Sunday, December 20, 2009

FORGIVE

"in the spirit of Christmas, patawarin mo na sya"
"Christmas naman, magbati na kau.."


we oftentimes hear these words when Christmas seasons begins. hindi ko masyadong ma-gets kung bakit gingawang dahilan para magpatawad ang ika-25 ng Disyembre. nagkakaron tuloy ng lakas ng loob humingi ang iba ng "sorry" (SORRY lang na parang walang nangyari) kapag ganitong malapit na ang Pasko. ewan ko ba kung bakit. bakit ba nila ginagawang dahilan na dapat mong magpatawad dahil lang sa okasyong ito? hindi ba pedeng magpatawad sa Bagong Taon, Valentines, Independence Day, sa araw ng Linggo o maging sa Friday the13th?...Hindi ko lang kasi kayang isaksak sa utak at puso ko na ang pagpapatawad ay isang gawaing mabilisan, at dinadaan sa tyempo ng Holiday. hindi din ako naniniwala na to forgive is to forget. san naman nakuha un? nakakalimutan mo ba ang isang bagay na nakapagpasakit ng damdamin mo? nakakalimutan mo ba ang isang taong dahilan para masira ang buhay mo? ang isang pangyayaring naging dahilan ng pagka lugmok mo? hindi diba?

para sakin, ang pagpapatawad ay isang mahabang proseso na parang nagaapply ka ng visa sa ibang bansa. it took years, it take several prayers and time to heal. hindi basta basta nakakalimutan at natatanggap. to forgive, you must accept it and move on. kapag ang sugat ay naghilom, tsaka mo lang matututunan ang magpatawad. and it takes a hell of a TIME. wag mong pilitin ang sariling mong magpatawad kung gusto mo lang. kaplastikan ang sabihing "i forgive you..." kung nasasaktan ka pa rin. hindi makatotohanang tanggapin ang lahat kung may galit ka pa ring nananaig sa iyong puso.

oo tama ang sabihing hindi maganda ang magtanim ng galit sa isang tao. at mabigat sa pakiramdam ang may kagalit na kapwa. pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong maging okay kung sa kabila ng lahat halos maghumiyaw ang puso mo sa sakit. naniniwala akong panahon at oras ang makakapagbigay satin ng complete peace. time ang mabisang rekado para magpatawad. when wounds are healed, when heart is ready and when you are finally move on with your life.

Tuesday, December 15, 2009

Juliet to Romeo

Romeo,

ikaw. oo ikaw nga. ikaw na feeling gwapo at umaasang hahabulin ko. makinig ka...(aiii magbasa pala..) hindi tulad mo ang dapat kong pag-aksayahan ng panahon. pero sige, since na gusto mong sumikat at ma mention na naman sa blogspot ko na wala namang bumabasa, paglalaanan kita ng panahon kong puno ng kaboringan.

oo mahal kita. minahal kita. pero hindi sapat ang salitang mahal para magtanga tangahan at magbulagbulagan at magbingi bingihan at kung ano ano pang kagagahan para hindi ko makitang sayang lang ang pagmamahal na inukol ko sau.bukas ang mata ko, 20/20 vision pa nga kahit madalas akong magchat, para makita na hindi dapat ako maniwala pa sayo. akala mo lang martir ako...pero hinde...hindi at mas lalong hindeeeeeeeeee...

sino ka nga ba?...isang tao na biglang nagumepal na umentra sa buhay ko. isang taong pinagkatiwalaan ko. at isang taong minahal ko. asa ka naman na mamahalin pa kita sa kabila ng libo-libog este...libo?! mong kasinungalingan. utang na loob, minsan nga kausapin mo ang sarili mo at itanong mo kung sino ka ba? masyado ka bang nasaktan sa paghihirap ng sangkatauhan para magawa mo ring saktan ang iba.

katulad ko.

hindi ako galit sau.lalong hindi bitter. alin man sa dalawa ang obvious, bahala ka na. pero mas nag uumapaw ang paghanga ko sau. napabilib mo ko ng sobra. akala ko sa pelikula lang matatagpuan ang mga taong katulad mo. isa kang living legend at hindi totoong extinct ang lahi mo. pano mo nagawang paikutin ang babaeng walang muwang katulad ko sa palad mo at kaya mong pasayawin ng nobody nobody but you?...nakakabilib!

hindi ka naman gwapo.kaya wag na wag mong iisiping maraming mahuhumaling sau. pareho lang tayong may pimples. mataba ka at hindi macho...pero taglay mo ang tunay na pagiging simpatiko, kaya siguro over confident ka.

sige magpakasaya ka. at magpapakalungkot ako. darating din ang oras na magtatapos ang pagiging emo ko. at ako naman ang magpapakasaya. pero habang nagluluksa pa ko sa kadiliman na hinatid mo, pabayaan mo muna kong makulong sa mundong ito, nang sa ganun...matanggap ko sa sarili kong hindi na karapat-dapat pang umasa at isang malaking ka-shungahan ang mahalin ka pa.


Juliet

Thursday, December 10, 2009

Christmas Party

2nd week of december.biernes. makulimlim. malamig. christmas party bukas.isang libong dahilan para tamarin ka ng paganahin ang utak mo para magtrabaho. gusto mo na lang pumetiks maghapon at makipag titigan sa komputer mo. mas mainam na pagpapanggap ang paggawa ng blog kesa sa paglalaro ng first-to-blink sa monitor ko.

at dahil panahon na naman ng pagkakagastusan (term ko sa "pasko") uso na din ang kabilaang exchanged gift at christmas party. 'langya dito lang ako sa kumpanya namin pedeng makaranas ng 5 christmas party at 10 exchange gift. malas mo kung isang party at isang regalo lang ang matatanggap mo. pag ganun ang nagyari, magtanong ka na kung tao ka pa ba. bukod sa company christmas party, may project, team, sub-team at batchmates pang mga kasunod. bukod pa dyan ang mga nakakalanggam na eksenang exchange gift nyong mgdyowa (kung ka work mo ang dyowa mo). kaloka, para kang santa claus na nagpapamigay ng regalo tapos ang magiging kapalit ng pinageffort-an mong gift eh isang kilong Ariel detergent powder. wag kang magtawa...totoo yan!..something nakakaasar.

san ka ba nakakita ng kumpanyang pinipilit kang mag leave on this season. kung wala ka ng leave balance, pauutangin ka pa, ma spend mo lang ang oras mo with your family. naks! (according to them). hindi mo alam kung concern ba sila o gusto lang maka tipid sa kuryente.

san ka ba nakakita ng kumpanyang aarkilahin ang buong gabi ng EK (alam nyo na un db?) para lang sa christmas party. kaya nga parang ang tahimik ng mga tao ngaun dito, pine prepare na ata ng boses para sa maghapong pagsisigaw bukas.

san ka nakakita na bibihisan ng royal queen or fairy god mother ang pinaka mataas na director ng kumpanya para makasunod lang sa theme ng party at para lang magbigay ng speech at company status and updates at kung anu-anong kachurvahan pa. mantakin mo pang dinaan pa sa online voting yan ha. astig db?!

dinaan din sa online voting ang mga posibleng host at band guests. kung dati na parang perya ang christmas party, ngaun naman, totoong sa theme park na. kung dati napagtyagaan na ang ilang kanta ng parokya ni edgar, ngaun naman, buong gabing rock rockan na!...at kung dating para ka lang nglalakad sa kawalan at mga tira-tirahang tiangge ang makikita mo, ngaun pede ka ng magsumigaw sa space shuttle habang nagbibigay ng speech ang managing director ng kumpanyang bumubuhay sau. hehe...

kung nakita mo na sa iba yan, pasensya na...dakilang jologs lang ako at ngaun lang ako nakakita ng ganyan...ngaun lang ako nagfeeling maging social climber. kaya astig na para sakin toh!

sa mga ka opisina kong busy mode magtrabaho ngaun, para sa inyo toh!...bawi tau bukas...dun nyo ilabas ang sama ng loob nyo sa mga lead nyo!!! wahaha..

Sunday, December 6, 2009

Karoling na...

paglabas ko ng kwarto ko galing sa isang buong mghapong pagtutulog, nagulat ako. tahimik ang bahay. bakit nakapatay ang ilaw?...pagbaba ko ng isang baitang ng hagdanan, tanging christmas light lang ng munti naming christmas tree ang naka ilaw. nagsisilbing liwanag sa buong sala na walang katao-tao. bigla parang nafreeze ang mundo ko. Pasko na pala. 21 DAYS to be exact. bukas 20 days na lang..sa susunod na araw, 19 days na lang..hanggang sa maging 18 17 16 15.....3 2 1.. ramdam na rin malapit na ang araw na pinaka hihintay ng mga bata ngunit hindi ng matatanda katulad ko. hindi pa naman ako matanda. ako lang ung isang taong katulad ng iba nasa stage na kailangang mag regalo para sa mga inaanak, kaibigan, boyfriend, nanay at tatay ng boyfriend, kapatid, asawa ng kapatid, anak ng kapatid at ng kung sino sino pang nagpaparamdam ata tuwing malapit na ang 25 ng December. hay, mas mahaba pa ata ang listahan ng pagkakagastusan kaysa sa listahan ng utang. minsan lang daw sumapit ang pasko, kaya ang mga Pilipino, kahit madalas dumaing na walang pera, magugulat ka na lang dahil marami ang nakikipag siksikan sa mall para umabot sa christmas rush. shopping dito. bili doon. bibingka dito, christmas tree dun. at bukod sa mga beer haus na halos isang taon atang pasko, naglipana rin sa kalsada ang mga iba't-ibang dekorasyon na pati ata parol sponsor ng isang produkto ng shampoo.

kung san san ka na rin makakarinig ng christmas carole at mga awiting iba't-ibang version na ata pero mula pa ng hindi ako sinisilang eh ganun na ang lyrics. nilagyan lang ng konting tyempo at sikat na mang-aawit ang kumanta eh ayos na bago na sa pang dinig. excited na rin ang mga bata. ang pasko sa kanila ay nangangahulugang bagong damit at sapatos, malutong na bente pesos at fried chicken sa lamesa. habang ang mga matatanda ay namomoblema kung saan kamay ng Diyos nila kukunin ang ideyang ito.

sabi nila, mas masaya nga raw ang Pasko ng mga Pilipino kumpara sa ibang bansa. sa kanila daw ata kasi, tamang kainan lang, tamang tingin lang sa snow at tamang bukasan lang ng mga regalo. ayos na. christmas na. dito lang naman satin, nagtatagal ng January ang pasko. ewan ko nga ba. ang isang araw eh nangangahulugang isang taon na naman ng pagbabayad ng utang para sa mga nagastos sa isang gabi ng kainan.kelan kaya magiging simple sa mga PIlipino ang pagdiriwang ng pagkapanganak kay Hesus? Kelan kaya natin matatanggap na tama na ang simpleng Noche Buena pagkatapos ng taimtim na pagsisimba ng buong pamilya? kelan tau makukuntento na masaya na ang araw na ito kung magkakasama ang mga myembro ng pamilya? at kelan kaya tayo magpapasalamat na dumaan na naman ang isang taon sa buhay natin instead na humingi tayo ng panggastos para sa panghanda kapag tayo ay nagdadasal.

hay pasko na naman. isang araw na ayaw kong palipasin na nag-iisa ako. may kanya-kanyang lakad ang bawat isa samin tuwing darating ang araw na toh. at dahil ako na lang ang walang pamilya, kung saan saan mo ko makikitang nakiki pamasko. umabot na ko ng Baguio para makipag celebrate. hindi ko lang alam, kung saan ako aabutin ng pakikipag celebrate ngaung darating na 25th. dahil ang pasko ngaun samin, kelan man hindi na magiging kumpleto. wala na ang padre de pamilya. at im sure, iiyak ang nanay ko sa Noche Buena at ako magkukulong sa kwarto para hindi makita ang pagtulo ng mga luha nya.

Ikaw ba toh?

WAITING....ang hirap talaga maghintay ng hindi mo alam kung may hihintayin ka pa ba. i always been waiting. ewan ko ba, sabi nila patience is a virtue. pero kasi ako ung taong ayaw ko ng naghihintay. ako ung taong kung pede namang ayusin ngaun, bakit kailangan pang maghintay at ipagbukas pa. at ako din ung taong bakit pa magpapakipot kung un din naman ang finale..patatawarin mo rin. ayaw ko ng paligoy-ligoy na parang barbeque na pinaikot-ikot pa sa stick..iihawin rin naman. kaya siguro, madalas akong magkamali. madalas magsisi sa mga desisyon na hindi pinagisipang mabuti. i am the type of person na madaling magpadala sa damdamin, kaya cguro madalas akong maloko at maiwang umiiyak.


i always give a person benefit of the doubt. kumbaga sa isang judge, lahat biktima, lahat suspek. mabilis akong maging attached sa isang tao. mabilis akong maawa at matuwa. kahit sa una pa lang makilala basta magaan ang loob ko, i instantly trust a person. TRUST. sabi nila, mahirap daw makuha. pero para sakin, ang dali kong ibigay. un nga lang pag nasira na, kahit anong gawin mo, hindi mo na rin maibabalik sa dati. parang fish bowl na nabasag at sinubukang idikit ng mumurahing mighty bond na mabibili mo sa bangketa. kahit anong dikit, lulusot at lulusot din ang tubig.

un din siguro ang mali ko. kaya madalas, i ended up broken hearted. maski sa kaibigan. aba'y kundi ba naman ako tanga, pati ex ng bf ko kakaibiganin ko pa. ganun kasi ako. i dont treat others as my enemy kahit sabihin nilang ang martir ko daw. ilan na nga ba ang naging kaibigan ko na dating ex ng boyfriend ko? masaya ako sharing my life with them, and im happy coz they treat and accept me as their friend. ung iba nga nawweirdohan. wala akong paki basta all is fine with us.

pero sadyang may mga tao talagang, pagkatiwalaan mo na, ibigay mo na ang lahat, kaibiganin mo na, they are still not satisfied. i hate plastic people. ewan ko ba, kung sa tupperware ba sila pinaglihi. o baka nung pinagbubuntis sila, ngumangata ng plastik ung nanay nya habang kumukuya kuyakoy sa terrace ng 3rd floor nila. o db kung hindi ba naman adik. akala ko, ang isang tao, gaano man kasama, gaano man kaitim ang buto at gaano man katigas ang puso, pakitaan mo ng kabutihan, parang kandilang matutunaw. pero mali pala ako. hindi lahat ng tao handang magbago. hindi lahat ng tao, handang magpaka buti. at hindi lahat kayang maging totoo.

hindi ko siguro sila maiintindihan kasi eversince, i hate plastic people. nung high school nga ako, 4 na taon kong hindi kinibo ang isang klasmeyt ko hanggang sa grumadweyt at hanggang sa ngaun dahil feeling ko pinaplastik nya ko. ganun nga kasi talaga ako. im a good friend. pagpapatayan kita pero wag mo lang akong sasaksakin sa likod. ibibigay ko sa'yo taong mahal ko, pero wag na wag mo syang aagawin sakin. mamahalin kita ng katulad ng pamilya ko, pero wag mo kong itatakwil patalikod. kaibigan kita, hanggang sa huli, ipaglalaban kita. pero mahirap kung ang taong itinuturing kong kaibigan eh sya ding magiging dahilan para kasuklaman ko ang mga taong nakapaligid sakin.

hanggang kelan ka nga ba magtitiwala sa isang tao? hanggang kelan mo toh kayang patawarin? hanggang kelan kaya mong tiisin? hanggang kelan kaya mong tanggapin na hindi lahat ng tao, eh totoo sau. oo masakit, coz the same trust you gave is the trust that lets your self feel down. ang hirap. dahil kung sa akala mong nakahanap ka ng kakampi, ung taong hinahawakan mo ng mahigpit, eh sya rin palang taong hihila sau pailalim hanggang sa huli na para magsisi ka.

kung nagtataka ka kung ano kinalaman ng first paragraph sa mga susunod pang paragraph, eh hayaan mo na. at kung babalikan mo pa para basahin ung unang paragraph para ianalyze kung ano koneksyon nito sa iba, iisa ang ibig sabihin nun...adik ka na rin tulad ko. hehe.

Wednesday, December 2, 2009

Leaving Behind

kanina, habang naka tunganga ako sa harap ng computer at nagiisip kung ano na naman ang pede kong ireport sa daily status ko ngaung araw na toh, (ang hirap talaga mag-isip kapag wala kang iisipin) biglang ngblink ung chatrum namin. ye right, may chatrum kami. at hulaan mo ang mga kasali dito. sympre hindi kasama ang manager at lead namin. patay na kami nun kung sakali. kundi kaming mgkaka batchmates na sawa na sa pagpapanggap na busy at maraming task. dito kami ngkukulitan, nagpapalitan ng opinyon, tsismis, codes, problema, updates, love life, kaartehan, at kung ano ano pang ka churvahan.



Gurl T [3:03 PM]:

nang mawala ka sakin, ikaw at ako'y nawalan; ako dahil ikaw ang minahal ko ng lubusan,at ikaw dahil ako sayo'y lubusang nagmahal. Ngunit sating dalawa'y ikaw ang higit na nawalan,dahil pde kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sayo, ngunit ikay ndi mamahalin tulad ng kung paano kita minahal...




kaloka, Gurl T talaga...sumasabay sa ka-emotan ng mundo ng mga babae. palibhasa nagfefeeling maging ka-isa namin. na shock ako sa nabasa ko mula sa kanya. abah at in love ang lola kong bading. hehehe. huwow na lang ang naging reaksyon ko. speechless. napatitig. napatulala. at nag-isip. eto na naman, usapang puso na naman. dun lang ata ako magaling. mag extract ng nararamdaman. samantalang di ko masimulan ung dapat sanang sytem test execution ko. ni hindi ko nga alam kung pano mamasyal sa mainframe at kung pano magcode ng cobol. lintek na..anong silbi ko bilang programmer. samantalang may mag post lang ng usaping pampuso...eto nakagawa na ko ng isang paragraph at isang walang kakwenta kwentang kwento para ipost sa blogspot ko.



mula sa malalim at matalinghagang hugis bulaklak at kulay green na puso ni Gurl T, sabi nya ( ang hirap idigest ang simpleng sentence na un ah!)...kung magkakahiwalay man kau ng iniirog mo, sya ang lubusang mawawalan. baket kasi, dahil hindi na sya makakahanap pa ng taong magmamahal sa kanya tulad ng pagmamahal mo. korek!



karamihan kasi sa mga taong naiwan, pakiramdam nila ( o cge na nga,..kasama na ko dun, hindi naman cguro ako magfefeeling bitter dito kung hindi diba?.) sila ang nawalan. well, hindi mo naman talaga maiiwasan maramdaman ang bagay na un. lalo na kapag sobrang binigay mo ang lahat para sa kanya. .we often feels the same bitterness when the one we love left us. we oftentimes ask ourselves what would possibly the reason why they chose to be apart from us. minsan kasi, pakiramdam natin kapag binigay na natin ang lahat, kapag halos naging kasama sa bawat kakornihan ng buhay, kapag halos sya na ang pustiso mo (coz you cant smile without him), o sun (kasi sa kanya umiikot ang solar system mo) at relo (kasi tumitigil ang oras kapag kasama mo sya), hawak mo na ang assurances mo sa buhay na magtatagal at mgsstay sya sau. wake up dude!...nothing is permanent in this world. iwasan mo man, takasan mo man, babalik at babalik ka pa rin sa katotohanang iiwan ka rin nya whether you like it or not. swerte mo na lang kapag ikaw ang nang-iwan.



bukod sa pagkakabasa ng unan mo tuwing gabi at bukod sa pagiging zombie...ano nga ba ang dulot kapag iniwan ka. ano nga ba ang totoong pakiramdam kapag nasayang ang lahat ng "efforts" mo to build a strong relationship. masakit oo. unexplainable pain. undetermined bitterness. indescribable feeling. kasi dun ka magseself pity. you ask yourself what have you done wrong. bakit kahit na pati allowance mo ibinibigay mo na sa kanya makagpagload lang sya. bakit kahit na maghintay ka ng 3 oras dahil palagi syang late sa usapan nyo. bakit kahit na sobra sobrang pagtanggap mo sa explanation nya na hindi sya makapagtext sau dahil low batt cp nya...bakit iniwan ka pa rin nya.



ganun talaga. walang ibang dahilan un. natapos lang talaga ang role nya sa buhay mo. nag expire na ang binigay na budget time ni God para sa inyo. binawi na nya ang taong pinahiram lang nya. baket? simple lang. to teach you. kaya kung ano ka ngaun, un ay dahil sa kanya. kung dating hindi ka kumakain ng gulay at natutunan mo lang sa kanya na pati damo eh dapat kainin, matuwa ka.. kasi un ang purpose nya sa buhay mo. hindi mo man maintindihan sa ngaun, pero sigurado akong darating ang isang araw na pagtatawanan mo na lang ang ilang baldeng luhang inaksaya mo para sa kanya. minsan, kapag ready ka na, makakasalubong mo na lang sya, at taas ang noo mong sasabihing, look at me!..look at what have you left few years back. at buong lupit mong sabihin sa kanya...maglaway ka!