ng itext ako ng kuya ko stating only ..."c tatay.." i already know what happen. though i already knew, i have to confirm. and then it was, iyak na lang ang nagawa ko. blangko ang utak ko nung umuwi ako. calm pa rin pero i dont know what exactly i feel. ilang araw ng may sakit tatay ko, pero i never had the faintest idea that it will lead to something serious as this. dito ko lang sasabihin, but those days na pinagdaanan nya, pinipilit kong alisin sa utak ko ang maghanda kapag dumating na ung ganitong pangyayari. ewan ko, kahit anong pilit kong wag isipin, sumasagi sa utak ko ang mga what to do's kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko. siguro, gusto lang talaga ni God na makapag ready ako.
i was so really sad, when tatay left. i know, he has so many things to say pa. mga bilin, mga advices at mga dapat naming gawin. but he never had the chance to spill it out kahit na every year sinasabi nya saming ready na sya. Unexpected para saming lahat ang pangyayari. kumbaga, wala ni isa man samin ang makakapag isip na this is the time. siguro pati c tatay, hindi din nya iniiexpect na iwan kami this time. kasi hanggang sa huli, lumalaban sya.
if only i knew this would happen, hindi lang panggupit ng buhok ang pede kong gawin sa kanya. pede ko sanang sabihing mahal na mahal ko sya even if it not shows. me and my brothers never had the chance to say personally how much we love him. hindi kami ganun ka vocal sa mga feelings namin sa isa't isa. kaya madalas pakiramdam ng tatay ko, taken for granted sya at loner. pakiramdam nya, wala kaming pakialam sa kanya. pakiramdam nya, we never cared. malaki ang sama ng loob at tampo nya samin. madalas, inilalabas nya ang mga tampo nyang un sa hindi magandang paraan ng pagkakasalita. kaya karamihan samin, masama ang loob. ganun nga siguro kapag hindi nagkakaintindihan at hindi bukas ang isa't isa sa pagkakaintindihan.
ngaung wala na sya, pain memories fades. totoong may mga bagay na sumama ang loob ko sa kanya. pero hindi ko na ngaun naaalala ang mga un. naalala ko na lang ung tuwing ittreat nya ko everytime nakakakuha ako ng honors simula kinder to elementary. dadalhin sa San Juan, kakain ng halo halo at palabok. dun lang masaya na ko. Bonding with my parents. these past few years, mas naramdaman ko ung care at love nya sakin. although striktong tao, never nya kong pinigilan sa mga gimiks at out of town trips ko. kapag may pera, he never missed na itreat ako and the family sa malls. kakain sa kenny rogers or mcdonalds. maraming bagay ang naibigay nya sakin. pero ako, tuwing pasko lang nagbibigay ng regalo. hindi man ako ganun ka showy, pero i always make it sure that he will be proud of me. kaya pinipilit kong mag excel dati sa school. the last time i treat him with mama eh ung pumunta kami sa Baguio. si tatay kasi ung tipo ng taong ayaw ittreat. gusto nya sya ung mgttreat. but that moment, napilit ko syang sumama. siguro dahil gusto nyang makilala ung family ng boyfriend ko. dun ung last bonding namin ni nanay at tatay with my 2 nieces. naging memorable ang bawat araw. at dun ko naramdamang nakabawi ako sa kanila.
bilib din ako sa kanya. bilib ako sa pagpapalaki nya samin. sa pagdidisiplina ng 7 lalake para lumaki sa tamang paraan. kaya ngaun, sobrang bilib ako sa mga kuya ko. kasi with all of my life, hindi ko sila nakitang ngaway, nag murahan o nagkasamaan ng loob. malaki ang paggalang naming magkakapatid sa isa't isa. that's one thing i will be proud of because of my father
i dont know, pero hindi ko maramdamang wala na sya. more of i felt na, umalis lang sya. pumunta kung saan. at pagkabalik nya, mgkkwento sya ng mga experiences nya at mga taong nakasalamuha nya. creepy as it seems, pero im looking forward na makita sya at marinig ung mga kwento nya. gusto kong itanong kung anong buhay after death. gusto kong marinig kung sino-sino ung mga na meet nya dun. mga do's and dont's. kung totoong may kaluluwa at kung saan napupunta after 9 and 40 days.
im sure whenever he is, he's just watching us and still guiding us like what he always do. at siguro kung san man sya naroroon, pagmamayabang din nya ang aming pamilya. and i know too, he's happy and peaceful now.
'tay...i love u so much....i miss you
never say goodbye.
No comments:
Post a Comment