Thursday, April 8, 2010

bbye

umalis ka ng walang paalam. iniwan mo ko ng hindi ko alam ang dahilan. nawala ka ng parang bula.naglaho ka ng hindi ko nalalaman. hindi ako naghanap. hindi ako nagtanong. alam ko babalik ka pero hindi ako sigurado kung kelan.

bumalik ka sa panahong okay na ko. dumating ka sa oras na hindi na kita iniisip. lumitaw ka sa pangyayaring akala ko kaya kong tanggapin. kinausap mo ko na parang wala lang. nag hello ka na parang hindi mo winasak ang puso ko. ng hi ako na parang hindi nasaktan ng sobra. at mula dun, nagsimula at bumalik ang lahat. akala ko kaya ko. kaya kong tanggapin ang katotohanang bumalik ka lang para maghugas ng kamay. para humingi ng paumanhin. para magpaliwanag kahit na hindi ko hinihingi. kasabay ng bawat salitang binibitiwan mo, ay ang pag-asang sana masambit mo na nais mo kong angkinin muli. kahit na alam kong magiging madali ang pagsabi nun sau at magiging mahirap para sakin na tanggapin ito.

hindi na pede kahit gustuhin kong alagaan ka. may mga pagkakataong gusto ko agawin ka. pero hindi ko hahayaang ibaba ang sarili ko dahil lang sa isang tangang pagmamahal. mahal kita. at nais kong isigaw sa harap mo un kasabay ng isang malakas na sampal. ayaw kong isiping dapat pagsisihan ang bagay na nakapagpaligaya sakin kahit konti kahit kasinungalingan lang ang lahat. pero sana…sana…hindi ka na lang bumalik para muling guluhin ang puso ko.

bumalik ka bilang kaibigan. o mas tamang bilang isang kakilala. umasa pa rin ako na sana may natitirang pagmamahal pa sa puso mo kahit isang pagkukunwari lang. pero nabigo ako sa pangarap kong ito. kailan man, tama ang isip kong hindi mo nga ako minahal.at hindi mo ako pedeng mahalin. makulit lang talaga ang puso ko para ipilit sa isip ko ang nararamdaman ko.

hindi ako tanga upang muling umasa. kailangan kong lumayo kahit na hindi ko alam kung san magsisimula.kailangan kong iligtas ang puso ko sa posible pang pagkakahati nito. sa ngaun, ang naiisip ko lang ay ang kagustuhan kong makipagkwentuhan sau sa huling pagkakataon upang may baunin ako sa aking paglisan. pero maski un, pinagkait mo.

walang ibang dapat gawin kundi ang lumayo kasabay ng huling patak ng luha para sau.hindi magiging madali at simple ang paghahangad na kalimutan ang isang minamahal. pero ayaw kong buhayin pa ang pag-asang mahal mo nga rin ako.


dahil hindi naman totoo.

No comments:

Post a Comment