i raise as pure Catholic. We are actually a Catholic Family. I usually attend mass but not always but my knowledge in Roman Catholic is firm; grew up with fear in God, like - "oi, bad yan. Magagalit sa'yo ang Diyos." . and completed my baptismal, comfirmation, first communion; I have attended numerous festivals and fiestas, weddings and Christenings; I honor Christmas and Holy weeks.
But I am not like others who are vocally open in terms of their faith. Not like others who speaks, writes, posts and memorizes Bible verses. I am not like others who always attend Sunday mass. Not like others who are active in Church works and initiatives. Not like those who always relate any actions and seek guidance in decision making to God. I dont read Bible. If you consider that as not so pure Catholic then its fine. I wont argue with you about that.
Though I did not consider myself as that religious enough in terms of showing my faith, I always pray and confesses my sin directly to God. Of course, usual Thank Yous and forgive-mes always at night in my bed. I am not perfect. I do question God's purpose too. Doubted him, but still my faith keeps my hope to be strong.
I'd say my relationship to God has foundation but not firm. I believe in Him and that was it. period. It is so just now that I came to my nerve to actually analyze my relationship in Him. Well, actually a book i am reading serves as a light that shines through my half-sleep soul. BOY MEETS GIRL helps me to quickly analyze what is lacking. The book thought me a lot about how to accept God's will, whatever it is. It introduces me to Christian life that i find so interesting.
Last Sunday, I have attended Christian praising and worship. thru a friend. And i enjoyed the way they preached. Light, unscripted, humorous, fun but filled with interesting facts that could actually feed my soul and serve as awakening to start nourishing it.
I dont know where this will lead to. I hope I still have the urge and effort to continue focusing my spiritual aspect. Im still a Catholic and don't have any plans for any conversion. Coz i still believe, religion isn't necessary to meet God. It is, merely about your faith, your works and how well you treat others.
Saturday, September 10, 2011
Saturday, August 6, 2011
Irereklamo kita
i just got home from the seminar. seminar para sa mga bibinyagan para bukas. ye right, madadagdagan na naman ang inaanak ko. kasama ko si ate (step-sister ko at ina ng bibinyagan) at isang ninong na magiging kumpare ko.
ang seminar ay turn out to be storytelling. parang isang mahabang kwento lang mula kay Eba at Adan hanggang kay Moises. Not so much of the info naman, alam ko na kasi un kahit nung Grade I pa ko. Hindi ko nga ma-gets kung bakit may mga ganung seminar pa. i mean, no offense meant with the process. sana lang mas substantial ung topic. ung tipong makukunsyensya ka and make you realize something. ung tipong bibigyan ka talaga ng magandang rason kung bakit swerte mo at naging ninang o ninong ka.
natapos ang storytelling…este seminar pala. oras na ng pagbabayad. isa-isa pinapila sa harap ng cashier. by numbering ang tawag. pang pito kami. mataray ung babaeng nasa loob ng cashier window. ung tipong iniintimidate ang mga kawawang nanay na magbabayad ng 400. mataas ang boses kung mag-utos na pirmahan ung mga dapat pirmahan. nung tinawag kami….
“sino umattend ng seminar?”
“ako ho” sagot ng ate ko.
“pumirma ka dyan”
to the rescue na ko bago pa helpless na tumingala si ate. okay fine. hindi sya marunong magsulat. hindi rin marunong magbasa. so malamang, hindi sya marunong pumirma. inabot nya sakin ang ballpen at sinimulan kong sulatan ang form…
“sino ba ang nanay?”
“sya po”
“eh bakit ikaw ang pumipirma?”
“hindi ho sya marunong pumirma eh” pabulong na sagot ko dahil halos lahat na ng tao dun, nakatingin na samin.
“eh bakit hindi marunong pumirma?” anak naman ng pating, kailangan ko pa bang isigaw na no read no write ang ate ko? kaya nga ako andito diba, para ako ang pumirma. dapat ba talaga sya?
sa pagkakataong un, naawa ako sa ate ko. gusto ko magpa super hero na duru-duruin ang babae sa likod ng bakal na bintana na kailanman wala syang karapatan para mamahiya ng taong walang alam. hindi nya kailangang pagsigawan at ipahiya sa isang tao ang kakulangan nya ng kaalamanan. hindi bawal magpabinyag ang isang nanay na hindi marunong pumirma para sa isang resibong magwewelcome sa anak nya bilang isang tunay na anak ng Diyos. at higit sa lahat ang tulad nyang nagttrabaho sa simbahan ay kailangang umasta ng naaayon sa ugali ng isang mapagkumbabang Kristyano.
pagkatapos iabot ang isang piraso ng papel sa halagang 400 at isang paalala na kailangan dumating ng 10:30 am, tinanong ko ang kanyang pangalan. gulat syang sumagot. kasabay ng sagot kong salamat, isang banta ang tumanim sa isip ko. bukas, irereklamo kita.

Friday, May 20, 2011
VISION Team

currently, eto ang team namin ngayon. pero 3 dyan, nakatakda ng mawala this june. oo, sila ang dahilan kung bakit emo ako ngayon. sila ang dahilan kung bakit tumutulo ang luha ko habang naglalaro ng zuma. sila rin ang dahilan kung bakit parang gusto kong tumagay habang gumagawa ng isang blog.
halos 2 taon na mula ng dumating ako sa Vision. natatandaan ko pa, sa muling pagtapak sa ACN, ni hindi pa ko nakakahawak ng keyboard sa bench (temporary project ng mga walang project), pinapunta na agad ako sa 23rd floor. akala ko, may sasalubong na banda para sakin. hiya at takot. pinagsamang feeling ang sumalubong sakin nung ipinapakilala ako sa team. iba't-ibang personality, iba-ibang way ng pagtanggap. nakaka-intimidate. nakakatakot. buti nalang nauna na sakin ung dalawa kong ka-batch kaya less effort to make friends.
lumipas ang araw at buwan, unti-unti natutunan kong makisalamuha at makipag biruan. hindi naman pala ganun kahirap maki-jive sa kanila dahil madalas, katulad ko din silang baliw sa pakikipag lokohan. oo, isang malaking factor kung bakit gusto ko pa ring pumasok kahit walang task at puro Vision Manual reading lang ang pedeng gawin, ay ung alam mong hindi ka mapapanisan ng laway sa buong maghapon mapa english hour/day o simpleng araw ng pakikipag titigan sa monitor.
ang Vision, parang isang malaking pamilya. mayamang pamilya dahil hindi pedeng mawalan ng pagkain ang hapag kainan. ganun kami katakaw. ganun namin ka love ang eat all you can. bawal ang pikon, kung ayaw mong magstay sa quiet room para lang magexplain na talent mo na ang pang-aasar. iba't-ibang personalidad, kanya-kanyang ugali at pamamaraan. halo-halong talent, at pinagsama-samang sipag at talino pero in the end, nagkakaintindihan despite sa madalas na pakikipag lokohan at asaran. sa buong araw, asahan mo ng iiyak ka sa kakatawa, mamumula sa tuksuhan at mandidiri sa mga biruan. normal na un.
pero despite of those childish acts, we are mature enough and capable of handling our stressful tracks and metrics. kahit madalas puro tawanan lang ang nagaganap, seryoso pa rin naming tinututukan ang bawat abend, error at investigations. at kahit na marami ng original cast ang nawala, pinipilit pa rin naming mag-enjoy at magtrabaho bilang isang team.
nakakalungkot isiping may mawawala. may maiiwan at may aalis. kahit namang sabihing, the friendship is still there, iba pa rin sa pakiramdam ung alam mong andyan sila at nakikipaghalakhakan kasama mo. kahit naman may Vision Group sa FB, alam mong iba pa rin ung nakaka relate sila sa bawat kalokohang mabubuo sa 3 malalaking cube o isang chatroom.
pero ganun talaga ang buhay e. hindi mo hawak ang future ng bawat isa. ang pede mo na lang gawin ay ung kumain kapag nagpakain sila at maging masaya ka para sa kanila kahit na alam mong malulungkot ka kapag nawala sila.
Saturday, April 30, 2011
blogosperyo
hindi ko pinangarap na maging sikat ang tumblr at blogspot ko. at hindi rin naman batayan ng pagiging sikat ang pagkakaron ng napakadaming followers na hindi mo naman alam kung binabasa nila ang bawat post mo at naiintindihan ka sa bawat hinaing mo.hindi isang popularity contest ang blogspot at social networks. mas itinuturing kong isang pribadong bahagi ng buhay ko ang mga online diaries katulad nito at mas kinokonsiderang isang malaking silbi na may mabalikan ako kung sakaling dumating ang time na magkaron ako ng amnesia o insert anything here . dito ko rin mas naipapakilala kung ano ako at kung anong tunay kong nararamdaman ng walang halong pagkahiya, mailabas ko ang opinyon ko at magbigay ng komento mula sa malawak na pagmamasid sa bawat pangyayari sa buhay ko.
oo, masarap magkaron ng fans, maraming tagasubaybay sa bawat pagsulat mo, tadtarin ka ng mga papuri, comment o mga tanong. pero pasensya na, hindi ito ang pangunahing layunin ko upang sumali sa mundo ng blogosperyo.dahil kung un lamang ang gusto ko, sana kinarir ko na ang pagiging pulitiko.
sa ngaun, alam ko isa o dalawa lamang ang sumusubaybay sa mga hinanakit ko sa buhay, pero mas natutuwa ako dun. dahil alam kong mas nakikilala nila ang bawat saloobin ko. mas nagkakaron ako ng koneksyon sa mga taong ito. at mas nararamdaman kong naappreciate nila ang bawat hinaing ko. hindi ko kailangan ng maraming followers kung isa lamang palamuti sa webpage nila ang URL ko. hindi ko kailangan ng komento kung sasabihin lang naman nilang "please add me up" at mas hindi ko kailangan ng mga tanong na parang Q and A portion lang lalo na kung tungkol lamang sa pag-ibig. utang na loob, marami din akong tanong about dyan.
masyadong malalim ang pananaw ko sa pagkakaron ng pagkakataong magsulat sa libreng blogspot. masyadong pinahahalagahan ko ang nararamdaman ko hindi upang ipagsigawan sa karamihan na ganito ako ka-tanga at ka-emo. sagrado ang blogosphere para sakin. opinyon ko ito, nararamdaman ko 'toh.
mundo ko ito. eto ako.
at hindi ko pinagpipilitan sau kung ayaw mo.

Saturday, April 23, 2011
Monday, April 4, 2011
CyberLove
sa mundo ng chatroom, kadalasan hindi mo alam kung sino ang pede mong pagkatiwalaan. minsan kapag gusto mo ng kausap para lang maalis ang boredom bunga ng pagkaka stuck mo ng dalawang araw sa kwarto mo kasi weekend at wala kang pera para gumala, nakakatagpo ka ng pedeng kakwentuhan na minsan hindi mo alam bibliography na pala ng pagkatao mo ang nakwe-kwento mo.
pagkatapos ng ilang oras na pagdadaldalan at pagpapa cute sa isa’t-isa, magsisimula kang magtiwala. siguro kasi nadala ka sa pambobola nya o kung gano ka-seducing ang boses nya. pagkatapos kang patawanin, normal nalang na ibigay mo ang cp number at fb add mo sa kanya. ganun talaga eh…nagtiwala ka na.
darating sa point na mahuhulog ka sa kanya dahil sa sobrang sweetness at pagke-care nya sayo. pinaparamdam nya kasing importante ka. ung tipong binibigyan ng special attention dahil ginagawan ka ng uni according to your name and his name. kilig to the bones db lalo na pag hinaharana ka sa vc at ipinagtatanggol sa mga mae-epal na chatter. liligawan ka nya at pipiliting mapa-oo. at dahil sobrang tiwala ka at sobrang kilig ang nararamdaman mo, hindi mo na iisiping pinagti-tripan ka lang nya. nadala ka sa convincing nyang mga salita at emo na pangungubinsing seryoso at hindi sya katulad ng iba. oo, dumating sa point na umoo ka.
ilang araw…linggo…naging masaya ka. kasama mo syang mamasyal sa mundo ng chatroom. naglalambingan, nagbobolahan, magkausap halos minu-minuto. pero buwan? dun mo siguro matetest na hindi lang hanggang dun ang gusto mo sa isang relationship. hindi lang cyberlove ang dapat kahantungan ng sitwasyong pinaglulutangan mo. nagsimula kang magdemand. nagsimula syang umiwas. nagsimula kang magtanong.nagsimula syang maglaho.
hanggang dun lang.
ikaw…naiwang umiiyak. baket? kasi nagtiwala ka.kasi na-fall ka na. umiwas ka sa chatroom dahil basag ang puso mo. pinunit ng taong pinaniwalaan mo. pero sya…naglalakbay pa rin sa mundo ni mang yahoo.nagpalit ng ID at nagsimula na namang maghanap ng bagong biktima.
ganun talaga. ganun lang talaga ang chatworld.
Ang mga taong betirano na sa pakikipag chat, hindi big deal sa kanila na makilala ka. hindi ka isang malaking breakthrough na pedeng magpabago ng buhay nya. ganun talaga. kaya nilang magpanggap na napaka interesting mo sa mata nila. kaya nilang baligtarin ang totoong nasa puso at isip nila. isa ka lang sa hundreds na taong pede nilang iigy. pede din namang pamparami ka lang sa YM frend’s list at FB frends. ganun lang talaga. hindi ka special, kaya wag kang mag assume.
ganun lang.

Saturday, March 5, 2011
Re-Yun-Yon
nung una kong marinig na magkakaroon daw ng high school grand alumni reunion, isa lang ang sagot ko...ah okay. ganun lang, simple lang. sa dinami-dami naman kasi talaga ng plano na magkaroon ng isang homecoming, sanay na kong madalas makarinig ng mga "uyy, may reunion daw". pero hanggang dun lang. nakumbinsi ko lang ang sarili kong totoo ang lahat ng magsimulang bumaha ng announcement ang FB ko. parang lahat excited. parang lahat gustong makisama, maki-involved, maki-balita at maki-epal.
pero para san nga ba talaga ang reunion? kadalasan, nagdadalawang-isip pang pumunta ang iba. losyang na daw kasi. mataba o payat. walang maipagmamalaki. hindi nakatapos. walang pera. tinatamad o ayaw makita ung kinakaasaran nya mula pa first year. sa kabila ng napakaraming suporta na nakikita ko sa FB, alam kong marami ang naaalangan pang dumalo.
hindi ba masarap sa pakiramdam ung makita mo ulet ung crush mo? o ung naging barkada mo at kopyahan mo tuwing may test? hindi ba't magandang alalahanin ung pagtambay nyo para magkwentuhan at magtsimisan habang kumakain ng banana que at palamig? ung pagka-cutting classes nyo dahil walang assignment. may sasarap pa ba sa pagku-kwentuhan nyo tungkol sa pag donate ng pangbasketball na bola para lang makapasa? o kaya ung panonood ng stage play kung saan halos mawalan na kayo ng boses sa kakatili at kakasigaw tuwing lalabas si Florante at pagkatapos maggagala sa mall? naaalala mo pa ba kung pano ka naiyak, pinaiyak at pinakaba kapag may graded recitation? at kung paano ka hindi pinapapasok kapag wala kang project? o ung pagdalhin ka ng floorwax at basahan para mapakintab mo ang sahig pagkatapos pagsusuotin ka ng shoe rug?
marami kang rason para pumunta. hindi lang pagyayabang sa kung anong natapos mo o kung anong titulo ang nakakabit sa pangalan mo ngayon, hindi lang dahil sosyal ka na o dahil may laptop at iphone ka na. O kaya'y may bestfriend ka na pulitiko o may tsikot na. hindi mahalaga kung anong course ang natapos mo at iskul na pinaggradweytan mo o opisinang pinapasukan mo ngayon. kungdi kung paano mo nahubog ang personalidad mo bilang isang tao at kung paano ka nagsumikap para marating mo ang kung anong meron ka sa ngayon. nanay ka man o tatay o single pa, trabahador o manager, engineer o tindero, yumayaman o naghihirap, sa huli iisa lang din naman ang magiging tingin sa'yo...
kung pano ka nagpahalaga at lumingon sa pinanggalingan mo.
reunion? tara na? kita kits tayo!.

Subscribe to:
Comments (Atom)