Saturday, April 30, 2011

blogosperyo

hindi ko pinangarap na maging sikat ang tumblr at blogspot ko. at hindi rin naman batayan ng pagiging sikat ang pagkakaron ng napakadaming followers na hindi mo naman alam kung binabasa nila ang bawat post mo at naiintindihan ka sa bawat hinaing mo.hindi isang popularity contest ang blogspot at social networks. mas itinuturing kong isang pribadong bahagi ng buhay ko ang mga online diaries katulad nito at mas kinokonsiderang isang malaking silbi na may mabalikan ako kung sakaling dumating ang time na magkaron ako ng amnesia o insert anything here . dito ko rin mas naipapakilala kung ano ako at kung anong tunay kong nararamdaman ng walang halong pagkahiya, mailabas ko ang opinyon ko at magbigay ng komento mula sa malawak na pagmamasid sa bawat pangyayari sa buhay ko.

oo, masarap magkaron ng fans, maraming tagasubaybay sa bawat pagsulat mo, tadtarin ka ng mga papuri, comment o mga tanong. pero pasensya na, hindi ito ang pangunahing layunin ko upang sumali sa mundo ng blogosperyo.dahil kung un lamang ang gusto ko, sana kinarir ko na ang pagiging pulitiko.

sa ngaun, alam ko isa o dalawa lamang ang sumusubaybay sa mga hinanakit ko sa buhay, pero mas natutuwa ako dun. dahil alam kong mas nakikilala nila ang bawat saloobin ko. mas nagkakaron ako ng koneksyon sa mga taong ito. at mas nararamdaman kong naappreciate nila ang bawat hinaing ko. hindi ko kailangan ng maraming followers kung isa lamang palamuti sa webpage nila ang URL ko. hindi ko kailangan ng komento kung sasabihin lang naman nilang "please add me up" at mas hindi ko kailangan ng mga tanong na parang Q and A portion lang lalo na kung tungkol lamang sa pag-ibig. utang na loob, marami din akong tanong about dyan.

masyadong malalim ang pananaw ko sa pagkakaron ng pagkakataong magsulat sa libreng blogspot. masyadong pinahahalagahan ko ang nararamdaman ko hindi upang ipagsigawan sa karamihan na ganito ako ka-tanga at ka-emo. sagrado ang blogosphere para sakin. opinyon ko ito, nararamdaman ko 'toh.




mundo ko ito. eto ako.
at hindi ko pinagpipilitan sau kung ayaw mo.

Saturday, April 23, 2011

album cover


i want this as my tarpaulin when i die. haha! pang album cover eh?!

Monday, April 4, 2011

CyberLove

sa mundo ng chatroom, kadalasan hindi mo alam kung sino ang pede mong pagkatiwalaan. minsan kapag gusto mo ng kausap para lang maalis ang boredom bunga ng pagkaka stuck mo ng dalawang araw sa kwarto mo kasi weekend at wala kang pera para gumala, nakakatagpo ka ng pedeng kakwentuhan na minsan hindi mo alam bibliography na pala ng pagkatao mo ang nakwe-kwento mo.

pagkatapos ng ilang oras na pagdadaldalan at pagpapa cute sa isa’t-isa, magsisimula kang magtiwala. siguro kasi nadala ka sa pambobola nya o kung gano ka-seducing ang boses nya. pagkatapos kang patawanin, normal nalang na ibigay mo ang cp number at fb add mo sa kanya. ganun talaga eh…nagtiwala ka na.

darating sa point na mahuhulog ka sa kanya dahil sa sobrang sweetness at pagke-care nya sayo. pinaparamdam nya kasing importante ka. ung tipong binibigyan ng special attention dahil ginagawan ka ng uni according to your name and his name. kilig to the bones db lalo na pag hinaharana ka sa vc at ipinagtatanggol sa mga mae-epal na chatter. liligawan ka nya at pipiliting mapa-oo. at dahil sobrang tiwala ka at sobrang kilig ang nararamdaman mo, hindi mo na iisiping pinagti-tripan ka lang nya. nadala ka sa convincing nyang mga salita at emo na pangungubinsing seryoso at hindi sya katulad ng iba. oo, dumating sa point na umoo ka.

ilang araw…linggo…naging masaya ka. kasama mo syang mamasyal sa mundo ng chatroom. naglalambingan, nagbobolahan, magkausap halos minu-minuto. pero buwan? dun mo siguro matetest na hindi lang hanggang dun ang gusto mo sa isang relationship. hindi lang cyberlove ang dapat kahantungan ng sitwasyong pinaglulutangan mo. nagsimula kang magdemand. nagsimula syang umiwas. nagsimula kang magtanong.nagsimula syang maglaho.

hanggang dun lang.

ikaw…naiwang umiiyak. baket? kasi nagtiwala ka.kasi na-fall ka na. umiwas ka sa chatroom dahil basag ang puso mo. pinunit ng taong pinaniwalaan mo. pero sya…naglalakbay pa rin sa mundo ni mang yahoo.nagpalit ng ID at nagsimula na namang maghanap ng bagong biktima.

ganun talaga. ganun lang talaga ang chatworld.

Ang mga taong betirano na sa pakikipag chat, hindi big deal sa kanila na makilala ka. hindi ka isang malaking breakthrough na pedeng magpabago ng buhay nya. ganun talaga. kaya nilang magpanggap na napaka interesting mo sa mata nila. kaya nilang baligtarin ang totoong nasa puso at isip nila. isa ka lang sa hundreds na taong pede nilang iigy. pede din namang pamparami ka lang sa YM frend’s list at FB frends. ganun lang talaga. hindi ka special, kaya wag kang mag assume.

ganun lang.