Wednesday, September 22, 2010

imissyou

hindi ka online. isang dahilan para lalo akong mabore. excited pa naman akong pumasok ng monday, dahil akala ko makakakwentuhan kita. makakausap kahit saglit, kahit alam kong tungkol sa kanya lang naman ang mapag-uusapan natin dahil gusto kong mangamusta. more or less, alam ko na ang dahilan kung bakit ka wala ngaun. kailangan ka nya. kailangan ka nila. iniisip ko tuloy kung anong nararamdaman mo ngaun. siguro sobrang saya mo na, nasilayan mo na sya. nakangiti at nagsisisi sa nagawa mong kasalanan habang hawak-hawak mo ang munti mong prinsepe.

bakit ganun noh?!...ikaw habang masaya dyan...sa kabilang parte ng mundo...heto ako, bored. isang puntos nalang para maging malungkot. naaalala kita, nung mga panahong sumulpot ka. di'ba bored din ako nun, pero dumating ka at pinasaya mo ang bawat oras ko. binigyan mo ko ng isang magandang rason para gumising sa umaga ng excited dahil alam kong marami na naman akong matututunan sayo.

hindi ikaw ang namimiss ko. namimiss ko lang ung dating tayo. ung dating ikaw. hindi ung "tayo" ang namimiss ko, kundi kung paano naging tayo. kung pano mo binigyang buhay ang bawat oras na tahimik ang isip ko. namimiss ko ung mga times na magkasama tayo, kung pano mo nilalambing ang nabibwisit kong isip dahil sa kakakulit mo. i guess, nasanay lang siguro ako sa ilang buwang kulitan, asaran at lambingan.

ang hirap pala na bumalik sa dati. ung dating tahimik. ung dating ako. o hindi lang siguro ako nakapag ready dahil nangyari ang lahat ng biglaan. kung may isa lang akong dapat pagsisisihan at kung bibigyan ako ng karapatang magsisi sa mga nagawa ko, siguro un ung nagtake ako ng risk na isugal ang pagkakaibigang meron tau. hindi lang ikaw ang naging selfish. i was being selfish too. minsan iniisip ko, tanggapin ko nalang lahat pati ung sakit, bumalik lang tau sa dati. gusto kong sabihin sau, can we forget anything we had and just bring back the old friendship? kung ganun lang kasimple...sana pede nga. pero alam ko, either way...me or you...masasaktan sa ganito. oftentimes, hindi ko na talaga alam eh. half of myself aching and searching for you. the other half wants to forget everything about you. gusto kong maging happy ka sa nangyayari sau. gusto kong sabihing i wish all the best for your family. gusto kong wag maging selfish. gusto kong iwish na sana maging okay na kayo. gusto kong lumayo at hayaan ka. gustong-gusto ko. pero...how?

wag masyadong lumaki ang ulo mo, dahil may nakakamiss sau na tulad ko. you're not even worth it. hindi bagay sau. hahaha

in times like this, imissyou.

No comments:

Post a Comment