Saturday, April 28, 2012

Kudos to Batch 2012

Graduation na naman pala. Batch 2012. 13 years ago nung grumadweyt ako sa High School. Pero ganun pa rin ang height ko... Napaka swerte ng ggradweyt ngayong taon na 'to. For sure, its a relief for their parents. Hindi lang sa ideyang nakatapos na ng High School ang kanilang anak kungdi sa tema ng nakaligtas na sila para sa dagdag na 2 taon sa Highschool. O'db relief un?!. Ano nga ba ang opinyon ko tungkol dun?!. simple lang. walang kwenta kung hindi babaguhin ang kasalukuyang sistema ng edukasyon tungkol sa kakulangan ng klasrum, libro at guro. i mean, whats the point kung ang 2 taon mo eh 2 taong pagtitiis na naman sa mga luma at hiramang libro. 2 taong pagkla-klasrum sa corridor. 2 taong mainit at siksikang silid-aralan. kung ang mga ganitong pangunahing problema ng edukasyon sa pagtuturo eh hindi masusulusyunan, ano pang silbi ng 2 pang taon? tsk. buti nalang tapos na ko. kaya nga parang trophy na pede mong isampal kahit kanino kung makakatapos ka ng High School. Mahirap mag-aral. Lalo na kapag kapos at salat ka sa mga pangangailangan ng isang estudyante. Makaligtas ka man sa araw-araw na baon, pproblemahin mo naman ang palagiang project, pambili at pang ambag ng floorwax, pag-ihi oras oras, at favoritism ng mga titser. Dagdagan mo pa ng first love, at ma-pulitikang klasmeyt mo. Bitter ako, oo. Epic fail kasi ung hindi ako naka-akyat ng stage nung Graduation namin. Sayang, dagdag ganda points pa naman un sa long time crush ko. May mga bulung-bulungang umiral ang maduming pulitika nuong nagkaka-ungusan na para mapabilang sa Top 10. Tsk. Ayaw kong isiping totoo un. Mahirap kaya mag-exam na sampu lang kayo at sa corridor pa. Akala nyo, prestige un?!, hindi noh. Sakit sa bangs nun kasi, Wala kang pedeng kopyahan. Sa kabila nun, marami pa rin namang dapat ikasiya sa High School life. Un nalang muna ang isipin natin. I guess High School life is one of the best thing that ever happen to everyone. Dito nakita at nakilala ang mga tunay mong kaibigan. Dito ka unang na-inlove, na broken hearted. Dito mo nakilala ang sarili mo at kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo. At higit sa lahat dito nangyari ang pinaka embarassing moment mo. Ako?!, never kong makakalimutan ung naging peyborit ako ng titser ko. Favorite na pagalitan. Si Mia?! na super hindi mo mararamdaman ang presence sa clasroom ay naging hot item sa mata ng naglilihing titser. Badtrip talaga ung moment na un. Kahit wala akong ginagawa, sakin pa rin ang sisi. Now i wonder, kamuka ko kaya ang anak nun?! Swerte naman nya. Kudos to Batch 2012. 'Wag munang mag-aasawa.

No comments:

Post a Comment