Saturday, April 28, 2012
Hindi Ba Pedeng Maging Simple Na Lang Ang Buhay
ung tipong, di mo kailangan ng kuryente dahil di mo naman kailangang magpuyat, dahil wala namang dapat pagpuyatan kasi walang kompyuter o cellphone o TV na pedeng pagkaabalahan.
.
.
ung tipong di mo kailangang bumili ng pamporma dahil wala ka namang pupuntahang mall o attendan ng magarang okasyon. Hindi mo kailangang ng Bench, Converse, Gucci o Guess dahil buntal at kamisa de chino lang naman ang kailangan mo sa pagtatanim.ung tipong hindi mo nanaiisin at pag-iipunan ang pambili ng latest gadget dahil wala ka namang kaiinggitang kaibigan o kapit-bahay. Hindi mo rin papangaraping magpakabit ng internet o wifi o cable kasi hindi mo rin namang gugustuhing bumili ng android phones dahil hindi naman uso ang Facebook at Twitter.
.
.
hindi mo din papangaraping makapaglaro ng Temple Run dahil mas masaya kang tumatakbo sa bukid na mas presko ang hangin. Wala din ang ideyang ano ang Plants vs. Zombies dahil mga insekto lang naman ang alam mong peste na pedeng ikasira ng inyong bukid. Hindi mo din alam na sa Farmville, pede mong pagtabihin ang palay sa strawberry. Samahan mo pa ng raspberry at talong. Hindi uso ang dota o warcraft dahil gagamba at salagubang lang, kuntento ka na. Wala din ang angry birds dahil tinuruan ka ng tatay mo na kelan man hindi ginagawang bala ng tirador ang mga ibon at higit sa lahat kahit kelan hindi magiging green ang isang baboy. Tahimik din ang alaga mong si simsimi na ang alam lang gawin ay matulog at kumain. Malayong-malayo sa nauuso ngayong sisiw na walang tuka na sing-taray ni Vice Ganda.
.
.
Hindi sa wala kang pangarap na umunlad. Meron din naman. pero ung tama lang. ung sakto lang.Ung mamuhay ka lang ng tahimik at masaya.
.
.
Ung simple lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment