papasok na ko sa office kanina. nagde day dreaming habang naglalakad. iniisip ko kung san kaya ung romantic place para sa magiging pre-nuptial photo session ko (imagine nga e..daydreaming...wag ng mag-object!) pero ayaw ata ni God na mangarap ako ng ganun.nakarinig ako ng sirena...wang wang..wang.....waaaaaaaaaaaaaaaaaannnnn...napatingin ako sa paligid ko...san ang sunog?!! linga linga...tingin sa likod..sa tabi..sa harap. tapos nakarinig ako mula sa ingay ng isang megaphone.
"mga kababayan...magandang araw po sa inyo...atin pong salubungin at naririto si........
SENATOR BONG REVILLA!"
huh?! sino daw? hindi ako pinalaking usi ng tatay ko, kaya tuloy pa rin sa paglalakad kahit na halos iblocked na ng mga hagad ang kalsadang tinutungo ko. bakit may motorcade? bakit kailangan nyang kumaway?...anong meron? db bawal toh?
aun na..sakay ng isang 4x4..si bong revilla kasama si phillip salvador todo ngiti habang naghahagis ng pandagdag sa basura (pamphlets na parang pamaypay at may malaking mukha ng Senador).tuloy lakad pa rin ako. letse mala-late na ko. ang daming taong naka tunganga, nakatambay at naka masid sa papadaang artista.
ouch! deym!...napasimangot ako ng makita ko na mukha ni Bong ang nasa kartong tumama sa ulo ko.hindi ko tinangkang kunin ito mula sa daanan.aanhin ko naman un? ang ngiti ni Bong na halos hanggang tenga, ay naging simangot at kunot noo naman sakin. kailangan ba talagang tumatama ang mga mala-freesbee na pamphlets sa mukha ng may mukha?!.
commercial: ang laki ng katawan ni Phillip Salvador..wow..parang nakita ko na si Nicolas Cage.Bukod dun, wala nang espesyal na pede pang mapansin sa motorcade nila.
campaign period na ba? bakit may nakita akong:
"re-elect Sen. Bong Revilla"
"ibalik sa senado"
...at kung ano ano pa.
first day ata ng campaign period.
eleksyon na naman.
panahon na naman na gising ang mahihirap at tulog ang mayayaman. sikat ang mahihirap at laos ang mayayaman. main role ang mahihirap at production support lang ang mayayaman.
season ngaun ng mga nangangarap umupo sa upuan. uso na ang kamayan system at autograph signing na parang artista lang na nagmamall tour. kung san san mo sila makikita. slum area man o sosyal na lugar. lagi mong makikita ang matatamis nilang ngiti, mapapangkinggan ang promising promises, at hahanga sa dahil saglit silang nagiging beauty queen (trademark: beauty queen pose and hand wave). handa silang mag ubos ng milyo-milyong piso para sa libreng t-shirt, pamaypay, sumbrero, papel,stickers,banners, tarpaulins at 30-seconds commercials sa pagitan ng mga teleserye mai-parating lang na nakikiisa sila sa mahihirap at mahal nila ang mahihirap.ewan ko ba, hindi ko talaga ma-gets, kung bakit nag ttwinkle ang mga taong nakatira sa Tondo at Payatas tuwing eleksyon.minsan, commercial models na rin sila ng mga political ads. tinalo pa sina sam milby at anne curtis. tsk tsk tsk
hindi ako against sa paraan ng pangangampanya ng mga kandidato. at kung paano nila maipaparating ang kanilang mga hangarin. naniniwala pa rin ako na hindi lahat ng mangga sa isang kaing ay pare-parehong maaasim. sadya lang talagang mapagmasid ako sa mundong ginagalawan ko, nawawalan rin ng tiwala, at sumasama ang loob sa mga pangakong napapako. nakakapagod maniwala, nakakatuliro ang mamili. kahit gano ka katalino sa pagdedesisyon kung sinong tao ang pagkakatiwalaan mo para sa kinabukasan ng susunod na lahi ng henerasyon mo, bandang huli...mali ka pa rin, talo ka pa rin. at maghihintay na naman ng another version of EDSA Revolt 0 6 na taong pagdurusa para magdesisyon ulet. gusto kong mangarap na balang-araw hindi na uso ang mga tra-po. balang-araw magiging extinct din ang mga lahi nila. pero parang patuloy pa rin ata akong mangangarap. dahil ang mga tulad nila, para lang mga bading na dumarami kahit hindi nanganganak.
No comments:
Post a Comment