Sunday, December 20, 2009
FORGIVE
"Christmas naman, magbati na kau.."
we oftentimes hear these words when Christmas seasons begins. hindi ko masyadong ma-gets kung bakit gingawang dahilan para magpatawad ang ika-25 ng Disyembre. nagkakaron tuloy ng lakas ng loob humingi ang iba ng "sorry" (SORRY lang na parang walang nangyari) kapag ganitong malapit na ang Pasko. ewan ko ba kung bakit. bakit ba nila ginagawang dahilan na dapat mong magpatawad dahil lang sa okasyong ito? hindi ba pedeng magpatawad sa Bagong Taon, Valentines, Independence Day, sa araw ng Linggo o maging sa Friday the13th?...Hindi ko lang kasi kayang isaksak sa utak at puso ko na ang pagpapatawad ay isang gawaing mabilisan, at dinadaan sa tyempo ng Holiday. hindi din ako naniniwala na to forgive is to forget. san naman nakuha un? nakakalimutan mo ba ang isang bagay na nakapagpasakit ng damdamin mo? nakakalimutan mo ba ang isang taong dahilan para masira ang buhay mo? ang isang pangyayaring naging dahilan ng pagka lugmok mo? hindi diba?
para sakin, ang pagpapatawad ay isang mahabang proseso na parang nagaapply ka ng visa sa ibang bansa. it took years, it take several prayers and time to heal. hindi basta basta nakakalimutan at natatanggap. to forgive, you must accept it and move on. kapag ang sugat ay naghilom, tsaka mo lang matututunan ang magpatawad. and it takes a hell of a TIME. wag mong pilitin ang sariling mong magpatawad kung gusto mo lang. kaplastikan ang sabihing "i forgive you..." kung nasasaktan ka pa rin. hindi makatotohanang tanggapin ang lahat kung may galit ka pa ring nananaig sa iyong puso.
oo tama ang sabihing hindi maganda ang magtanim ng galit sa isang tao. at mabigat sa pakiramdam ang may kagalit na kapwa. pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong maging okay kung sa kabila ng lahat halos maghumiyaw ang puso mo sa sakit. naniniwala akong panahon at oras ang makakapagbigay satin ng complete peace. time ang mabisang rekado para magpatawad. when wounds are healed, when heart is ready and when you are finally move on with your life.
Tuesday, December 15, 2009
Juliet to Romeo
ikaw. oo ikaw nga. ikaw na feeling gwapo at umaasang hahabulin ko. makinig ka...(aiii magbasa pala..) hindi tulad mo ang dapat kong pag-aksayahan ng panahon. pero sige, since na gusto mong sumikat at ma mention na naman sa blogspot ko na wala namang bumabasa, paglalaanan kita ng panahon kong puno ng kaboringan.
oo mahal kita. minahal kita. pero hindi sapat ang salitang mahal para magtanga tangahan at magbulagbulagan at magbingi bingihan at kung ano ano pang kagagahan para hindi ko makitang sayang lang ang pagmamahal na inukol ko sau.bukas ang mata ko, 20/20 vision pa nga kahit madalas akong magchat, para makita na hindi dapat ako maniwala pa sayo. akala mo lang martir ako...pero hinde...hindi at mas lalong hindeeeeeeeeee...
sino ka nga ba?...isang tao na biglang nagumepal na umentra sa buhay ko. isang taong pinagkatiwalaan ko. at isang taong minahal ko. asa ka naman na mamahalin pa kita sa kabila ng libo-libog este...libo?! mong kasinungalingan. utang na loob, minsan nga kausapin mo ang sarili mo at itanong mo kung sino ka ba? masyado ka bang nasaktan sa paghihirap ng sangkatauhan para magawa mo ring saktan ang iba.
katulad ko.
hindi ako galit sau.lalong hindi bitter. alin man sa dalawa ang obvious, bahala ka na. pero mas nag uumapaw ang paghanga ko sau. napabilib mo ko ng sobra. akala ko sa pelikula lang matatagpuan ang mga taong katulad mo. isa kang living legend at hindi totoong extinct ang lahi mo. pano mo nagawang paikutin ang babaeng walang muwang katulad ko sa palad mo at kaya mong pasayawin ng nobody nobody but you?...nakakabilib!
hindi ka naman gwapo.kaya wag na wag mong iisiping maraming mahuhumaling sau. pareho lang tayong may pimples. mataba ka at hindi macho...pero taglay mo ang tunay na pagiging simpatiko, kaya siguro over confident ka.
sige magpakasaya ka. at magpapakalungkot ako. darating din ang oras na magtatapos ang pagiging emo ko. at ako naman ang magpapakasaya. pero habang nagluluksa pa ko sa kadiliman na hinatid mo, pabayaan mo muna kong makulong sa mundong ito, nang sa ganun...matanggap ko sa sarili kong hindi na karapat-dapat pang umasa at isang malaking ka-shungahan ang mahalin ka pa.
Juliet
Thursday, December 10, 2009
Christmas Party
at dahil panahon na naman ng pagkakagastusan (term ko sa "pasko") uso na din ang kabilaang exchanged gift at christmas party. 'langya dito lang ako sa kumpanya namin pedeng makaranas ng 5 christmas party at 10 exchange gift. malas mo kung isang party at isang regalo lang ang matatanggap mo. pag ganun ang nagyari, magtanong ka na kung tao ka pa ba. bukod sa company christmas party, may project, team, sub-team at batchmates pang mga kasunod. bukod pa dyan ang mga nakakalanggam na eksenang exchange gift nyong mgdyowa (kung ka work mo ang dyowa mo). kaloka, para kang santa claus na nagpapamigay ng regalo tapos ang magiging kapalit ng pinageffort-an mong gift eh isang kilong Ariel detergent powder. wag kang magtawa...totoo yan!..something nakakaasar.
san ka ba nakakita ng kumpanyang pinipilit kang mag leave on this season. kung wala ka ng leave balance, pauutangin ka pa, ma spend mo lang ang oras mo with your family. naks! (according to them). hindi mo alam kung concern ba sila o gusto lang maka tipid sa kuryente.
san ka ba nakakita ng kumpanyang aarkilahin ang buong gabi ng EK (alam nyo na un db?) para lang sa christmas party. kaya nga parang ang tahimik ng mga tao ngaun dito, pine prepare na ata ng boses para sa maghapong pagsisigaw bukas.
san ka nakakita na bibihisan ng royal queen or fairy god mother ang pinaka mataas na director ng kumpanya para makasunod lang sa theme ng party at para lang magbigay ng speech at company status and updates at kung anu-anong kachurvahan pa. mantakin mo pang dinaan pa sa online voting yan ha. astig db?!
dinaan din sa online voting ang mga posibleng host at band guests. kung dati na parang perya ang christmas party, ngaun naman, totoong sa theme park na. kung dati napagtyagaan na ang ilang kanta ng parokya ni edgar, ngaun naman, buong gabing rock rockan na!...at kung dating para ka lang nglalakad sa kawalan at mga tira-tirahang tiangge ang makikita mo, ngaun pede ka ng magsumigaw sa space shuttle habang nagbibigay ng speech ang managing director ng kumpanyang bumubuhay sau. hehe...
kung nakita mo na sa iba yan, pasensya na...dakilang jologs lang ako at ngaun lang ako nakakita ng ganyan...ngaun lang ako nagfeeling maging social climber. kaya astig na para sakin toh!
sa mga ka opisina kong busy mode magtrabaho ngaun, para sa inyo toh!...bawi tau bukas...dun nyo ilabas ang sama ng loob nyo sa mga lead nyo!!! wahaha..
Sunday, December 6, 2009
Karoling na...
kung san san ka na rin makakarinig ng christmas carole at mga awiting iba't-ibang version na ata pero mula pa ng hindi ako sinisilang eh ganun na ang lyrics. nilagyan lang ng konting tyempo at sikat na mang-aawit ang kumanta eh ayos na bago na sa pang dinig. excited na rin ang mga bata. ang pasko sa kanila ay nangangahulugang bagong damit at sapatos, malutong na bente pesos at fried chicken sa lamesa. habang ang mga matatanda ay namomoblema kung saan kamay ng Diyos nila kukunin ang ideyang ito.
sabi nila, mas masaya nga raw ang Pasko ng mga Pilipino kumpara sa ibang bansa. sa kanila daw ata kasi, tamang kainan lang, tamang tingin lang sa snow at tamang bukasan lang ng mga regalo. ayos na. christmas na. dito lang naman satin, nagtatagal ng January ang pasko. ewan ko nga ba. ang isang araw eh nangangahulugang isang taon na naman ng pagbabayad ng utang para sa mga nagastos sa isang gabi ng kainan.kelan kaya magiging simple sa mga PIlipino ang pagdiriwang ng pagkapanganak kay Hesus? Kelan kaya natin matatanggap na tama na ang simpleng Noche Buena pagkatapos ng taimtim na pagsisimba ng buong pamilya? kelan tau makukuntento na masaya na ang araw na ito kung magkakasama ang mga myembro ng pamilya? at kelan kaya tayo magpapasalamat na dumaan na naman ang isang taon sa buhay natin instead na humingi tayo ng panggastos para sa panghanda kapag tayo ay nagdadasal.
hay pasko na naman. isang araw na ayaw kong palipasin na nag-iisa ako. may kanya-kanyang lakad ang bawat isa samin tuwing darating ang araw na toh. at dahil ako na lang ang walang pamilya, kung saan saan mo ko makikitang nakiki pamasko. umabot na ko ng Baguio para makipag celebrate. hindi ko lang alam, kung saan ako aabutin ng pakikipag celebrate ngaung darating na 25th. dahil ang pasko ngaun samin, kelan man hindi na magiging kumpleto. wala na ang padre de pamilya. at im sure, iiyak ang nanay ko sa Noche Buena at ako magkukulong sa kwarto para hindi makita ang pagtulo ng mga luha nya.
Ikaw ba toh?
i always give a person benefit of the doubt. kumbaga sa isang judge, lahat biktima, lahat suspek. mabilis akong maging attached sa isang tao. mabilis akong maawa at matuwa. kahit sa una pa lang makilala basta magaan ang loob ko, i instantly trust a person. TRUST. sabi nila, mahirap daw makuha. pero para sakin, ang dali kong ibigay. un nga lang pag nasira na, kahit anong gawin mo, hindi mo na rin maibabalik sa dati. parang fish bowl na nabasag at sinubukang idikit ng mumurahing mighty bond na mabibili mo sa bangketa. kahit anong dikit, lulusot at lulusot din ang tubig.
un din siguro ang mali ko. kaya madalas, i ended up broken hearted. maski sa kaibigan. aba'y kundi ba naman ako tanga, pati ex ng bf ko kakaibiganin ko pa. ganun kasi ako. i dont treat others as my enemy kahit sabihin nilang ang martir ko daw. ilan na nga ba ang naging kaibigan ko na dating ex ng boyfriend ko? masaya ako sharing my life with them, and im happy coz they treat and accept me as their friend. ung iba nga nawweirdohan. wala akong paki basta all is fine with us.
pero sadyang may mga tao talagang, pagkatiwalaan mo na, ibigay mo na ang lahat, kaibiganin mo na, they are still not satisfied. i hate plastic people. ewan ko ba, kung sa tupperware ba sila pinaglihi. o baka nung pinagbubuntis sila, ngumangata ng plastik ung nanay nya habang kumukuya kuyakoy sa terrace ng 3rd floor nila. o db kung hindi ba naman adik. akala ko, ang isang tao, gaano man kasama, gaano man kaitim ang buto at gaano man katigas ang puso, pakitaan mo ng kabutihan, parang kandilang matutunaw. pero mali pala ako. hindi lahat ng tao handang magbago. hindi lahat ng tao, handang magpaka buti. at hindi lahat kayang maging totoo.
hindi ko siguro sila maiintindihan kasi eversince, i hate plastic people. nung high school nga ako, 4 na taon kong hindi kinibo ang isang klasmeyt ko hanggang sa grumadweyt at hanggang sa ngaun dahil feeling ko pinaplastik nya ko. ganun nga kasi talaga ako. im a good friend. pagpapatayan kita pero wag mo lang akong sasaksakin sa likod. ibibigay ko sa'yo taong mahal ko, pero wag na wag mo syang aagawin sakin. mamahalin kita ng katulad ng pamilya ko, pero wag mo kong itatakwil patalikod. kaibigan kita, hanggang sa huli, ipaglalaban kita. pero mahirap kung ang taong itinuturing kong kaibigan eh sya ding magiging dahilan para kasuklaman ko ang mga taong nakapaligid sakin.
hanggang kelan ka nga ba magtitiwala sa isang tao? hanggang kelan mo toh kayang patawarin? hanggang kelan kaya mong tiisin? hanggang kelan kaya mong tanggapin na hindi lahat ng tao, eh totoo sau. oo masakit, coz the same trust you gave is the trust that lets your self feel down. ang hirap. dahil kung sa akala mong nakahanap ka ng kakampi, ung taong hinahawakan mo ng mahigpit, eh sya rin palang taong hihila sau pailalim hanggang sa huli na para magsisi ka.
kung nagtataka ka kung ano kinalaman ng first paragraph sa mga susunod pang paragraph, eh hayaan mo na. at kung babalikan mo pa para basahin ung unang paragraph para ianalyze kung ano koneksyon nito sa iba, iisa ang ibig sabihin nun...adik ka na rin tulad ko. hehe.
Wednesday, December 2, 2009
Leaving Behind
Gurl T [3:03 PM]:
nang mawala ka sakin, ikaw at ako'y nawalan; ako dahil ikaw ang minahal ko ng lubusan,at ikaw dahil ako sayo'y lubusang nagmahal. Ngunit sating dalawa'y ikaw ang higit na nawalan,dahil pde kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sayo, ngunit ikay ndi mamahalin tulad ng kung paano kita minahal...
kaloka, Gurl T talaga...sumasabay sa ka-emotan ng mundo ng mga babae. palibhasa nagfefeeling maging ka-isa namin. na shock ako sa nabasa ko mula sa kanya. abah at in love ang lola kong bading. hehehe. huwow na lang ang naging reaksyon ko. speechless. napatitig. napatulala. at nag-isip. eto na naman, usapang puso na naman. dun lang ata ako magaling. mag extract ng nararamdaman. samantalang di ko masimulan ung dapat sanang sytem test execution ko. ni hindi ko nga alam kung pano mamasyal sa mainframe at kung pano magcode ng cobol. lintek na..anong silbi ko bilang programmer. samantalang may mag post lang ng usaping pampuso...eto nakagawa na ko ng isang paragraph at isang walang kakwenta kwentang kwento para ipost sa blogspot ko.
mula sa malalim at matalinghagang hugis bulaklak at kulay green na puso ni Gurl T, sabi nya ( ang hirap idigest ang simpleng sentence na un ah!)...kung magkakahiwalay man kau ng iniirog mo, sya ang lubusang mawawalan. baket kasi, dahil hindi na sya makakahanap pa ng taong magmamahal sa kanya tulad ng pagmamahal mo. korek!
karamihan kasi sa mga taong naiwan, pakiramdam nila ( o cge na nga,..kasama na ko dun, hindi naman cguro ako magfefeeling bitter dito kung hindi diba?.) sila ang nawalan. well, hindi mo naman talaga maiiwasan maramdaman ang bagay na un. lalo na kapag sobrang binigay mo ang lahat para sa kanya. .we often feels the same bitterness when the one we love left us. we oftentimes ask ourselves what would possibly the reason why they chose to be apart from us. minsan kasi, pakiramdam natin kapag binigay na natin ang lahat, kapag halos naging kasama sa bawat kakornihan ng buhay, kapag halos sya na ang pustiso mo (coz you cant smile without him), o sun (kasi sa kanya umiikot ang solar system mo) at relo (kasi tumitigil ang oras kapag kasama mo sya), hawak mo na ang assurances mo sa buhay na magtatagal at mgsstay sya sau. wake up dude!...nothing is permanent in this world. iwasan mo man, takasan mo man, babalik at babalik ka pa rin sa katotohanang iiwan ka rin nya whether you like it or not. swerte mo na lang kapag ikaw ang nang-iwan.
bukod sa pagkakabasa ng unan mo tuwing gabi at bukod sa pagiging zombie...ano nga ba ang dulot kapag iniwan ka. ano nga ba ang totoong pakiramdam kapag nasayang ang lahat ng "efforts" mo to build a strong relationship. masakit oo. unexplainable pain. undetermined bitterness. indescribable feeling. kasi dun ka magseself pity. you ask yourself what have you done wrong. bakit kahit na pati allowance mo ibinibigay mo na sa kanya makagpagload lang sya. bakit kahit na maghintay ka ng 3 oras dahil palagi syang late sa usapan nyo. bakit kahit na sobra sobrang pagtanggap mo sa explanation nya na hindi sya makapagtext sau dahil low batt cp nya...bakit iniwan ka pa rin nya.
ganun talaga. walang ibang dahilan un. natapos lang talaga ang role nya sa buhay mo. nag expire na ang binigay na budget time ni God para sa inyo. binawi na nya ang taong pinahiram lang nya. baket? simple lang. to teach you. kaya kung ano ka ngaun, un ay dahil sa kanya. kung dating hindi ka kumakain ng gulay at natutunan mo lang sa kanya na pati damo eh dapat kainin, matuwa ka.. kasi un ang purpose nya sa buhay mo. hindi mo man maintindihan sa ngaun, pero sigurado akong darating ang isang araw na pagtatawanan mo na lang ang ilang baldeng luhang inaksaya mo para sa kanya. minsan, kapag ready ka na, makakasalubong mo na lang sya, at taas ang noo mong sasabihing, look at me!..look at what have you left few years back. at buong lupit mong sabihin sa kanya...maglaway ka!
Monday, November 23, 2009
love story
she doesnt believe in chatroom romantic-love-story. feeling nya, kasinungalingan at kaplastikan lang lahat. hindi seryoso, mapaglaro, past time at for fun lang ang pakikipag relasyon with the chatters. she's contented giving advices to her frends especially when it comes to the heartwhelming love problems. she's always ready and enjoying having a one-on-one love session advices. kuntento na sya dun, masaya na sya dun.
ewan ko ba, parang sinasadya ata. hindi ata kuntento si God ng hindi complicated ang buhay ni melai. binigyan nya ng buhay na makulay (hindi gulay ah!) ang black and white na chatworld ni melai. pinadala nya c Romeo. prinsepeng bigla nalang sumulpot at humalo at nakigulo. never in her craziest idea that this prince would change her simple life. complicated pero nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para gawin ang isang desisyong matagal nyang takot isagawa. she aint sure what would be the role of this prince. all she knows, she's happy that somehow, she's became a part of him. vague and doubts were all up to her. minsan nilalamon sya ng insecurities at pagdududa. pero what the heck!...they aint know nothing.
unti-unti, its early to say... but Juliet definitely learned to love his Romeo. she doesnt know why, she doesnt care. but she's all scared. scared for the love she felt. she's scared to show it off, thinking it will lead her back to the place she's been before. and she doesnt, with all her might, let herself to go back to that hell place. pero na inlove ang gaga, at kahit napaka labo ng pede nyang maging future with this prince, she extend and share her love to this prince charming. ang daming witches na nagkalat, nangialam at nakipag kaibigan. minsan hindi na nya alam kung dapat ba syang maniwala sa mga ito. pero she managed to understand things. she managed na hawakan at makipag laro sa mga witches. bein true to everyone is the greatest shield she had. pero kahit na anong gawin nya para hindi masaktan, kambal ata ang pain at love. magkasabay mong naffeel. all she know, this love story will never be easy and it will not be a happy ending. there were times she want to give up, but love conquers all. hope will conquers all. and she definitely determined to survive this for her Romeo.
Romeo take me somewhere we can be alone
I'll be waiting all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story baby just say yes
> love story by taylor swift
ang BLOG..bow
eto na naman, tamang senti na naman. iba ata ang pagkakaintindi ko sa blog. kung ako ang tatanungin kung pano iddefine ang isang blog..malamang sa malamang..ang isasagot ko,..eto
"ser, ang blog po, ay koleksyon ng mga sama ng loob na hindi mailabas. hindi kayang ilabas na gustong mailabas."
gets nyo?. parang isang diary na punum-puno ng hinanakit at pagdurusa. ewan ko, wish ko lang...after hundred years, madiscover tong blogspot ko..para naman malaman ng next generation kung gano kahirap magmahal...baka kasi that time, artificial na rin at de- remote na ang puso. pede ng iprogram kung sino ang pede mong mahalin. pede mong kontrolin na wag masaktan, at pede mong piliting kalimutan ang isang taong dahilan ng pamamamaga ng mata mo tuwing gabi.
hi-tech na ang panahon ngaun...hi-tech na rin ang pamamamaraan para sandali mong makalimutan ang problema mo sa buhay. friendster, facebook, twitter, flicker, blogspot....at chatting. sabi ko nga, kung badtrip ka sa mundo mo ngaun, pumunta ka sa YM chatroom..dun mo matatagpuan ang mga badtrip ding taong katulad mo. makipag awayan ka dun, makipag basag trip ka, makipag landian, makipag bolahan. walang mangingialam sau. madalas kong sabihin, ang chatrum ay isang mundo na para sa mga taong gustong lumabas sa realidad ng buhay. kung broken hearted ka, isang pakikipag landian at pakikipagsayang ng oras, may papatol agad sau. ang pakikipag chat ay parang pagsinghot lang ng isang plastik na rugby. nakaka adik...nakaka high. nakakakatulong para makalimot. pero ang hindi mo alam, bawat pag singhot, bawat paglasap, kapalit nun ang pagkakasangla ng damdamin mo sa mas masakit pang karanasan... ang pagbibigay ng tiwala sa mga taong natutunan mo ng mahalin sa mundong pinasukan mo. akala mo, nakahanap ka ng kakampi, akala mo nakahanap ka ng taong magmamahal sau...at akala mo makakahanap ka ng taong makakaintindi sa kadramahan mo sa buhay. pero ang hindi mo alam, unti-unti kang kinakain ng mga akala mo lang. unti-unti kang inuubos ng mga lintang pinag aksayahan mo ng oras. only to find out, na kapag ubos ka na, dun mo malalaman na karamihan ng taong pinagkatiwalaan mo...ay ang mga tao ring sisira at dudurog sa natitira mo pang pag-asang makabangon.
oo nakakalungkot. dahil ang tangi mo lang namang gusto eh makahanap ng taong makakapagpabalik ng normal na tibok ng puso mo. nasaktan ka, nalugmok, bumangon, ngtiwala, umasa...ngunit nabigo ulet. huli na para tumayo pa ulet dahil lugmok ka na sa kawalan. dahil ang mga taong hinawakan mo, ay sya ring taong hihila sau pabalik sa kadiliman ng buhay.
kumawala ka man sa mundong ito, iba ka na at hindi mo na kayang kilalanin ang sarili mo.sa dami ng taong hinayaan mong pumasok sa buhay mo...hinayaan mong mgdesisyon at mangialam, hindi mo na nanaisin pang pumasok ulet unless matibay ka at gusto mong makaganti. Ganun talaga siguro, pag nagkamali. charge to experience ika nga. wala ka ng choice eh kundi tawanan na lang ang katangahan mo sa pagdedesisyon sa buhay. wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang....at ikaw mismo.
Wednesday, November 11, 2009
Break Up
after the break-up, i thought i was strong enough to handle this thing again. kasi nga sa sobrang dami ng break-up na naranasan ko, i thought i was going to be numb na. iba't-ibang reason, iba't-ibang twist of the stories. pero sympre, lahat pakiramdam ko, hindi ako ang nagkulang. when it comes to relationship, hindi ako nahihiyang ipakita at iparamdam ung hundred percent ko. dun nga nagagalit sakin mga frends ko when i ended up crying to them. hindi na daw kasi ako nadala. paulit-ulit na lang daw. eh ganun ako eh, kapag love ko ang isang tao, i gave everything i can never expect anything in return. basta paramdam mo lang sakin importante ako sau...un na un. nothing else.
breaking with someone important to you is one of the hardest decision and definitely one of the complicated things to accept. itatanong mo sa sarili mo kung bakit despite of all the things you've done, bakit it still ended up bitterly. Pipilitin mong tumawa at magpanggap na masaya ka. pipilitin mong ipakitang your not affected pero matutulala ka na lang bigla kapag naaalala mo sya. minsan nga kahit maamoy mo lang sa iba ung perfume nya, maiiyak ka na. or kapag may nakita kang sweet na couple, you bitterly say "maghihiwalay din kau" . many of us will try to cover up the pain. ung iba nagtatagumpay. ewan ko ba kung anong klaseng dasal ang pinaggagawa nila sa gabi habang umiiyak. at kung anong klaseng diversion ang pinipili nilang gawin to survive.
at this moment, after a month of the break up, ngaun ko lang hinayaan ang utak kong magisip why it happened. bakit ganito. after lahat ng nangyari samin. after kong ibigay lahat ng kaya kong ibigay. after the good memories. hindi sa nanunumbat ako, i was just analyzing things...analyzing situations baka sakaling may makuha akong sagot. baka sakaling sisihin ko ang sarili ko.
sabi ko hindi na ko iiyak. sabi ko tama na. sya ang mali and i have to do this para sa sarili ko. kasi kung hahayaan ko, ako din ang kawawa in the future. i always felt i was the one who ended up pleading after our misunderstandings taken for granted that im the one who are matured enough to understand things. pero lagi na lang bang ganun.porke ako un matanda, ako ung nakakaintindi, ako ung nakakaunawa...kailangan ba ako na lang lagi mag adjust. minsan wala naman sanang problema, pero feeling ko he's getting spoiled. feeling ko, wala syang natututunan sa pagdadala ng relasyon namin. sometimes, i missed bein treated like his girl and his princess. i never felt that way. and that is what the most tiring. taking the responsibility to overcome the problems in our relationship.
When I said I didn't want to see you anymore why did you choose that particular statement to be the only one you ever listened to?
masakit. oo. pero mas masasaktan ako in the future if ngaun pa lang hahayaan ko toh. God knows i missed him, pero i have to do this. para minsan, im finger-crossed na ma realize nya ung importance ko. maramdaman nya ung kawalan ko. maintindihan nya ko. at malaman nya ung mga pagkakamali nya.
~ Breaking up is a natural evolution when you try to figure out what you want in life. If you're with an individual who isn't moving in the same direction and at the same rate that you are, it ain't going to work. ~
Thursday, August 27, 2009
nakaka........what?!
ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nagbibilang ka na lang ng oras mo. hahaha. dont get me wrong. i mean, 1 and half days na lang kasi ako dito sa company. naayos na maigi ang transition of work at parang naghihintay nalang ako para umalis at magmartsa palabas ng building ng ngwwave pa sa mga ka kilala at ka feeling close. walang internet at walang silbi ang laptop na dinala ko pa para hindi lang maboring. kung kelan naman kasi mahigit isang araw nalang ang ilalabi ko dito, ngaun pa naginarte ang pldt. wala tuloy ako magawa kundi ang gumawa ng isa na namang walang kwentang blog.
hay, new environment na naman starting tuesday. actually, hindi naman completely new environment. para lang akong bumalik sa dating nakasanayan ko na. babalik na sa pagiging feeling sosyal. makakasama na namang ang mga pareho kong adik na batchmates at makakaranas na namang mabusog sa Dampa. of course, sa kabila ng mga good sides na un, natatakot ako sa posibleng maging kapalit ng pagbalik ko dun. ako kasi ung tao na naniniwalang every good side has a bigger bad sides. may kapalit ang lahat. natatakot na ko na baka kung dating super petiks at lamon sa mcdonald's, baka ni merienda ng plato wraps hindi ko na magawa. kung dati walang magawa, baka ngaun maging loaded na.
It is really a nice feeling na bumalik sa dating nakasanayan na. mahirap kasing makapag adjust. ngaun ko naranasan ung pakiramdam ng isang mayaman na naging mahirap. tsk tsk tsk mahirap talaga. nung na declared ako as isa sa mga taong na redundant, naisip ko bigla kung san na naman akong company pupulutin. kung pareho ba sa nakasanayan ko. mahirap mag hanap ng trabaho sa panahon ngaun. swerte na nga lang at after 2 days, natanggap agad ako sa inaaplyan ko. hindi man katulad ng dati, pero ok na.
sobrang malaki ung kailangan kong iadjust most especially in money issue. kung dati nakaka bili ako ng chaofan para lang sa almusal, ngaun ngtyatyaga ako sa isang pritong itlog at kanin sa karinderyang malapit sa office. kung dati hindi ko makasanayan ang di pagtawag ng mam sa superiors, ngaun naman nahihirapan na kong bigkasin ang salitang "mam at sir"
pero ang lahat natutunan. ang lahat napag aaralan. kailangan mo lang ng willingness and acceptance to adjust yourself.
Tuesday, August 25, 2009
Tatay
ng itext ako ng kuya ko stating only ..."c tatay.." i already know what happen. though i already knew, i have to confirm. and then it was, iyak na lang ang nagawa ko. blangko ang utak ko nung umuwi ako. calm pa rin pero i dont know what exactly i feel. ilang araw ng may sakit tatay ko, pero i never had the faintest idea that it will lead to something serious as this. dito ko lang sasabihin, but those days na pinagdaanan nya, pinipilit kong alisin sa utak ko ang maghanda kapag dumating na ung ganitong pangyayari. ewan ko, kahit anong pilit kong wag isipin, sumasagi sa utak ko ang mga what to do's kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko. siguro, gusto lang talaga ni God na makapag ready ako.
i was so really sad, when tatay left. i know, he has so many things to say pa. mga bilin, mga advices at mga dapat naming gawin. but he never had the chance to spill it out kahit na every year sinasabi nya saming ready na sya. Unexpected para saming lahat ang pangyayari. kumbaga, wala ni isa man samin ang makakapag isip na this is the time. siguro pati c tatay, hindi din nya iniiexpect na iwan kami this time. kasi hanggang sa huli, lumalaban sya.
if only i knew this would happen, hindi lang panggupit ng buhok ang pede kong gawin sa kanya. pede ko sanang sabihing mahal na mahal ko sya even if it not shows. me and my brothers never had the chance to say personally how much we love him. hindi kami ganun ka vocal sa mga feelings namin sa isa't isa. kaya madalas pakiramdam ng tatay ko, taken for granted sya at loner. pakiramdam nya, wala kaming pakialam sa kanya. pakiramdam nya, we never cared. malaki ang sama ng loob at tampo nya samin. madalas, inilalabas nya ang mga tampo nyang un sa hindi magandang paraan ng pagkakasalita. kaya karamihan samin, masama ang loob. ganun nga siguro kapag hindi nagkakaintindihan at hindi bukas ang isa't isa sa pagkakaintindihan.
ngaung wala na sya, pain memories fades. totoong may mga bagay na sumama ang loob ko sa kanya. pero hindi ko na ngaun naaalala ang mga un. naalala ko na lang ung tuwing ittreat nya ko everytime nakakakuha ako ng honors simula kinder to elementary. dadalhin sa San Juan, kakain ng halo halo at palabok. dun lang masaya na ko. Bonding with my parents. these past few years, mas naramdaman ko ung care at love nya sakin. although striktong tao, never nya kong pinigilan sa mga gimiks at out of town trips ko. kapag may pera, he never missed na itreat ako and the family sa malls. kakain sa kenny rogers or mcdonalds. maraming bagay ang naibigay nya sakin. pero ako, tuwing pasko lang nagbibigay ng regalo. hindi man ako ganun ka showy, pero i always make it sure that he will be proud of me. kaya pinipilit kong mag excel dati sa school. the last time i treat him with mama eh ung pumunta kami sa Baguio. si tatay kasi ung tipo ng taong ayaw ittreat. gusto nya sya ung mgttreat. but that moment, napilit ko syang sumama. siguro dahil gusto nyang makilala ung family ng boyfriend ko. dun ung last bonding namin ni nanay at tatay with my 2 nieces. naging memorable ang bawat araw. at dun ko naramdamang nakabawi ako sa kanila.
bilib din ako sa kanya. bilib ako sa pagpapalaki nya samin. sa pagdidisiplina ng 7 lalake para lumaki sa tamang paraan. kaya ngaun, sobrang bilib ako sa mga kuya ko. kasi with all of my life, hindi ko sila nakitang ngaway, nag murahan o nagkasamaan ng loob. malaki ang paggalang naming magkakapatid sa isa't isa. that's one thing i will be proud of because of my father
i dont know, pero hindi ko maramdamang wala na sya. more of i felt na, umalis lang sya. pumunta kung saan. at pagkabalik nya, mgkkwento sya ng mga experiences nya at mga taong nakasalamuha nya. creepy as it seems, pero im looking forward na makita sya at marinig ung mga kwento nya. gusto kong itanong kung anong buhay after death. gusto kong marinig kung sino-sino ung mga na meet nya dun. mga do's and dont's. kung totoong may kaluluwa at kung saan napupunta after 9 and 40 days.
im sure whenever he is, he's just watching us and still guiding us like what he always do. at siguro kung san man sya naroroon, pagmamayabang din nya ang aming pamilya. and i know too, he's happy and peaceful now.
'tay...i love u so much....i miss you
never say goodbye.
Tuesday, May 12, 2009
Fear
what is your fear?
what is mine?
hmmmnnnn aside from bein' an ombrophobia...(oiii bahala ka na magresearch okay?) sinadya ko talaga yan so i can look like an english vocabulary genius. hahaha. So what makes me feel afraid?...being alone. ISOLOPHOBIA.
isolophobia
fear of bein alone and solitude.
yes i am.
Kaya siguro after our (30 hour to be exact) cool-off, every minute i feel shiver down in my spine. Feeling ko, anytime kaya na nya akong iwan at hindi na muli pang babalik. at ako?...maiiwan at babalik sa dati.
paranoid as it seems, pero kahit anong gawin ko at kahit sobrang magpaka optimistic ako, pilit pa rin sumisingit sa peripheral view (naks, what a term!) ko ang sitwasyong ayaw ko na maranasan ulit. Mahirap umiyak magdamag kapag kailangan mong magtrabaho kinabukasan. Walang gamot para sa swollen red eyes due to excessive flowing of tears. Mahirap gumising isang umaga mula sa panaginip na kasama mo pa rin sya. Mahirap icompose ang sarili at magpanggap na ok lang kapag alam mong halos mamatay ka na sa heart attack. At mahirap ding ifocus ang sarili mo to move on lalo na kapag umaasa ka pa.
oo takot ako. sobrang takot na maiwang mag isa at magsimula ulit sa wala. Back to step 1, para kang grade 1 na magsisimula palang matuto ng ABAKADA. Mahirap magpaka flirt para makahanap ng bagong dyowa. At mahirap ibalik ang dating independent mong buhay. Takot akong makita ang sarili kong nakabaluktot sa kama at binabasa ng luha at sipon ang dalawa kong unan. Takot ako sa interrogation ng nanay ko kapag nakita nya ang mga sabog kong mata. Pano ko ipapaliwanag sa paraang maiintindihan nya at sa paraang kaya kong ipaintindi?
I've been there before and i dont wanna go back anymore.
I guess fear itself terrifies me. there's nothing i can do but to feel fine and.....
to trust him.
Kahit na minsan hindi ko na alam kung paano.
Ultimately, we know that the other side of fear is freedom.
-Marilyn Ferguson
Monday, May 11, 2009
The Ring

Kanina, siguro dala ng natural na katangahan, sumabog ang coin purse ko habang pababa ako ng tricycle. Buti na lang at andito na ko sa tapat ng bahay namin. Kasabay ng mga baryang nagkalat sa kalsada, one thing that really caught my attention.
The Ring.
My Ring.
Our Ring. Dati.
Then, suddenly...all turns back.
It was my one of memorable and romantic moment that day. Peoples Park, Tagaytay. Umuulan (see why i hate rains?) binuksan ang isang small size Pringles. Natigilan. Nakita ang isang supot. At that moment, i knew what it was.
Our Ring.
Dun ko literal na naranasan ung umiiyak ako sa tuwa at naramdamang ngtwinkle ang eyes ko. I’ve never been so happy in my life until that day. He held my hand and gently put the ring and i did the same to him. Usapan namin sabay kaming bibili nun on our 6th monthsary. But then, knowing him...full of suprises. Pakiramdam ko, ang ganda ganda ng daliri ko nung time na un. Kahit simpleng ring lang at walang 24karat diamond, feeling ko, nagliliwanag ang daliri ko tuwing titingnan ko.
When he left, ang singsing na yan lang ang nagbigay ng lakas na loob sakin to move on. I made it as an inspiration. In 3 years, walang oras na hindi sya naalis sa kin. Everytime i look at my neck, it reminds me that i must move on to my life. I must do the best that i can. Para next time na makita nya ko, he will meet a different person. Far from the girl he left 3 years ago.
Call it sentimental, call it bad. I don’t really care. But the ring signifies a very strong personality of mine that still holds on the past. The happiness, the pains, the guilt, the anger....mixed feelings that the ring may possess. I possessed. Kung may buhay lang ang singsing na ‘toh, iiyak din sya everytime i felt loneliness. Magagalit din sya, everytime i felt betrayed. At sana marunong din syang mag hope. Isang bagay na minsan nakakalimutan ko.
And then...
One cold night at Burnham Park.
My boyfriend talked about it. He doesn’t want to see me anymore wearing that thing. Nagulat ako. Isang simpleng bagay, pero nakasakit ng husto sa feelings nya. I never had the faintest idea na it will hurt him so much. “am i not enough to forget him?” I suddenly feel ashamed of myself. He really knows what i felt for still wearing that. After the serious talk, i gently remove the ring from my pendant and slide to my coin purse and decided to let go any feelings that haunts me till that moment.
He’s right.
I must let go.
Wala na sya sa necklace ko. Kasama na lang ng mga barya at rosaryong galing din sa past. It had to be. It must be. Dun siguro sya nababagay. Dun siguro sya dapat. Kasama ng maruruming barya, ang dating kumikinang na situation, naging isang maruming ala-ala na lang.
I bet, now...he’s wearing his new wedding ring. And where did he put our ring? i guess he buried it..........
with our memories.
Friday, May 1, 2009
Natutunan Ko Ng Umalis Ka?
Natuto akong makipag textmate. Jologs na gawain. Ni minsan wala sa hinagap ko na asamin kong magkaron ng textmate. Pero mula ng iniwan mo ko, winelcome ko ang mga jologs na walang magawa sa buhay nila kundi ang magubos ng load. Naging ka clan nila ako. Naging adik din at walang ginawa kundi makipag chickahan at makipag ubusan ng load sa mga taong hindi ko naman kilala. Pero, kahit punong puno ng kaplastikan, sa pakikipagtextmate pansamantala kong natutunan na limutin ang sakit na dinulot ng pag iwan mo sa akin. Aaminin ko, sa ka jologsan kong ito, naka pag move on ako. Hindi man lubos, pero natutunan kong unti unting tanggapin na dapat patayin ang natitira pang pagasa na balikan mo pa ako.
Nakilala ko sina Hinder, 3 Doors Down, Nickelback, Dishwalla, The Fray, Red Jampsuit Apparatus at Chemical Romance. Masarap din palang mag head bangers instead na umiyak. At masarap din pala sa tenga ang maghapong pakikinig mula sa mp3. Na kahit halos lowbat na, pipilitin pa ring i charge wag lamang mabakante ang utak ko. kailangan ko kasi ang musika, maghapon magdamag, dahil bigla ka nalang lilitaw sa isip ko kapag isang segundo lang na katahimikan ang dumaan. Ewan ko nga ba kung bakit. Anim na daan at pitumpu’t isang araw ko ng iniisip ang sagot dyan.
Nakalimutan ko na nga rin ang kantang How did You Know, The Gift at Let the Love Begin. Mga kantang walang mabuting idinulot kundi pamamaga ng mata ko. Itinapon ko na rin ang mga pirated CD kong Side A, Freestyle at Gary V. Masama silang ehemplo para sa mga taong nagdurugo pa ang puso.
Marami na nga rin pala akong lugar na narating at gimik na naattendan. Always updated sa latest gig. Nakikisayaw, nakikikanta, nakikikain, at nakikipag puyatan sa kalsada. Kung dati, hindi ko alam ang alas onse, ngaun sa kalsada ko nakikilala sina alas tres at alas kwatro. Minsan masarap ding maranasan kahit masakit sa ulo ang makita mong sumisikat ang araw gayong hindi ka pa naman natutulog.
Naging sporty at adventurer na rin ako. Bowling, swimming, gym at extreme rides ang bago kong favorite ngaun. Masarap din sa pakiramdam ang isigaw na lang ang sakit habang nasa Space Shuttle ka. Masarap magpaka lunod habang naalala kita. At masarap itapon ang mga ala ala mo habang ngddumbells ka.
Naging ambisyonera na rin ako. Gusto ko maranasan ang lahat. Gusto ko marating ang buong Pilipinas. Gusto kong magawa ang mga bagay na hindi ko nagagawa nuon. Gusto ko mabili ang mga latest gadgets ngaun....Gusto kong higitang gawin ung mga nagagawa mo. Gusto ko.....kapag nakita mo na ko ulit, magulat ka, dahil hindi na ako ang dating ako.
Natutunan ko rin na isang napakalaking kasinungalingan nga talaga ang happy ending. Nag doubt tuloy ako kung may happy ending nga talaga sa mga fairytales. Baka naman kasi hindi pa tapos ang story nila at pinublish na ng mga hacker katulad ng Twilight. Isa nga lang talagang napakalaking imahinasyon ang pagiisip na may happy ending ang lahat. Isang desperate thinking lang ng mga taong umaasa.
Naging public enemy ko na rin ang ulan. Kasabay kasi ng malakas na pagiyak ng langit, eh ang pagtulo naman ng luha ko. Sa love radio ko nalaman na ang tawag pala dun eh Seasonal Affective syndrome. Kaya kapag umuulan, asahan mo na, ang Ym status ko eh- SAS. Sa mga panahon na malamig at maingay ang langit, lalong tumitindi ang pagnanais ng isip ko na maisip ka. Hindi ko rin alam kung may scientific explanation para dun. Kung kasama ba sya sa Law of Physics or Gravity? Dahil nahihila ng ulan ang luha ko mula sa kinalalagyan nya.O.... dahil umuulan ng huli kitang makita. kasabay ng pagdilim ng langit ang paglabo ng kinabukasan ko ng magpaalam ka. Kasing lakas ng kulog at kidlat ang naghuhumiyaw na katotohanang hindi na maaring muli kitang mayakap at matawag na mahal. Yon nga siguro ang dahilan kung bakit ayaw kong umuulan.
Naaalala kita.
Oo maraming nagbago sakin. Minsan nga hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Masama man o mabuti ang ibinunga ng pag iwan mo sakin, iisa lang ang sigurado ko.....that....i am not the same person anymore. Na kahit anong gawin ko upang ibalik ang sarili ko sa dati, pilit pa rin akong hinihila ng ala ala mo, upang dalhin sa panibagong ako. Walang kaparis ang sakit na ginawa mo...parang isang sugat ng may diabetis. Matagal gumaling. Minsan naapektuhan na rin ang buo mong sistema. pag-iisip at pakiramdam ay bigla na lang naging manhid. Hindi ko rin masisi ang mga taong tumatalon sa billboard at umiinom ng muriatic acid. Kapag sobrang sakit, hindi mo na alam kung ano ang tama at ang mali. Hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin. Kung magpapatalo ka o lalaban ka.
Alin man sa dalawa...masasaktan ka pa rin.
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
Tuesday, April 21, 2009
After the rain...
And no matter where I go it’s always pouring all the same
These streets are filled with memories
Both perfect and in pain
And all I wanna do is love you
But I’m the only one to blame
Cause today, you walked out of my life
Cause today, your words felt like a knife
I’m not living this life
But what do I know, if you’re leaving
All you did was stop the bleeding
But these scars will stay forever
These scars will stay forever
And these words they have no meaning
What do others feel when they lost the most important person in their life?… it’s hurt of course. Minsan sabi ko sa sarili ko, makita ko na lang na nasa iba ang taong mahal ko, wag lang syang mawala forever. Iwan na nya ako dahil sa ibang girl ‘wag lang dahil kinuha na sya ni Lord.
Sa movies maraming ganyan, namamatay ang bida at naiiwang umiiyak ung mga nagmamahal sa kanila. Normal na lang siguro sa’tin ang maka saksi sa ganung ka sad na situation. Taken for granted ang feelings nila. Minsan maiinis ka pa dahil sobrang kakornihan ng story. Napaka common.
Until recently, I just heard. My friend’s sad story. It doesn’t make sense to be affected. But somehow, even myself don’t understand why I cried. Maybe, because it was really a sad and tragic ending of their love story. A very complicated sad story that was miles away from fairytale’s ending. It wasn’t natural. It was done by hatred, pain and hopelessness. A really sad move of avoiding pain by taking its own life.
I was once deceived that taking my own life will stop the pain and end my misery. I was hurt before. So hurt that I could no longer think what’s right. All I felt was the stabbing feeling in my heart. hindi na makapag isip ng tama ang utak ko. Pati motor senses ko naapektuhan. Ganun ata siguro kapag sobra kang nasaktan. Gusto mong tumakas, maglaho at lumayo. Gusto mong makalimot, makaganti, magwala, maging maligaya. Lahat ng pede mong gawin to ease the pain. Mababaw ang bawat tawa at pilit ang mga ngiti. Wala sa sarili at laging tulala.
Pero ano pa nga ba ang mas sasakit pa sa mga naiwang ngdadalamhati. What could be the worst to know that your special loveone was just a few meters to the heaven’s gate? Accepting the fact could never that easy. And it never will. The scars of the past would be permanent until you die. No things and situation could change that.
Sabi nga nila, ang buhay daw ay punum-puno ng trials. Life is full of suprises and complications. Kapag nasaktan ka,matuto daw tumayo ng nakangiti, matutong lumaban at humarap ulit. Madali para sa iba na sabihin na “kaya mo yan…” “ok lang yan…ganyan talaga ang buhay.” But once you’re in that situation, you can’t even know that there still a rainbow after the rain.
Mababaw para sa iba… malalim para sa mga nasaktan. We can’t change the fact and the past. All we can do is to embrace the pain and be numb. Don’t be ashamed to cry. Weep if you have to. Allow yourself to mourn. It’s the only way to prepare yourself to the next phase of your life. Give yourself a time to heal and a time to move on. There will always be hope even if it seems hopeless.
Cause today, you walked out of my life
(Stay with me, or watch me bleed)
Kyle…be strong.
Friday, March 20, 2009
Patingin tingin....sarap sapakin
ewan ko ba... kung bakit naman kasi ayaw pang ipahalata ng todo kahit halata naman. at ewan ko nga rin ba, kung bakit parang ako lang ang sensitive na taong laging nakaka pansin ng mga malalagkit nilang tingin. minsan nga natatawa na lang ako tuwing magtatagpo ang tingin nila sabay kindat ng isa. matamis na ngiti naman ang isasagot ng isa na parang high school na kinikilig at parang bulateng nilagyan ng asin.
nakakairita...nakakaasar...nakakapag init ng ulo...
o baka naman
nakakainggit.
ayaw ko ngang ipaalam sa kanila na kumukulo ang dugo ko sa kanila. baka lumabas ang totoong inggit lang ako. palibahasa wala ng lovydoves ko para kindatan at bulungan ako. hays
ngaun naiintindihan ko na kung bakit napaka init ng dugo nga mga ka opismeyt ko dati nung nagkaron ako ng boypren sa opis.
hehe..mga inggetera rin pala sila
Monday, March 2, 2009
Mga Tanong Na Walang Sagot
para akong nakasakay sa time machine. umikot ang mundo pabalik sa nakaraan, three years ago. narinig ko na yan eh sa ibang sitwasyon, sa ibang tao, magkaibang lalake pero pareho kong mahal. oo, naniwala ako, ganun naman ata kasi kapag mahal mo. mali....sobrang mahal pala. ung tipong kalahati na ng sarili mo at buhay mo. hindi ko alam na sa paniniwalang yon, magbabago ng buhay ko ngaun. pagbabagong pati sarili ko, hindi ko na makilala.
aalis sya non...magttrabaho sa ibang lugar. hindi naman dagat ang pagitan naming dalawa, pero malaki ang takot kong magbabago ang lahat. bukas ang isip kong maraming posibleng mangyari kapag magkalayo kami. maraming temptations, maraming sacrifices. pero sa mga salitang binitiwan nya, naging palagay ang loob ko. ngtiwala ako at naniwala. ok naman, ganun pa rin...we almost everyday update ourselves on whats happening to us. but, nothing is permanent. things has changed. He changed. ung kinakatakutan ko, nangyari na.
sa simula, pinaglaban ko.pero sumuko rin ako. pano ko pa ipaglalaban ang mahal ko kung may mahal na syang iba? pano ko pa ipagpipilitan ang sarili ko, kung iba na ang nasa isip nya? pano ko pa masasabing mahal ko sya kung iba na ang mahal nya? at pano ko pa sasabihing hindi ko kayang mawala sya, kung handa na syang mawala ako? siguro un na ang pinakamasakit sa lahat. letting go of your one truly love. letting go a part of your self.
Letting go...para lang maging happy sya.
Kahit na halos mamatay ka na sa sakit.
pagod na ang puso ko maghintay at magtiwala. nawalan na ko ng lakas ng loob upang umasa pa sa happy ending. history repeats its self. pero sabi nga nila, dont lose hope. everything has another story. what if kung ngaun totoo na? what if kung ngaun matupad na ang nawalang pangako?. what if kung this time ibinigay na ni God ang matagal ko ng hiling?...
what ifs...how can i strongly believe in those what ifs?
"hon..nakikinig ka ba sakin?. naiintindihan mo ba ko?..."
everything turns back to present, ngaun aalis ulit ang bago kong mahal. sa pagkakataong ito, dagat na ang pagitan.
i turned my attention to him and said " lets see when that time comes..." hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti....................with bitterness.