hindi ko alam kung anong meron sau. kung anong meron satin. kung anong meron sa panaginip ko at kung bakit ikaw ang favorite topic nito. deym! wala na bang ibang taong pedeng maging sentro ng isang imahinasyon ko kundi ikaw?
nakakapagtaka lang kasi. oo gusto kong matulog. maghapon. dahil un lang naman ang pede kong gawin para takasan ang mga emo moments ko. pero kahit na anong ganda ng panaginip ko kasama ka, hindi ko na gugustuhin pang ulit-ulitin ito. nakaka badtrip diba? tinatakasan na nga kita, bigla ka naman sumusulpot. nakangiti pa at parang inlove na inlove. nang-iinis ka?!
kung ang panaginip ay isang paraan para makasama kita, hindi ko na gugustuhing matulog pa. dahil ang bawat paglitaw mo sa tulog kong imahinasyon ay nangangahulugang paggising sa natitira pang pag-asa sa puso ko na maging akin ka.
ganun ka ba talaga Romeo?!...
pinatay mo ba sa bangungungot si Juliet?
“There are some people who live in a dream world, and there are some who face reality; and then there are those who turn one into the other.” - Douglas H. Everett
No comments:
Post a Comment