"Tara na Hon...male-late na tayo."
"Sandali lang Hon. Ung singsing ko, hinahanap ko pa."
"Aling singsing? ung manipis?!"
"Oo e...tinanggal ko kanina nung naligo ako....
teka..eto pala. tara na"
Sa kotse.
"Hon, bakit ba hindi mo maiwan iwan yang singsing mo na yan?" may bahid ng pagtataka ang mga muka nya nung tinanong nya ko. Hindi ko pinahalatang napa-isip din ako. Kinailangan ko pang magpanggap na busy sa pagddrive. Ako man, hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ko matanggal tanggal ang simpleng singsing na to. It's been years or so na ata itong at home sa mga daliri ko. Palihim kong sinulyapan ang kanang kamay ko. It was there taken cared for almost 6 years, habang nasa kaliwa naman ang wedding ring.
I smiled at her hold her hands sabay sabing:
"Ayan na naman tayo. Napaliwanag ko na yan dba?"
"Oo na. sentimental ka kasing tao" at dinugtungan nya iyon ng matamis na ngiti.
Habang nasa byahe, masaya naming pinag-usapan ang wedding na pupuntahan. The bride and the groom are my friends and former officemates. kinuwentuhan ko sya kung pano kami nagkakilala at nagkalapit. Kung pano tumakbo ang 7 taong pagkakaibigan na kahit hindi masyadong intact ang communication, andun pa rin naman ang friendship. At kung pano naging sila ng dahil sakin.
"samin". ahhh, ikakasal na sila. Parang kelan lang ng parang batang naglalaro lamang ang dalawang un. Ni wala nga sa hinagap na magtatagal sila. Buti pa sila. Sabagay, nauna pa nga pala ako sa kanila. Hindi lamang sa babaeng akala nilang makaka tuluyan ko. Ahhhh Those were days. Darating kaya sya? Ano na kaya ang itsura nya? Galit pa kaya sya sakin? and i was stuck reminiscing the past. Isang masaya, mapait, masakit at nakaka guilty na nakaraan.
I hope she's already okay. Sana masaya sya. Ilang taon na nga ba?...hayssssssss "Hon, malapit na ba?" isang tanong ang nakapagpabalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Nakaka guilty. Eto ako ngayon katabi ang asawa at anak ko. Pero nakaraan ang iniisip ko. Wala akong pinagsisihan sa desisyon ko. Im happy with what i have now. Masaya at simpleng namumuhay malayo sa kabihasnan with my own family. Pero may mga oras na naiisip ko, pano kung hindi ito ang pinili kong buhay. Pano kung naging faithful ako sa kanya? Pano kung hindi ako sumuko at pumili ng iba? Nakaka baliw na tanong. Mga tanong na hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot at alam kong hindi na rin masasagot kahit kelan.
"Andito na pala tayo. magready ka na."
puno ng kaba ang dibdib ko. Hindi dahil excited akong makita ang kaibigan kong ikakasal kundi dahil sa kung anong maaaring mangyari kapag nakita ko
sya dito.
Pumasok ako sa venue na akay ang aking anak at kaakbay ang aking asawa. Lumingon lingon habang papunta sa table na naka reserve para samin hoping to see a familiar face. Hindi pa nagsstart. Medyo late na ata. O hindi lang talaga ako mapalagay. Pinilit kong maging normal habang nakikipag harutan sa aking anak.
wala pa sya. darating ba sya? Tumugtog na ang wedding song. I saw my friend infront of the altar waiting for his bride. Kinawayan nya ko, at gumanti naman ako ng tango. Nagsimulang lumakad sa aisle ang bride, at nagbato ng isang ngiti sa aming direksyon ng mapadaan sa aming harapan.
Si Carry talaga, di pa rin nagbabago. "Is this seat taken?"
Familiar voice. Dahan-dahan akong lumingon habang hindi ko alam kung sasabog ba ang dibdib ko sa sobrang kaba. Tango ang naisagot ko sa pagkagulat.
Is that you?"Dito daw kasi ako as per seat assignment?" Nakangiti nyang paliwanag.
"ah sure" un lang ang nasabi ko. Tiningnan ko ang asawa ko. Hinanap sa kanyang mukha ang kahit anong reaksyong pede kong makuha.
"Hi Em!, you look the same"
EM?! what? you called me Em? and you look so different. a lot more different 5 years ago. "haha, ayaw mo nun, di ako tumatanda. how are you, may kasama ka ba?!"
"wala eh, ako lang." ang tamis ng ngiti nyang hindi pa rin nagbabago.
Ang bilis ng pintig ng puso ko. hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. biglang tumigil ang oras. pakiramdam ko, lahat ng camera sa'kin naka focus. Dumako ang tingin nya sa asawa at anak ko. Parang automatic sign na ipakilala ko sila.
"Si Mars...at si Pam"
nakangiti syang naghi. "Hi, Hi Pam"
Hindi ako mapakali. alam kong katabi ko lang sya. at habang seryoso syang nanonood ng seremonyas ng kasal, bumaha ng mga tanong ang utak ko. tanong na gustong gusto kong sabihin sa kanya. palihim ko syang pinagmasdan. Ang laki na ng kanyang pinagbago. Naka braces na sya. Payat pa rin pero may korte ang katawan. red ang nailpolish. may singsing.
ang singsing.
SUOT PA NYA!. hindi ako maaring magkamali. iyon un. tiningnan ko ang kanang daliri ko at madaling sinulyapan ang kanan nyang kamay. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko. Gusto kong umiyak.
sa pagkakataong yon, napansin kong nakatingin ang aking asawa. May bahid na pagtatanong ang kanyang mga mata. Nakakunot ang mga noo. Pero nanatiling tahimik.
Natapos ang kasal ng hindi ko namamalayan. at habang pumapalakpak ang mga bisita, isang bulong ang binitawan ng aking asawa.
"You lied about the ring"