Friday, May 20, 2011

VISION Team





currently, eto ang team namin ngayon. pero 3 dyan, nakatakda ng mawala this june. oo, sila ang dahilan kung bakit emo ako ngayon. sila ang dahilan kung bakit tumutulo ang luha ko habang naglalaro ng zuma. sila rin ang dahilan kung bakit parang gusto kong tumagay habang gumagawa ng isang blog.

halos 2 taon na mula ng dumating ako sa Vision. natatandaan ko pa, sa muling pagtapak sa ACN, ni hindi pa ko nakakahawak ng keyboard sa bench (temporary project ng mga walang project), pinapunta na agad ako sa 23rd floor. akala ko, may sasalubong na banda para sakin. hiya at takot. pinagsamang feeling ang sumalubong sakin nung ipinapakilala ako sa team. iba't-ibang personality, iba-ibang way ng pagtanggap. nakaka-intimidate. nakakatakot. buti nalang nauna na sakin ung dalawa kong ka-batch kaya less effort to make friends.

lumipas ang araw at buwan, unti-unti natutunan kong makisalamuha at makipag biruan. hindi naman pala ganun kahirap maki-jive sa kanila dahil madalas, katulad ko din silang baliw sa pakikipag lokohan. oo, isang malaking factor kung bakit gusto ko pa ring pumasok kahit walang task at puro Vision Manual reading lang ang pedeng gawin, ay ung alam mong hindi ka mapapanisan ng laway sa buong maghapon mapa english hour/day o simpleng araw ng pakikipag titigan sa monitor.

ang Vision, parang isang malaking pamilya. mayamang pamilya dahil hindi pedeng mawalan ng pagkain ang hapag kainan. ganun kami katakaw. ganun namin ka love ang eat all you can. bawal ang pikon, kung ayaw mong magstay sa quiet room para lang magexplain na talent mo na ang pang-aasar. iba't-ibang personalidad, kanya-kanyang ugali at pamamaraan. halo-halong talent, at pinagsama-samang sipag at talino pero in the end, nagkakaintindihan despite sa madalas na pakikipag lokohan at asaran. sa buong araw, asahan mo ng iiyak ka sa kakatawa, mamumula sa tuksuhan at mandidiri sa mga biruan. normal na un.

pero despite of those childish acts, we are mature enough and capable of handling our stressful tracks and metrics. kahit madalas puro tawanan lang ang nagaganap, seryoso pa rin naming tinututukan ang bawat abend, error at investigations. at kahit na marami ng original cast ang nawala, pinipilit pa rin naming mag-enjoy at magtrabaho bilang isang team.

nakakalungkot isiping may mawawala. may maiiwan at may aalis. kahit namang sabihing, the friendship is still there, iba pa rin sa pakiramdam ung alam mong andyan sila at nakikipaghalakhakan kasama mo. kahit naman may Vision Group sa FB, alam mong iba pa rin ung nakaka relate sila sa bawat kalokohang mabubuo sa 3 malalaking cube o isang chatroom.

pero ganun talaga ang buhay e. hindi mo hawak ang future ng bawat isa. ang pede mo na lang gawin ay ung kumain kapag nagpakain sila at maging masaya ka para sa kanila kahit na alam mong malulungkot ka kapag nawala sila.

No comments:

Post a Comment