umalis ka ng walang paalam. iniwan mo ko ng hindi ko alam ang dahilan. nawala ka ng parang bula.naglaho ka ng hindi ko nalalaman. hindi ako naghanap. hindi ako nagtanong. alam ko babalik ka pero hindi ako sigurado kung kelan.
bumalik ka sa panahong okay na ko. dumating ka sa oras na hindi na kita iniisip. lumitaw ka sa pangyayaring akala ko kaya kong tanggapin. kinausap mo ko na parang wala lang. nag hello ka na parang hindi mo winasak ang puso ko. ng hi ako na parang hindi nasaktan ng sobra. at mula dun, nagsimula at bumalik ang lahat. akala ko kaya ko. kaya kong tanggapin ang katotohanang bumalik ka lang para maghugas ng kamay. para humingi ng paumanhin. para magpaliwanag kahit na hindi ko hinihingi. kasabay ng bawat salitang binibitiwan mo, ay ang pag-asang sana masambit mo na nais mo kong angkinin muli. kahit na alam kong magiging madali ang pagsabi nun sau at magiging mahirap para sakin na tanggapin ito.
hindi na pede kahit gustuhin kong alagaan ka. may mga pagkakataong gusto ko agawin ka. pero hindi ko hahayaang ibaba ang sarili ko dahil lang sa isang tangang pagmamahal. mahal kita. at nais kong isigaw sa harap mo un kasabay ng isang malakas na sampal. ayaw kong isiping dapat pagsisihan ang bagay na nakapagpaligaya sakin kahit konti kahit kasinungalingan lang ang lahat. pero sana…sana…hindi ka na lang bumalik para muling guluhin ang puso ko.
bumalik ka bilang kaibigan. o mas tamang bilang isang kakilala. umasa pa rin ako na sana may natitirang pagmamahal pa sa puso mo kahit isang pagkukunwari lang. pero nabigo ako sa pangarap kong ito. kailan man, tama ang isip kong hindi mo nga ako minahal.at hindi mo ako pedeng mahalin. makulit lang talaga ang puso ko para ipilit sa isip ko ang nararamdaman ko.
hindi ako tanga upang muling umasa. kailangan kong lumayo kahit na hindi ko alam kung san magsisimula.kailangan kong iligtas ang puso ko sa posible pang pagkakahati nito. sa ngaun, ang naiisip ko lang ay ang kagustuhan kong makipagkwentuhan sau sa huling pagkakataon upang may baunin ako sa aking paglisan. pero maski un, pinagkait mo.
walang ibang dapat gawin kundi ang lumayo kasabay ng huling patak ng luha para sau.hindi magiging madali at simple ang paghahangad na kalimutan ang isang minamahal. pero ayaw kong buhayin pa ang pag-asang mahal mo nga rin ako.
dahil hindi naman totoo.
Thursday, April 8, 2010
Sunday, April 4, 2010
Baler

Baler, Aurora
this time its Baler. though, hindi namin kabisado ang lugar...we have this urge to visit the province. my sole reason?..wala lang, maiba lang. we have been to many provinces west coast of North Philippines and i personally want to visit the east coast. sort of challenge and adventure kasi we dont know any one and anywhere aside from taking a Genesis bus to reach the destination.
after 6 hours ng byahe (actually di ko nga alam kung 6 hours kasi most of the time tulog ako kahit rough road na ung dinadaanan namin..what the heck! i want to sleep despite of super duper lamig ng aircon). we reach the town of Baler at 6am with a few drizzle. malas ata, umuulan pa. we dont know pa na un na ung lugar until bumaba na lahat ng passenger. natawa ako sa reaction ng tricycle driver(which we later called him Manong or Kuya) nung sinagot ko ung tanong nya na kung san kami pupunta. actually kahit naman sino, matatawa talaga.
"Actually Manong, hindi namin alam kung san kami pupunta" i stupidly answered.
"Basta paki dala naman po kami sa Resort"
ewan ko ba, mauubusan na sana ako ng pag-asa at susugal na bumiyahe ulet ng 4hours to try to another destination nung nakahanap kami ng tutuluyan. Sanchez Resort, Brgy. Zabali Baler, Aurora. pinakiusapan lang namin ung caretaker (which we later knew that he was the son of the Resort Owner in which candidate for re-election of Councilor seat) na hintayin na lang namin ung magccheck out ng lunchtime. nakuha ata sa dasal at pagpapa cute ko kaya pumayag.
malayo sa Resort ang bayan. ung tipong kailangan mong tawirin ang tatlong bundok. kaya siguro kung bibili ka ng gamot sa bayan, mas mahal pa ng 5ulit ang pamasahe para sa Biogesic na kailangan mong bilhin. Hindi ako OA...totoo un...kaya siguro un ang dahilan kaya napaka vegetarian ng menu namin sa 3 araw na nandun kami. oks lang...para tipid!..fasting un.
we reached the resort when the sea was in high tide. sobrang lakas ng alon. surfing destination nga ang Baler db? nung nag low tide dun lang namin nakitang coral reefs pala ang lugar. di ka pdeng mag swimming kung ayaw mong duguan kang lulutang. the site was not that breathtaking but good enough to spent the rest of my holy week. mababait ang mga tao dito, super as in!. they provided what we need and in 3days, we already have this so called "feeling close" with the resort family owner.
wala kaming ginawa kundi matulog, kumain, mamasyal at magluto. matulog, kumain, mamasyal at magluto. matulog, kumain, mamasyal at magluto. sarap ng buhay! and you could actually agree with me na hindi mo na gugustuhin pang bumalik sa polusyon ng Manila. i actually woke up as early as 6am just to watched the sunrise. minsan pa nga akong nag-emo at umupo sa batuhan habang nagkakape, nag sa-sound trip at nababasa ng alon sa dagat. whew!
we went to Ditumabo falls, Balete Park, Baler Fishport and the Aniao Islets(im not sure if it was). these place made our get-away truly memorable. Good thing we were so lucky to visit Aurora and met nice people. Sobrang nakakatanggal ng stress. and after the scratch in left leg (dala ng katangahan at parang batang nadapa sa coral reefs, buti nalang hindi nila ako napicturan hehehe) we left the town at 3am and reached Manila at 9am.
credits:
special thanks to:
Sanchez Resort
Sanchez Family
our tricycle driver - Ka Rogel
and to my ka-lakwatsahan - elena, mads, badong and joana
next destination?...we dont know yet :D
bahala na ulet
Subscribe to:
Comments (Atom)