Nakakatamad...nakakabato...nakakainip...nakakaantok.
ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nagbibilang ka na lang ng oras mo. hahaha. dont get me wrong. i mean, 1 and half days na lang kasi ako dito sa company. naayos na maigi ang transition of work at parang naghihintay nalang ako para umalis at magmartsa palabas ng building ng ngwwave pa sa mga ka kilala at ka feeling close. walang internet at walang silbi ang laptop na dinala ko pa para hindi lang maboring. kung kelan naman kasi mahigit isang araw nalang ang ilalabi ko dito, ngaun pa naginarte ang pldt. wala tuloy ako magawa kundi ang gumawa ng isa na namang walang kwentang blog.
hay, new environment na naman starting tuesday. actually, hindi naman completely new environment. para lang akong bumalik sa dating nakasanayan ko na. babalik na sa pagiging feeling sosyal. makakasama na namang ang mga pareho kong adik na batchmates at makakaranas na namang mabusog sa Dampa. of course, sa kabila ng mga good sides na un, natatakot ako sa posibleng maging kapalit ng pagbalik ko dun. ako kasi ung tao na naniniwalang every good side has a bigger bad sides. may kapalit ang lahat. natatakot na ko na baka kung dating super petiks at lamon sa mcdonald's, baka ni merienda ng plato wraps hindi ko na magawa. kung dati walang magawa, baka ngaun maging loaded na.
It is really a nice feeling na bumalik sa dating nakasanayan na. mahirap kasing makapag adjust. ngaun ko naranasan ung pakiramdam ng isang mayaman na naging mahirap. tsk tsk tsk mahirap talaga. nung na declared ako as isa sa mga taong na redundant, naisip ko bigla kung san na naman akong company pupulutin. kung pareho ba sa nakasanayan ko. mahirap mag hanap ng trabaho sa panahon ngaun. swerte na nga lang at after 2 days, natanggap agad ako sa inaaplyan ko. hindi man katulad ng dati, pero ok na.
sobrang malaki ung kailangan kong iadjust most especially in money issue. kung dati nakaka bili ako ng chaofan para lang sa almusal, ngaun ngtyatyaga ako sa isang pritong itlog at kanin sa karinderyang malapit sa office. kung dati hindi ko makasanayan ang di pagtawag ng mam sa superiors, ngaun naman nahihirapan na kong bigkasin ang salitang "mam at sir"
pero ang lahat natutunan. ang lahat napag aaralan. kailangan mo lang ng willingness and acceptance to adjust yourself.
Thursday, August 27, 2009
Tuesday, August 25, 2009
Tatay
ng itext ako ng kuya ko stating only ..."c tatay.." i already know what happen. though i already knew, i have to confirm. and then it was, iyak na lang ang nagawa ko. blangko ang utak ko nung umuwi ako. calm pa rin pero i dont know what exactly i feel. ilang araw ng may sakit tatay ko, pero i never had the faintest idea that it will lead to something serious as this. dito ko lang sasabihin, but those days na pinagdaanan nya, pinipilit kong alisin sa utak ko ang maghanda kapag dumating na ung ganitong pangyayari. ewan ko, kahit anong pilit kong wag isipin, sumasagi sa utak ko ang mga what to do's kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko. siguro, gusto lang talaga ni God na makapag ready ako.
i was so really sad, when tatay left. i know, he has so many things to say pa. mga bilin, mga advices at mga dapat naming gawin. but he never had the chance to spill it out kahit na every year sinasabi nya saming ready na sya. Unexpected para saming lahat ang pangyayari. kumbaga, wala ni isa man samin ang makakapag isip na this is the time. siguro pati c tatay, hindi din nya iniiexpect na iwan kami this time. kasi hanggang sa huli, lumalaban sya.
if only i knew this would happen, hindi lang panggupit ng buhok ang pede kong gawin sa kanya. pede ko sanang sabihing mahal na mahal ko sya even if it not shows. me and my brothers never had the chance to say personally how much we love him. hindi kami ganun ka vocal sa mga feelings namin sa isa't isa. kaya madalas pakiramdam ng tatay ko, taken for granted sya at loner. pakiramdam nya, wala kaming pakialam sa kanya. pakiramdam nya, we never cared. malaki ang sama ng loob at tampo nya samin. madalas, inilalabas nya ang mga tampo nyang un sa hindi magandang paraan ng pagkakasalita. kaya karamihan samin, masama ang loob. ganun nga siguro kapag hindi nagkakaintindihan at hindi bukas ang isa't isa sa pagkakaintindihan.
ngaung wala na sya, pain memories fades. totoong may mga bagay na sumama ang loob ko sa kanya. pero hindi ko na ngaun naaalala ang mga un. naalala ko na lang ung tuwing ittreat nya ko everytime nakakakuha ako ng honors simula kinder to elementary. dadalhin sa San Juan, kakain ng halo halo at palabok. dun lang masaya na ko. Bonding with my parents. these past few years, mas naramdaman ko ung care at love nya sakin. although striktong tao, never nya kong pinigilan sa mga gimiks at out of town trips ko. kapag may pera, he never missed na itreat ako and the family sa malls. kakain sa kenny rogers or mcdonalds. maraming bagay ang naibigay nya sakin. pero ako, tuwing pasko lang nagbibigay ng regalo. hindi man ako ganun ka showy, pero i always make it sure that he will be proud of me. kaya pinipilit kong mag excel dati sa school. the last time i treat him with mama eh ung pumunta kami sa Baguio. si tatay kasi ung tipo ng taong ayaw ittreat. gusto nya sya ung mgttreat. but that moment, napilit ko syang sumama. siguro dahil gusto nyang makilala ung family ng boyfriend ko. dun ung last bonding namin ni nanay at tatay with my 2 nieces. naging memorable ang bawat araw. at dun ko naramdamang nakabawi ako sa kanila.
bilib din ako sa kanya. bilib ako sa pagpapalaki nya samin. sa pagdidisiplina ng 7 lalake para lumaki sa tamang paraan. kaya ngaun, sobrang bilib ako sa mga kuya ko. kasi with all of my life, hindi ko sila nakitang ngaway, nag murahan o nagkasamaan ng loob. malaki ang paggalang naming magkakapatid sa isa't isa. that's one thing i will be proud of because of my father
i dont know, pero hindi ko maramdamang wala na sya. more of i felt na, umalis lang sya. pumunta kung saan. at pagkabalik nya, mgkkwento sya ng mga experiences nya at mga taong nakasalamuha nya. creepy as it seems, pero im looking forward na makita sya at marinig ung mga kwento nya. gusto kong itanong kung anong buhay after death. gusto kong marinig kung sino-sino ung mga na meet nya dun. mga do's and dont's. kung totoong may kaluluwa at kung saan napupunta after 9 and 40 days.
im sure whenever he is, he's just watching us and still guiding us like what he always do. at siguro kung san man sya naroroon, pagmamayabang din nya ang aming pamilya. and i know too, he's happy and peaceful now.
'tay...i love u so much....i miss you
never say goodbye.
Subscribe to:
Comments (Atom)