ang Ym status ko eh- SAS. Sa mga panahon na malamig at maingay ang langit, lalong tumitindi ang pagnanais ng isip ko na maisip ka. Hindi ko rin alam kung may scientific explanation para dun. Kung kasama ba sya sa Law of Physics or Gravity? Dahil nahihila ng ulan ang luha ko mula sa kinalalagyan nya.O.... dahil umuulan ng huli kitang makita. kasabay ng pagdilim ng langit ang paglabo ng kinabukasan ko ng magpaalam ka. Kasing lakas ng kulog at kidlat ang naghuhumiyaw na katotohanang hindi na maaring muli kitang mayakap at matawag na mahal. Yon nga siguro ang dahilan kung bakit ayaw kong umuulan.
Naaalala kita.
Oo maraming nagbago sakin. Minsan nga hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Masama man o mabuti ang ibinunga ng pag iwan mo sakin, iisa lang ang sigurado ko.....that....i am not the same person anymore. Na kahit anong gawin ko upang ibalik ang sarili ko sa dati, pilit pa rin akong hinihila ng ala ala mo, upang dalhin sa panibagong ako. Walang kaparis ang sakit na ginawa mo...parang isang sugat ng may diabetis. Matagal gumaling. Minsan naapektuhan na rin ang buo mong sistema. pag-iisip at pakiramdam ay bigla na lang naging manhid. Hindi ko rin masisi ang mga taong tumatalon sa billboard at umiinom ng muriatic acid. Kapag sobrang sakit, hindi mo na alam kung ano ang tama at ang mali. Hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin. Kung magpapatalo ka o lalaban ka.
Alin man sa dalawa...masasaktan ka pa rin.
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

Subscribe to:
Comments (Atom)