Monday, May 10, 2010

may 10



its MAY 10, 2010. a date that could change every Filipino's life.

7:00am, ginigising na ko ng kuya ko para pumunta sa eskwelahan at bumoto. pero ako mas pinili kong matulog at sulitin ang araw na late magising. habang ang iba nagkakagulo na sa iba't-ibang problemang nagsulputan sa bagong paraan ng pagboto, ako tulo laway pa at tulog na tulog.

gumising ako kung san feel ko ng bumoto. habang ang kuya ko nakapila na sa presintong dapat kong pagbotohan. (bait ng kuya ko, ipinila ako..hehe) TV agad ang una kong binuksan pagmulat ng mata ko. gusto ko maging updated sa mga nangyayari sa buong kapuluan. baka may people's power na at kudeta, hindi ko pa alam.

bukod sa palagiang problemang naeencounter ng sangkatauhan tuwing eleksyon at pagkatopak ng ilang PCOS machine, wala namang ibang kaguluhang ineexpect kong naganap.chillax pa kong nagluto at naligo bago tumawag ang kuya kong ngtyatyagang ipila ako...malapit na daw ako kaya bilisan ko. kandakumahog akong tumakbo at lumakad (walking distance lang kasi ang iskul samin) at tagaktak ang pawis ko ng maabutan ko ang kuya ko sa pila. limang tao nalang at ako na.

kailangan bang magdasal habang bumoboto?..at kailangan bang tagalan. ganun din ang suma nun. hindi na dapat pang patagalin ang pagkulay ng bilog na itlog na parang nageexam ka lang sa NSAT. pagkatapos ng 3minuto, nagampanan ko na ang tungkulin ko bilang isang huwarang PIlipino. eto na ang pinaka highlight ng lahat. ang paginsert ng aking ballot sa PCOS machine. wala bang picture taking?? ooppppsss.paper jam! waaaaa walanghiya...tatamaan pa ata ako ng malas. isang try pa...hmmm...nagkagulo ang BEI sa kaartehan ng ballot paper ko. pa suspense pa. PAPER JAM!..help!...may isang nagmagandang pinindot ang CLEARED. whew! finally...akala ko, sakin pa sisisihin ng 300 pang taong naghihintay ng pagkakataong ito. buti nalang hindi ako malas. kaso, nagtanim ata ng sama ng loob sakin ung taga lagay ng indelible ink. paglabas ko mula sa mainit na kwarto, mukhang pinitpit ng paddle ang pointing finger ko. parang dumaan ng hazing at initiation. whew!..ateeeee anong ginawa mo?!..wala akong balak mag flying voter noh?!!

MORAL LESSON: magdasal bago bumoto.

ilang oras pa ang hinintay ko sa polling precint dahil ngvolunteer akong bantayan ang number ng kuya ko na halos 100 pa ang kailangan pa naming hintayin. iba't-ibang reklamo, ibat'-ibang karanasan, iba't-ibang tao at itsura...isama mo pa ang iba't-ibang amoy. whew whew! kakaibang experience talaga.

maraming mga tiwala sa pulitiko ang unti-unti ng nasisira.
maraming problema at hassle na mararanasan sa paraan ng pagboto, pero in the end, makikita mo pa rin sa bawat Pilipino ang hangaring at kagustuhang buhayin ang pag-asa nila para sa Pilipinas sa paraan ng pagexercise ng kanilang karapatang bumoto. totoong walang pakialam ang ilan kung sino ang manalo o matalo, pero marami pa rin ang handang ipaglaban ang kanilang karapatan. para sa sarili, sa pamilya at sa buong sambayanang Pilipino.

VOTE!..its your right!

No comments:

Post a Comment