Friday, March 19, 2010

dahilan

kapag inlove ka, wala daw dapat reason.
hndi mo daw kailangan ng dahilan para mahalin ang isang tao?
some may agree...

but i definitely opposed on this.

if this is true, then how will you explain...
"everything happens for a reason"

kapag tumatawa ka, kapag umiiyak ka...
wala lang ba?...e di para ka ng nalipasan ng gutom at nakalimutang mag-isip ng tama nun?..

kapag nasasaktan ka, kapag nagagalit ka...
wala lang ba? at basta trip mo lang...

kapag nagdesisyon ka ng isang bagay...
wala lang ba at gusto mo lang?


yea, lahat may dahilan..lahat may pinagmulan at lahat may kahihinatnan.
ginagawa o sinasabi mo ang isang bagay dahil may dahilan.
natutuwa ka, nasasaktan ka, nagagalit ka dahil may dahilan.

at hindi basta wala lang.
hindi mo basta dapat isipin na hindi na kailangan ng dahilan ang isang bagay para maramdaman mo ito. minsan ang pag-iisip ng dahilan ay nakakatulong para mas lalo mong maintindihan ang nararamdaman mo. malay mo dito mo makita ang sagot sa matagal mo ng tanong. hindi dapat basta ipawalang bahala at katamaran ang pag-iisip ng isang bagay na mas makakapaliwanag sa'yo ng magulong sitwasyon.

theres no such thing as loving someone without a reason.
there has to be a reason. ang pagmamahal ba sumulpot na lang bigla at naisip mo lang na mahal mo ang isang tao ng basta lang?. may dahilan kung bakit mo sya mahal. may dahilan kung bakit ayaw mo syang lumayo sau at may dahilan para umasa ka sa nararamdaman mo.

katulad ng dahilang dapat ipinaliliwanag mo sa taong nanghihingi nito upang mas lalo nyang maintindihan ang isang bagay na malabo sa kanya.

kaistupiduhan ang pagsasabing hindi kailangan ng isang dahilan upang magsabi ng isang "mabigat" na desisyong gagawin at sasabihin mo sa isang tao.ang bata, nanghihingi ng piso hindi dahil sa wala lang. dahilan pa rin kung sasabihin nyang trip lang nyang titigan ang ulo ni Rizal. at mas lalong mabigat na dahilan kung sasabihin nyang gusto nyang bumili ng kendi.

isang malaking excuses lang at pagtakas sa paglalahad ng katotohan ang pagsasabing hindi kailangan ng isang rason para magmahal ka. aminin mo man o hindi...may isa kang malaking DAHILAN.

No comments:

Post a Comment