indi ko alam kung pano sisimulan ang blog na toh. ni hindi ko nga alam kung pano gumawa ng isang sentence para makabuo ng paragraph na makakapag express ng nararamdaman ko. feel ko magpakalasing ngaun. feel ko tumagay ng tumagay hanggang magsuka...malabas ko lang at maiiyak kung ano man ung nararamdaman ko.
eto na naman, tamang senti na naman. iba ata ang pagkakaintindi ko sa blog. kung ako ang tatanungin kung pano iddefine ang isang blog..malamang sa malamang..ang isasagot ko,..eto
"ser, ang blog po, ay koleksyon ng mga sama ng loob na hindi mailabas. hindi kayang ilabas na gustong mailabas."
gets nyo?. parang isang diary na punum-puno ng hinanakit at pagdurusa. ewan ko, wish ko lang...after hundred years, madiscover tong blogspot ko..para naman malaman ng next generation kung gano kahirap magmahal...baka kasi that time, artificial na rin at de- remote na ang puso. pede ng iprogram kung sino ang pede mong mahalin. pede mong kontrolin na wag masaktan, at pede mong piliting kalimutan ang isang taong dahilan ng pamamamaga ng mata mo tuwing gabi.
hi-tech na ang panahon ngaun...hi-tech na rin ang pamamamaraan para sandali mong makalimutan ang problema mo sa buhay. friendster, facebook, twitter, flicker, blogspot....at chatting. sabi ko nga, kung badtrip ka sa mundo mo ngaun, pumunta ka sa YM chatroom..dun mo matatagpuan ang mga badtrip ding taong katulad mo. makipag awayan ka dun, makipag basag trip ka, makipag landian, makipag bolahan. walang mangingialam sau. madalas kong sabihin, ang chatrum ay isang mundo na para sa mga taong gustong lumabas sa realidad ng buhay. kung broken hearted ka, isang pakikipag landian at pakikipagsayang ng oras, may papatol agad sau. ang pakikipag chat ay parang pagsinghot lang ng isang plastik na rugby. nakaka adik...nakaka high. nakakakatulong para makalimot. pero ang hindi mo alam, bawat pag singhot, bawat paglasap, kapalit nun ang pagkakasangla ng damdamin mo sa mas masakit pang karanasan... ang pagbibigay ng tiwala sa mga taong natutunan mo ng mahalin sa mundong pinasukan mo. akala mo, nakahanap ka ng kakampi, akala mo nakahanap ka ng taong magmamahal sau...at akala mo makakahanap ka ng taong makakaintindi sa kadramahan mo sa buhay. pero ang hindi mo alam, unti-unti kang kinakain ng mga akala mo lang. unti-unti kang inuubos ng mga lintang pinag aksayahan mo ng oras. only to find out, na kapag ubos ka na, dun mo malalaman na karamihan ng taong pinagkatiwalaan mo...ay ang mga tao ring sisira at dudurog sa natitira mo pang pag-asang makabangon.
oo nakakalungkot. dahil ang tangi mo lang namang gusto eh makahanap ng taong makakapagpabalik ng normal na tibok ng puso mo. nasaktan ka, nalugmok, bumangon, ngtiwala, umasa...ngunit nabigo ulet. huli na para tumayo pa ulet dahil lugmok ka na sa kawalan. dahil ang mga taong hinawakan mo, ay sya ring taong hihila sau pabalik sa kadiliman ng buhay.
kumawala ka man sa mundong ito, iba ka na at hindi mo na kayang kilalanin ang sarili mo.sa dami ng taong hinayaan mong pumasok sa buhay mo...hinayaan mong mgdesisyon at mangialam, hindi mo na nanaisin pang pumasok ulet unless matibay ka at gusto mong makaganti. Ganun talaga siguro, pag nagkamali. charge to experience ika nga. wala ka ng choice eh kundi tawanan na lang ang katangahan mo sa pagdedesisyon sa buhay. wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang....at ikaw mismo.
No comments:
Post a Comment