Thursday, August 27, 2009

nakaka........what?!

Nakakatamad...nakakabato...nakakainip...nakakaantok.

ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nagbibilang ka na lang ng oras mo. hahaha. dont get me wrong. i mean, 1 and half days na lang kasi ako dito sa company. naayos na maigi ang transition of work at parang naghihintay nalang ako para umalis at magmartsa palabas ng building ng ngwwave pa sa mga ka kilala at ka feeling close. walang internet at walang silbi ang laptop na dinala ko pa para hindi lang maboring. kung kelan naman kasi mahigit isang araw nalang ang ilalabi ko dito, ngaun pa naginarte ang pldt. wala tuloy ako magawa kundi ang gumawa ng isa na namang walang kwentang blog.

hay, new environment na naman starting tuesday. actually, hindi naman completely new environment. para lang akong bumalik sa dating nakasanayan ko na. babalik na sa pagiging feeling sosyal. makakasama na namang ang mga pareho kong adik na batchmates at makakaranas na namang mabusog sa Dampa. of course, sa kabila ng mga good sides na un, natatakot ako sa posibleng maging kapalit ng pagbalik ko dun. ako kasi ung tao na naniniwalang every good side has a bigger bad sides. may kapalit ang lahat. natatakot na ko na baka kung dating super petiks at lamon sa mcdonald's, baka ni merienda ng plato wraps hindi ko na magawa. kung dati walang magawa, baka ngaun maging loaded na.


It is really a nice feeling na bumalik sa dating nakasanayan na. mahirap kasing makapag adjust. ngaun ko naranasan ung pakiramdam ng isang mayaman na naging mahirap. tsk tsk tsk mahirap talaga. nung na declared ako as isa sa mga taong na redundant, naisip ko bigla kung san na naman akong company pupulutin. kung pareho ba sa nakasanayan ko. mahirap mag hanap ng trabaho sa panahon ngaun. swerte na nga lang at after 2 days, natanggap agad ako sa inaaplyan ko. hindi man katulad ng dati, pero ok na.
sobrang malaki ung kailangan kong iadjust most especially in money issue. kung dati nakaka bili ako ng chaofan para lang sa almusal, ngaun ngtyatyaga ako sa isang pritong itlog at kanin sa karinderyang malapit sa office. kung dati hindi ko makasanayan ang di pagtawag ng mam sa superiors, ngaun naman nahihirapan na kong bigkasin ang salitang "mam at sir"

pero ang lahat natutunan. ang lahat napag aaralan. kailangan mo lang ng willingness and acceptance to adjust yourself.

No comments:

Post a Comment