paglabas ko ng kwarto ko galing sa isang buong mghapong pagtutulog, nagulat ako. tahimik ang bahay. bakit nakapatay ang ilaw?...pagbaba ko ng isang baitang ng hagdanan, tanging christmas light lang ng munti naming christmas tree ang naka ilaw. nagsisilbing liwanag sa buong sala na walang katao-tao. bigla parang nafreeze ang mundo ko. Pasko na pala. 21 DAYS to be exact. bukas 20 days na lang..sa susunod na araw, 19 days na lang..hanggang sa maging 18 17 16 15.....3 2 1.. ramdam na rin malapit na ang araw na pinaka hihintay ng mga bata ngunit hindi ng matatanda katulad ko. hindi pa naman ako matanda. ako lang ung isang taong katulad ng iba nasa stage na kailangang mag regalo para sa mga inaanak, kaibigan, boyfriend, nanay at tatay ng boyfriend, kapatid, asawa ng kapatid, anak ng kapatid at ng kung sino sino pang nagpaparamdam ata tuwing malapit na ang 25 ng December. hay, mas mahaba pa ata ang listahan ng pagkakagastusan kaysa sa listahan ng utang. minsan lang daw sumapit ang pasko, kaya ang mga Pilipino, kahit madalas dumaing na walang pera, magugulat ka na lang dahil marami ang nakikipag siksikan sa mall para umabot sa christmas rush. shopping dito. bili doon. bibingka dito, christmas tree dun. at bukod sa mga beer haus na halos isang taon atang pasko, naglipana rin sa kalsada ang mga iba't-ibang dekorasyon na pati ata parol sponsor ng isang produkto ng shampoo.
kung san san ka na rin makakarinig ng christmas carole at mga awiting iba't-ibang version na ata pero mula pa ng hindi ako sinisilang eh ganun na ang lyrics. nilagyan lang ng konting tyempo at sikat na mang-aawit ang kumanta eh ayos na bago na sa pang dinig. excited na rin ang mga bata. ang pasko sa kanila ay nangangahulugang bagong damit at sapatos, malutong na bente pesos at fried chicken sa lamesa. habang ang mga matatanda ay namomoblema kung saan kamay ng Diyos nila kukunin ang ideyang ito.
sabi nila, mas masaya nga raw ang Pasko ng mga Pilipino kumpara sa ibang bansa. sa kanila daw ata kasi, tamang kainan lang, tamang tingin lang sa snow at tamang bukasan lang ng mga regalo. ayos na. christmas na. dito lang naman satin, nagtatagal ng January ang pasko. ewan ko nga ba. ang isang araw eh nangangahulugang isang taon na naman ng pagbabayad ng utang para sa mga nagastos sa isang gabi ng kainan.kelan kaya magiging simple sa mga PIlipino ang pagdiriwang ng pagkapanganak kay Hesus? Kelan kaya natin matatanggap na tama na ang simpleng Noche Buena pagkatapos ng taimtim na pagsisimba ng buong pamilya? kelan tau makukuntento na masaya na ang araw na ito kung magkakasama ang mga myembro ng pamilya? at kelan kaya tayo magpapasalamat na dumaan na naman ang isang taon sa buhay natin instead na humingi tayo ng panggastos para sa panghanda kapag tayo ay nagdadasal.
hay pasko na naman. isang araw na ayaw kong palipasin na nag-iisa ako. may kanya-kanyang lakad ang bawat isa samin tuwing darating ang araw na toh. at dahil ako na lang ang walang pamilya, kung saan saan mo ko makikitang nakiki pamasko. umabot na ko ng Baguio para makipag celebrate. hindi ko lang alam, kung saan ako aabutin ng pakikipag celebrate ngaung darating na 25th. dahil ang pasko ngaun samin, kelan man hindi na magiging kumpleto. wala na ang padre de pamilya. at im sure, iiyak ang nanay ko sa Noche Buena at ako magkukulong sa kwarto para hindi makita ang pagtulo ng mga luha nya.
No comments:
Post a Comment