Monday, November 23, 2009

love story

tahimik ang mundo nya nun. simpleng chatter. isang hamak na taga gulo at taga basag ng trip ng iba. c melai, taga bukas ng room, taga entertain sa mga newbies, taga pagpa soundtrip at taga asar sa mga pasaway. minsan, nasa vc...kapag nakakuha ng tyempo at wala ang boss, ayan! naggugulo at nakikipag tapakan. by request, minsan..host din ng walang ka kwenta-kwenta at walang kasawa sawang ntt. pero hanggang dun lang un. dalawang beses na nlockan ng id, ilang beses ng na boot, ginayahan ng uni, but despite of that, she remains humble. she doesnt intend to have a booter career certificate. masaya na sya kapag may nakikita syang nang aaway. masaya na sya kapag nararanasan nyang maboot. never in her entire mind na karerin ang iba't-ibang tools na madalas ipasa sa kanya ng mga malalakas nyang bestprend.pero hangga’t nakakapag chat, at nakakaapak sa vc...masaya na sya dun basta makapag basag trip lang.

she doesnt believe in chatroom romantic-love-story. feeling nya, kasinungalingan at kaplastikan lang lahat. hindi seryoso, mapaglaro, past time at for fun lang ang pakikipag relasyon with the chatters. she's contented giving advices to her frends especially when it comes to the heartwhelming love problems. she's always ready and enjoying having a one-on-one love session advices. kuntento na sya dun, masaya na sya dun.

ewan ko ba, parang sinasadya ata. hindi ata kuntento si God ng hindi complicated ang buhay ni melai. binigyan nya ng buhay na makulay (hindi gulay ah!) ang black and white na chatworld ni melai. pinadala nya c Romeo. prinsepeng bigla nalang sumulpot at humalo at nakigulo. never in her craziest idea that this prince would change her simple life. complicated pero nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para gawin ang isang desisyong matagal nyang takot isagawa. she aint sure what would be the role of this prince. all she knows, she's happy that somehow, she's became a part of him. vague and doubts were all up to her. minsan nilalamon sya ng insecurities at pagdududa. pero what the heck!...they aint know nothing.

unti-unti, its early to say... but Juliet definitely learned to love his Romeo. she doesnt know why, she doesnt care. but she's all scared. scared for the love she felt. she's scared to show it off, thinking it will lead her back to the place she's been before. and she doesnt, with all her might, let herself to go back to that hell place. pero na inlove ang gaga, at kahit napaka labo ng pede nyang maging future with this prince, she extend and share her love to this prince charming. ang daming witches na nagkalat, nangialam at nakipag kaibigan. minsan hindi na nya alam kung dapat ba syang maniwala sa mga ito. pero she managed to understand things. she managed na hawakan at makipag laro sa mga witches. bein true to everyone is the greatest shield she had. pero kahit na anong gawin nya para hindi masaktan, kambal ata ang pain at love. magkasabay mong naffeel. all she know, this love story will never be easy and it will not be a happy ending. there were times she want to give up, but love conquers all. hope will conquers all. and she definitely determined to survive this for her Romeo.


Romeo take me somewhere we can be alone

I'll be waiting all there's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story baby just say yes

> love story by taylor swift

ang BLOG..bow

indi ko alam kung pano sisimulan ang blog na toh. ni hindi ko nga alam kung pano gumawa ng isang sentence para makabuo ng paragraph na makakapag express ng nararamdaman ko. feel ko magpakalasing ngaun. feel ko tumagay ng tumagay hanggang magsuka...malabas ko lang at maiiyak kung ano man ung nararamdaman ko.

eto na naman, tamang senti na naman. iba ata ang pagkakaintindi ko sa blog. kung ako ang tatanungin kung pano iddefine ang isang blog..malamang sa malamang..ang isasagot ko,..eto

"ser, ang blog po, ay koleksyon ng mga sama ng loob na hindi mailabas. hindi kayang ilabas na gustong mailabas."

gets nyo?. parang isang diary na punum-puno ng hinanakit at pagdurusa. ewan ko, wish ko lang...after hundred years, madiscover tong blogspot ko..para naman malaman ng next generation kung gano kahirap magmahal...baka kasi that time, artificial na rin at de- remote na ang puso. pede ng iprogram kung sino ang pede mong mahalin. pede mong kontrolin na wag masaktan, at pede mong piliting kalimutan ang isang taong dahilan ng pamamamaga ng mata mo tuwing gabi.

hi-tech na ang panahon ngaun...hi-tech na rin ang pamamamaraan para sandali mong makalimutan ang problema mo sa buhay. friendster, facebook, twitter, flicker, blogspot....at chatting. sabi ko nga, kung badtrip ka sa mundo mo ngaun, pumunta ka sa YM chatroom..dun mo matatagpuan ang mga badtrip ding taong katulad mo. makipag awayan ka dun, makipag basag trip ka, makipag landian, makipag bolahan. walang mangingialam sau. madalas kong sabihin, ang chatrum ay isang mundo na para sa mga taong gustong lumabas sa realidad ng buhay. kung broken hearted ka, isang pakikipag landian at pakikipagsayang ng oras, may papatol agad sau. ang pakikipag chat ay parang pagsinghot lang ng isang plastik na rugby. nakaka adik...nakaka high. nakakakatulong para makalimot. pero ang hindi mo alam, bawat pag singhot, bawat paglasap, kapalit nun ang pagkakasangla ng damdamin mo sa mas masakit pang karanasan... ang pagbibigay ng tiwala sa mga taong natutunan mo ng mahalin sa mundong pinasukan mo. akala mo, nakahanap ka ng kakampi, akala mo nakahanap ka ng taong magmamahal sau...at akala mo makakahanap ka ng taong makakaintindi sa kadramahan mo sa buhay. pero ang hindi mo alam, unti-unti kang kinakain ng mga akala mo lang. unti-unti kang inuubos ng mga lintang pinag aksayahan mo ng oras. only to find out, na kapag ubos ka na, dun mo malalaman na karamihan ng taong pinagkatiwalaan mo...ay ang mga tao ring sisira at dudurog sa natitira mo pang pag-asang makabangon.

oo nakakalungkot. dahil ang tangi mo lang namang gusto eh makahanap ng taong makakapagpabalik ng normal na tibok ng puso mo. nasaktan ka, nalugmok, bumangon, ngtiwala, umasa...ngunit nabigo ulet. huli na para tumayo pa ulet dahil lugmok ka na sa kawalan. dahil ang mga taong hinawakan mo, ay sya ring taong hihila sau pabalik sa kadiliman ng buhay.

kumawala ka man sa mundong ito, iba ka na at hindi mo na kayang kilalanin ang sarili mo.sa dami ng taong hinayaan mong pumasok sa buhay mo...hinayaan mong mgdesisyon at mangialam, hindi mo na nanaisin pang pumasok ulet unless matibay ka at gusto mong makaganti. Ganun talaga siguro, pag nagkamali. charge to experience ika nga. wala ka ng choice eh kundi tawanan na lang ang katangahan mo sa pagdedesisyon sa buhay. wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang....at ikaw mismo.

Wednesday, November 11, 2009

Break Up

When you break up, your whole identity is shattered. It's like death.

after the break-up, i thought i was strong enough to handle this thing again. kasi nga sa sobrang dami ng break-up na naranasan ko, i thought i was going to be numb na. iba't-ibang reason, iba't-ibang twist of the stories. pero sympre, lahat pakiramdam ko, hindi ako ang nagkulang. when it comes to relationship, hindi ako nahihiyang ipakita at iparamdam ung hundred percent ko. dun nga nagagalit sakin mga frends ko when i ended up crying to them. hindi na daw kasi ako nadala. paulit-ulit na lang daw. eh ganun ako eh, kapag love ko ang isang tao, i gave everything i can never expect anything in return. basta paramdam mo lang sakin importante ako sau...un na un. nothing else.

breaking with someone important to you is one of the hardest decision and definitely one of the complicated things to accept. itatanong mo sa sarili mo kung bakit despite of all the things you've done, bakit it still ended up bitterly. Pipilitin mong tumawa at magpanggap na masaya ka. pipilitin mong ipakitang your not affected pero matutulala ka na lang bigla kapag naaalala mo sya. minsan nga kahit maamoy mo lang sa iba ung perfume nya, maiiyak ka na. or kapag may nakita kang sweet na couple, you bitterly say "maghihiwalay din kau" . many of us will try to cover up the pain. ung iba nagtatagumpay. ewan ko ba kung anong klaseng dasal ang pinaggagawa nila sa gabi habang umiiyak. at kung anong klaseng diversion ang pinipili nilang gawin to survive.

at this moment, after a month of the break up, ngaun ko lang hinayaan ang utak kong magisip why it happened. bakit ganito. after lahat ng nangyari samin. after kong ibigay lahat ng kaya kong ibigay. after the good memories. hindi sa nanunumbat ako, i was just analyzing things...analyzing situations baka sakaling may makuha akong sagot. baka sakaling sisihin ko ang sarili ko.

sabi ko hindi na ko iiyak. sabi ko tama na. sya ang mali and i have to do this para sa sarili ko. kasi kung hahayaan ko, ako din ang kawawa in the future. i always felt i was the one who ended up pleading after our misunderstandings taken for granted that im the one who are matured enough to understand things. pero lagi na lang bang ganun.porke ako un matanda, ako ung nakakaintindi, ako ung nakakaunawa...kailangan ba ako na lang lagi mag adjust. minsan wala naman sanang problema, pero feeling ko he's getting spoiled. feeling ko, wala syang natututunan sa pagdadala ng relasyon namin. sometimes, i missed bein treated like his girl and his princess. i never felt that way. and that is what the most tiring. taking the responsibility to overcome the problems in our relationship.

When I said I didn't want to see you anymore why did you choose that particular statement to be the only one you ever listened to?

masakit. oo. pero mas masasaktan ako in the future if ngaun pa lang hahayaan ko toh. God knows i missed him, pero i have to do this. para minsan, im finger-crossed na ma realize nya ung importance ko. maramdaman nya ung kawalan ko. maintindihan nya ko. at malaman nya ung mga pagkakamali nya.

~ Breaking up is a natural evolution when you try to figure out what you want in life. If you're with an individual who isn't moving in the same direction and at the same rate that you are, it ain't going to work. ~