hindi ko alam kung matatawa ako sa'yo. kung bibigyan kita ng isang malaking palakpak o ng standing ovation. bigyan ng parangal o medal na galing Recto. o kahit isang simpleng certificate na lang na pinirint sa isang lukot na cocon ban.
KALABASA AWARD.
sinusubukan ko ulet umentra sa buhay nya. hindi bilang panggulo lamang, kundi kahit isang extra lang. hindi bilang kaibigan, kundi kahit bilang isang simpleng chatter. ganun lang sana kasimple. dahil ganun lang naman dapat simula pa lang.
un ang alam kong tamang gawin para mabawasan kahit kaunti ang mga sama ng loob ng bawat-isa. simulan ulet sa isang matiwasay na pag-uusap o sa isang simple at maingat na hakbang. hindi ko alam, mali pala ako. isang napakalaking katangahan nga eh. dahil pinipilit kong maging maayos ang lahat kahit ramdam kong hindi na para sa kanya. katangahan ang ipagpilitan ang sarili db. pero ginawa ko pa rin. kahit madalas parang suicide na ung nangyayari.
katangahan ang saktan ang sarili. katangahan ang tumakbo pa sa isang nasusunog na bahay ng walang proteksyon. katangahan ang magkaron pa ng pag-asang hindi matutupok ang lahat kahit na alam mong nilalamon na ng apoy ang lahat. ramdam mo ang hapdi at bawat paso, pero sige ka pa rin dahil gusto mong may iligtas kahit konti. kahit ano.
oo sobrang tanga na ako. sobrang bobo para hindi ko makita ang plakard na pilit nyang isinasampal sakin. plakard na katulad ng isang malaking billboard na nagsusumigaw “LUBAYAN MO NA KO!” hindi ako bulag, hindi rin manhid. ramdam ko. nakikita ko. sobrang kulet lang siguro ng mga daliri ko para magtype pa ng kung ano-ano para sa kanya.
o dahil gusto ko lang pangatawanan ung pangakong binitiwan ko na andito lang ako para sa kanya.
ayaw ko ng magsalita pa. pagod na rin ako.
pasensya na. sorry na. ngayon alam ko na.
nagsawa ka na. wala ka ng pakialam pa.
gets ko na.
lulubayan na kita
No comments:
Post a Comment