Friday, February 19, 2010

Sunday, February 14, 2010

Romeo to Juliet

Juliet,

musta? pasenxa qa n s nagawa qu ha, now lng aq nag karon ng lakas ng loob at ryt tym pra sbhn 2, sorry kng wat man maling nagawa qu sau, d qu na ssbhn kng wat dhlan qu pero minahal kta, dhl ang bait mo sobra nahi2ya qu sau s kabaitan gnwa mo skin, sana nung single p qu nkilala n kta. Bsta minahal tlga kta, pasenxa qa n kng wat man nagawa qu, salamat mia ha, at pasenxa na, sana mkhanap qa ng ryt guy n makkpg bgay ng saya sau, ingat po plagi. last tym 2 ssbhn qu sau na minahal kta at ng hinayang aq n bkt qu ngawa sau un, ingat qa plagi ha...


Romeo

Tuesday, February 9, 2010

guiltness

minsan na kong namasyal sa blogosphere. nakabasa ng kakatwang blogs. naka relate, nabaduyan, nasiyahan, nalungkot, nakitawa, naki-iyak. pero huli..naguilty rin ako.

6 na libro na ni Bob Ong ang nabasa ko. naka relate sa kanya, natawa, na-entertain, nalungkot....at naguilty. karamihan ng mga blogger ngaun, sya ang dinadakila at iniidolo. obvious naman kasi sa istilo pa lang ng pagsusulat nya, kuha na nya agad ang attention mo. at sa malawak na pagtalakay sa mga problema ng bawat Pilipino, magigising ka at magtatanong sa sarili mo kung ano nga ba ikaw bilang isang mamamayan ng Pilipinas.

nakaka guilty.


habang ako na puro ka-emotan sa pag-ibig ang madalas tinatalakay ng blog ko, ang iba...tumutulong sa pagmulat ng bawat isa sa katotohanang anong silbi mo bilang isang tao. habang si Bob Ong halos lumitaw na ang litid sa kakasigaw ng "hoy! Pinoy, gumising ka!", ako apektado sa pag-iwan ng lalakeng walang pakialam sa nararamdaman ng iba.

nakaka guilty.

tama si Xienah Girl, karamihan sa blogs ngaun tumatalakay sa kapighatian. karamihan about lovelife. nahiya ako sa blogspot ko. napaka selfish ko. puro na lang about heartache. heartbroken. puro na lang puso...puso...at puso!. magaling akong tagapag masid pero ni minsan hindi ko binigyan ng oras at space ang sarili ko upang isipin ko naman ang iba. hindi ko na realize na masyadong maraming bagay na dapat dina-disect, tinatalakay at pinag-uusapan. para sa iba...at hindi para lang sa sarili.

"ako, si *** ay nangangakong mula ngaun, bibigyan ko na ng space sa blogspot ko ang mga kabaduyan, kaartehan, kakatwa, at interesting na bagay bagay sa paligid ko. Sa ngalan ng idolo kong si Bob Ong, makikiisa ako sa pagtawag sa lahat ng bobongPinoy na gumising ka...Juan Tamad!"

Estudyante

it's always been a good feeling kapag student ka pa lang. ang popob-lemahin mo lang eh kung pano makakapasa sa bawat exam and projects na ibinibigay sau ng terror mong teacher. aside dun, nasa mga magulang mo na ang problema para sa next year na wala ka namang ginawa kundi mgcutting classes, tumambay sa computer shop, mamasyal sa mall at magtago ng sukli sa tuition fee mo na pinaghirapang utangin ng nanay mo.

i could say na hindi naging madali ang student life ko. masaya oo, dahil sa mga kaibigang nakasama, nabuong samahan, flying color grades at makita kong pangalan ko sa top10 students list. pero in terms of allowance, hindi ako ganun ka swerte para bumili ng hamburger during break time. turon at palamig ang madalas pangtawid gutom naming magkakaibigan nung high school. pagkatapos ng halos walong oras na pigaan ng utak, tsaka lang kami magchichikahan kasalo ng turon, mangga at palamig. studious ako...oo. un lang kasi ang pede kong gawin sa buhay-estudyante ko. hindi ako maganda para maging campus queen. hindi ako epal para sumali sa student council. minsan kapag swerte, nagiging officer lang ako ng (subject) club kung may kaibigang nagno-nominate na nakakaalam ng hidden talent ko. (nagbblush pa ko dati at nanginginig kapag na-metion ang pangalan ko, kahit natatalo!). hindi ko kayang maging leader. pang production support lang ako, taga gawa ng script at props at sapat na sakin gamitin ng iba ang creativeness ko. tahimik ako...at hindi pala recite. hindi kilala ng teacher kahit pa umabot na ng 4th grading period. nagtatanong na lang sila kung sino ung carmela na nakasama sa top 5 every grading period. sa subject na journalism ako nakahanap ng tambayan.sa iskul namin mataas ang paghanga nila sa member ng journalism club.eto kasi tambayan ng mga 90% grade average student (shhhhh mataas lang kasi magbigay ng grade ung teacher at hinahayaan nya kaming magkopyahan during periodical test). sa journalism class ko rin natutunan kung pano maglinis ng library, kung pano gumamit ng feather duster at kung pano maging legal ang kodigo. pero teka, dito ko rin naman natutunan makihalubilo sa ibang estudyante during student press conference. kung sana dati pa kong natutong mag blog at mag-emo, e di sana nanalo rin ako sa devcom na sinalihan ko, bukod sa medal na narecieve ko bilang 10th (english category) and 5th place (filipino catergory) in District Photojournalism....(wala na kasing choice ung mga judge, karamihan kasi disqualified!). masaya na malungkot. puppy love. first love. walang js prom pero merong grad ball (till 8pm lang..KJ nung principal). pinaka malaking frustration ko nung hindi ako nakasama para sabitan ng medalya nung graduation namin. dagdag ganda points sana un sa first love ko. hehe. ayaw kong isiping napulitika ako. hindi pa ko aware nun na may mga trapo din pala sa eskwelahan. ang pinaka hindi ko malilimutan sa high school days?...nakita ko dito mga mga tunay kong kaibigan hanggang ngaun. isinumpa ata kaming magba barkada dahil kami na lang ang wala pang asawa. tsk tsk tsk

college days. eto ung time na independent ka na dapat. sa katulad kong super duper ilang milya ang layo ng PUP sa bahay, natuto akong gumising ng 5am at umuwi ng 4pm. (pagdating sa bahay...snap!..bagsak!). literal na tipid ang allowance ko during may college days. kasya na samin magkaibigan ang pancit canton sa tanghali at tuknene sa hapon. walang gimik. walang cutting classes. gusto ko na agad makagraduate nun, nakakahiya na rin kasing humingi ng araw na araw na allowance sa sari-sari store ng kuya ko. gusto kong maging working student, pero panggastos lang sa requirements magiging mahirap na sakin (at clumsy daw kasi ako...hindi bagay sakin ang service crew). walang masyadong nagyari nung college ako. walang lovelife. walang accomplishment bukod sa isang tres(3) na grade sa walong (8) semester. (nadaan pa sa dasal yan) mahirap pagtiisan ang 4 na taong paghihirap pero it all come to an end. kaya nga super teary-eyed ang nanay at tatay ko nung grumadweyt ako (alam mo na ngaun kung san ako nagmana ng ka-emotan!)

minsan masarap balikan ang buhay estudyante. lalo na kapag sobrang stressfull ka na sa work. at naiirita sa laki ng tax na ikakaltas sau every sahod.minsan nga gusto ko bumalik sa school. maranasan ulet ang mid-term at finals. pero that time has passed. isang masayang experience na lang.

Monday, February 8, 2010

Election

papasok na ko sa office kanina. nagde day dreaming habang naglalakad. iniisip ko kung san kaya ung romantic place para sa magiging pre-nuptial photo session ko (imagine nga e..daydreaming...wag ng mag-object!) pero ayaw ata ni God na mangarap ako ng ganun.nakarinig ako ng sirena...wang wang..wang.....waaaaaaaaaaaaaaaaaannnnn...napatingin ako sa paligid ko...san ang sunog?!! linga linga...tingin sa likod..sa tabi..sa harap. tapos nakarinig ako mula sa ingay ng isang megaphone.

"mga kababayan...magandang araw po sa inyo...atin pong salubungin at naririto si........


SENATOR BONG REVILLA!"

huh?! sino daw? hindi ako pinalaking usi ng tatay ko, kaya tuloy pa rin sa paglalakad kahit na halos iblocked na ng mga hagad ang kalsadang tinutungo ko. bakit may motorcade? bakit kailangan nyang kumaway?...anong meron? db bawal toh?

aun na..sakay ng isang 4x4..si bong revilla kasama si phillip salvador todo ngiti habang naghahagis ng pandagdag sa basura (pamphlets na parang pamaypay at may malaking mukha ng Senador).tuloy lakad pa rin ako. letse mala-late na ko. ang daming taong naka tunganga, nakatambay at naka masid sa papadaang artista.

ouch! deym!...napasimangot ako ng makita ko na mukha ni Bong ang nasa kartong tumama sa ulo ko.hindi ko tinangkang kunin ito mula sa daanan.aanhin ko naman un? ang ngiti ni Bong na halos hanggang tenga, ay naging simangot at kunot noo naman sakin. kailangan ba talagang tumatama ang mga mala-freesbee na pamphlets sa mukha ng may mukha?!.

commercial: ang laki ng katawan ni Phillip Salvador..wow..parang nakita ko na si Nicolas Cage.Bukod dun, wala nang espesyal na pede pang mapansin sa motorcade nila.

campaign period na ba? bakit may nakita akong:
"re-elect Sen. Bong Revilla"
"ibalik sa senado"
...at kung ano ano pa.

first day ata ng campaign period.
eleksyon na naman.

panahon na naman na gising ang mahihirap at tulog ang mayayaman. sikat ang mahihirap at laos ang mayayaman. main role ang mahihirap at production support lang ang mayayaman.

season ngaun ng mga nangangarap umupo sa upuan. uso na ang kamayan system at autograph signing na parang artista lang na nagmamall tour. kung san san mo sila makikita. slum area man o sosyal na lugar. lagi mong makikita ang matatamis nilang ngiti, mapapangkinggan ang promising promises, at hahanga sa dahil saglit silang nagiging beauty queen (trademark: beauty queen pose and hand wave). handa silang mag ubos ng milyo-milyong piso para sa libreng t-shirt, pamaypay, sumbrero, papel,stickers,banners, tarpaulins at 30-seconds commercials sa pagitan ng mga teleserye mai-parating lang na nakikiisa sila sa mahihirap at mahal nila ang mahihirap.ewan ko ba, hindi ko talaga ma-gets, kung bakit nag ttwinkle ang mga taong nakatira sa Tondo at Payatas tuwing eleksyon.minsan, commercial models na rin sila ng mga political ads. tinalo pa sina sam milby at anne curtis. tsk tsk tsk

hindi ako against sa paraan ng pangangampanya ng mga kandidato. at kung paano nila maipaparating ang kanilang mga hangarin. naniniwala pa rin ako na hindi lahat ng mangga sa isang kaing ay pare-parehong maaasim. sadya lang talagang mapagmasid ako sa mundong ginagalawan ko, nawawalan rin ng tiwala, at sumasama ang loob sa mga pangakong napapako. nakakapagod maniwala, nakakatuliro ang mamili. kahit gano ka katalino sa pagdedesisyon kung sinong tao ang pagkakatiwalaan mo para sa kinabukasan ng susunod na lahi ng henerasyon mo, bandang huli...mali ka pa rin, talo ka pa rin. at maghihintay na naman ng another version of EDSA Revolt 0 6 na taong pagdurusa para magdesisyon ulet. gusto kong mangarap na balang-araw hindi na uso ang mga tra-po. balang-araw magiging extinct din ang mga lahi nila. pero parang patuloy pa rin ata akong mangangarap. dahil ang mga tulad nila, para lang mga bading na dumarami kahit hindi nanganganak.

Saturday, February 6, 2010

T-R-U-S-T

five letters
two repetitive consonant
one vowel

ONE simple word

pero

ang hirap iexplain
ang hirap idefine
ang hirap ibigay
ang hirap irepair
ang hirap imodify

ang hirap gawan ng blog.
...................kapag nasira

speechless....