Tuesday, February 9, 2010

Estudyante

it's always been a good feeling kapag student ka pa lang. ang popob-lemahin mo lang eh kung pano makakapasa sa bawat exam and projects na ibinibigay sau ng terror mong teacher. aside dun, nasa mga magulang mo na ang problema para sa next year na wala ka namang ginawa kundi mgcutting classes, tumambay sa computer shop, mamasyal sa mall at magtago ng sukli sa tuition fee mo na pinaghirapang utangin ng nanay mo.

i could say na hindi naging madali ang student life ko. masaya oo, dahil sa mga kaibigang nakasama, nabuong samahan, flying color grades at makita kong pangalan ko sa top10 students list. pero in terms of allowance, hindi ako ganun ka swerte para bumili ng hamburger during break time. turon at palamig ang madalas pangtawid gutom naming magkakaibigan nung high school. pagkatapos ng halos walong oras na pigaan ng utak, tsaka lang kami magchichikahan kasalo ng turon, mangga at palamig. studious ako...oo. un lang kasi ang pede kong gawin sa buhay-estudyante ko. hindi ako maganda para maging campus queen. hindi ako epal para sumali sa student council. minsan kapag swerte, nagiging officer lang ako ng (subject) club kung may kaibigang nagno-nominate na nakakaalam ng hidden talent ko. (nagbblush pa ko dati at nanginginig kapag na-metion ang pangalan ko, kahit natatalo!). hindi ko kayang maging leader. pang production support lang ako, taga gawa ng script at props at sapat na sakin gamitin ng iba ang creativeness ko. tahimik ako...at hindi pala recite. hindi kilala ng teacher kahit pa umabot na ng 4th grading period. nagtatanong na lang sila kung sino ung carmela na nakasama sa top 5 every grading period. sa subject na journalism ako nakahanap ng tambayan.sa iskul namin mataas ang paghanga nila sa member ng journalism club.eto kasi tambayan ng mga 90% grade average student (shhhhh mataas lang kasi magbigay ng grade ung teacher at hinahayaan nya kaming magkopyahan during periodical test). sa journalism class ko rin natutunan kung pano maglinis ng library, kung pano gumamit ng feather duster at kung pano maging legal ang kodigo. pero teka, dito ko rin naman natutunan makihalubilo sa ibang estudyante during student press conference. kung sana dati pa kong natutong mag blog at mag-emo, e di sana nanalo rin ako sa devcom na sinalihan ko, bukod sa medal na narecieve ko bilang 10th (english category) and 5th place (filipino catergory) in District Photojournalism....(wala na kasing choice ung mga judge, karamihan kasi disqualified!). masaya na malungkot. puppy love. first love. walang js prom pero merong grad ball (till 8pm lang..KJ nung principal). pinaka malaking frustration ko nung hindi ako nakasama para sabitan ng medalya nung graduation namin. dagdag ganda points sana un sa first love ko. hehe. ayaw kong isiping napulitika ako. hindi pa ko aware nun na may mga trapo din pala sa eskwelahan. ang pinaka hindi ko malilimutan sa high school days?...nakita ko dito mga mga tunay kong kaibigan hanggang ngaun. isinumpa ata kaming magba barkada dahil kami na lang ang wala pang asawa. tsk tsk tsk

college days. eto ung time na independent ka na dapat. sa katulad kong super duper ilang milya ang layo ng PUP sa bahay, natuto akong gumising ng 5am at umuwi ng 4pm. (pagdating sa bahay...snap!..bagsak!). literal na tipid ang allowance ko during may college days. kasya na samin magkaibigan ang pancit canton sa tanghali at tuknene sa hapon. walang gimik. walang cutting classes. gusto ko na agad makagraduate nun, nakakahiya na rin kasing humingi ng araw na araw na allowance sa sari-sari store ng kuya ko. gusto kong maging working student, pero panggastos lang sa requirements magiging mahirap na sakin (at clumsy daw kasi ako...hindi bagay sakin ang service crew). walang masyadong nagyari nung college ako. walang lovelife. walang accomplishment bukod sa isang tres(3) na grade sa walong (8) semester. (nadaan pa sa dasal yan) mahirap pagtiisan ang 4 na taong paghihirap pero it all come to an end. kaya nga super teary-eyed ang nanay at tatay ko nung grumadweyt ako (alam mo na ngaun kung san ako nagmana ng ka-emotan!)

minsan masarap balikan ang buhay estudyante. lalo na kapag sobrang stressfull ka na sa work. at naiirita sa laki ng tax na ikakaltas sau every sahod.minsan nga gusto ko bumalik sa school. maranasan ulet ang mid-term at finals. pero that time has passed. isang masayang experience na lang.

No comments:

Post a Comment